Chapter 26

598 41 5
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

ARIEL

"Nasaan na ang CCTV na pinagyayabang mo? Na magpapatunay na wala talagang nangyari sa inyo ni Mendusa? Nasaan na?" tanong ko kay Colt.

Naghihintay kami dito sa loob ng kaniyang opisina. Wala kaming ibang magawa kun'di ang magtitigan. He's not opening any other topic. Hindi rin naman ako nagsasalita dahil wala naman akong gustong sabihin sa kaniya dahil ako sa kaniya.

"Just wait. Kinukuha pa ni Lance ang footage. Di naman ganun kadali kumuha nun. Magrerequest pa yun ng CCTV footage."

"Yadayada. Dami mong satsat. Bisto ka naman na. Alam mo, para matapos na ito, umamin ka na lang tapos pirmahan mo na yang mga papeles nang makaalis na ako. Malapit na matapos ang shift ko and I need to go home ASAP."

"Nagseselos ka ba?" out of nowhere na seryosong tanong ni Colt sa akin.

"Selos? Ako? Bakit naman ako magseselos, Colt?"

Nagkibit balikat siya sa tanong ko. "I don't know. Bakit nga ba, Ariel? Bakit nga ba hindi ka magseselos?" napaismid pa siya sa kaniyang tanong.

Napataas ang isang kilay ko sa taas ng confidence niyang nagseselos ako sa Mendusang iyon. Hindi lang ako nagselos. Nasaktan din ako sa kaisipang may nangyari sa kanilang dalawa when in fact he's trying to get into my pants. Di ba kursunada niya ako? Bakit siya papatol sa ibang babae kung gusto niya ako?

Nanahimik na lamang ako at hindi na siya kinausap. I remained silent while looking at him straight into his eyes. Mukhang nanghahamon ang kaniyang mukha. Kung hindi lang siya gwapo, malamang ay walang makakatagal sa pagtitig ng kaniyang mukha. Iba talaga ang nagagawa ng mga may hitsura. It's so unfair. Di ko nga alam kung bakit siya nakakatagal ng tingin sa pangit kong mukha.

"Sir Colt hawak ko na ang files for the footage." Sabi ni Lance nang makarating ito sa loob ng opisina ni Colt. Kinuha ni Colt ang sd card sa kamay ni Lance at nilagay sa isang card reader bago ito sinalpak sa kaniyang laptop.

My hands start to shake. Pinagcross ko ang aking mga kamay. Di ko alam kung bakit bigla na lang nagkaganito. Siguro sa kaba kaya ako nangatog ang kamay ko.

Pagkalabas ni Lance saka ni-play ni Colt ang video. Biglang tumunog ang laptop at narinig kong muli ang ungol nilang dalawa. Mga ilang segundo na sigurong nag play nang biglang bumukas ang pinto.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Lance at mabilis naman pinatay ni Colt ang nagpaplay na video sa laptop niya.

"What the hell? What do you need, Lance?"

"Nakalimutan ko ang phone ko." Turo ni Lance sa phone niyang nakapatong sa table ni Colt. Nandoon nga ang cellphone nito.

"Get it fast and then leave."

"Okay, sir." Mabilis na kinuha ni Lance ang phone niya bago nagmamadaling lumabas ng opisina ni Colt.

Pulang pula ang mukha ni Colt dahil sa galit. Narinig lang naman ng secretary niya ang kaniyang ungol. Umabot hanggang tenga niya ang pagpula nito. "Shall we continue?" he asked.

"Yes, and can I see the video? You're not letting me see it so how can I believe you?"

"Hold on. I'm still watching it."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at nahalata niya yun kaya nagsalita ulit siya.

"Para alam ko kung saang part ang ipapanood ko sa yo. Maghintay ka dyan."

"Okay, I'll wait."

After a minute or two hinarap niya na sa akin ang laptop niya. "Let me know when you're ready so I can start playing this video for you."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now