Chapter 24

564 47 6
                                    

Enjoy reading!

CHAPTER TWENTY-FOUR

ARIEL

Diretso ang yapak ko papuntang office ni Colt. Ni hindi ko na pinansin ang sumisigaw na si Claire dahil diretso ako papuntang office ng CEO. Hindi ko mapigilan na magalit ng sobra sa lalaking yun. Punong puno na ako sa kaniya.

Pagkabukas ko ng pintuan ng office ni Colt ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Colt. Meron itong kausap na dalawang matandang lalaki, nakaupo ang dalawang ito sa harap ng kaniyang office table at seryoso din ang mga mukha.

Uh-oh.

"I'm sorry. Wrong room." Mabilis kong sinara ulit ang pinto ng opisina ni Colt.

Nasa likod ko na si Lance at si Claire. Sinubukan pala nila akong pigilan kanina ngunit nahuli na sila dahil nabuksan ko na ang pinto.

"Ano ka ba naman? Gusto mo talagang mawalan ako ng trabaho! Alam mo bang importanteng mga tao ang kausap ni Sir Colt ngayon sa loob ng opisina niya? Kailangan niyang makuha ang loob ng mga yun para sa investment! Tapos sinira mo lang ng ganun!"

Grabe ang reaksyon ni Claire sa ginawa ko kanina. Hindi ko naman siya masisisi. Mali naman talaga ang nagawa ko. Pero ang oa niya sa part na mawawala agad ang tiwala ng mga investor kay Colt dahil lang sa pagbukas ko ng pintuan. Nag sorry naman ako sa kanila.

"I'm sorry, Ariel, busy kasi ngayon si Sir Colt. Marami na siyang gagawin ngayon. Bumalik ka na lang sa susunod," ani Lance.

Kahit si Lance ay pinababalik na lang ako at mukhang wala talagang time si Coltier ngayon. Nakakainis. Naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kailangan na itong mapirmahan ngayong araw ni Colt.

"Hindi pwede, Lance. Kailangan ko kasing mapapirmahan ito sa kaniya ngayon."

"Sorry talaga. Importanteng meeting kasi ang nagaganap ngayon sa loob. Para sa resort yun. Malaking halagang investment ang nakataya hindi niya pwedeng isantabi muna para sa yo."

Napabuntung hininga ako sa sinabi ni Lance. Si Claire naman masama ang tingin sa akin dahil sa ginawa ko.

"Ganito na lang, Ariel, kung okay lang sa yo ibibigay ko na lang sa yo yung signature stamp ni Sir Colt."

"Hindi pwede ang stamp, Lance. Kailangan kong mapapirmahan sa kaniya ito in person."

"Sige akin na, aabot ko na lang sa kaniya after meeting sasabihin ko sa kaniyang ikaw ang nagpaabot."

Nawalan na ako ng pag-asa mukhang iyon na lang ang magandang gawin sa sitwasyong ito.

"Pasensya ka na talaga, Ariel," Napatigil sa pagsasalita si Lance nang bumukas ang pintuan ng office ni Coltier. Lumabas doon ang dalawang matandang lalaki kaya naman nagpasintabi kami sa daan para makadaan sila.

Nagkatinginan si Claire at saka si Lance. Mayamaya pa ay lumabas na si Colt sa office nito.

"What happened, sir? Did they sign with us?" Lance asked Colt, worriedly.

Pa suspense pa itong si Colt, ang tagal sumagot. "Yes. It was all successful. They both signed." Colt said he looks so proud.

"Wow. That was so quick and easy. Hindi ko inasahan na ganun lang kabilis yun sir. Akala ko matagal pa kayo sa office mo. Kinakabahan na nga ako sir e." Sabi ni Lance na masaya at nakangiti rin.

They celebrated their success, samantalang ako e nakabusangot sa puwesto ko.

Dumapo ang tingin ko kay Colt, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin na parang wala lang sa kaniya ang nangyari, alam niyang nahuli ko silang dalawa ni Mendusa. Iba rin ang kakapalan ng mukha nitong lalaking ito. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya lalo na ngayon.

"We need to talk." Halos sabay naming sinabi sa isa't-isa.

"Let's talk. Come into my office." He said in a low tone.

Hindi ko pinansin ang kabog ng puso sa dibdib ko. Pareho kaming may kailangan sa isa't-isa, pero itong kailangan ko sa kaniya, mas kailangan niya para sa ikakalago ng kumpanya ng kaniyang pamilya.

Sinundan ko siya papasok sa loob ng kaniyang opisina. Kusang nag sarado ang pinto ng kaniyang office.

"Pumunta si Jayda dito kaninang umaga para papirmahan ito sa yo pero hindi mo raw pinirmahan at narinig kong meron ka pang kundisyon. Hindi tama ang gusto mong mangyari, Sir Coltier. Sa ayaw o sa gusto mo kailangan mong pirmahan ang mga papeles na ito. Since nabasa mo naman na ang lahat ng ito, gusto kong pirmahan mo na ito lahat ngayon din."

Ang haba ng litanya ko pagkaupo niya pa lang ng office table niya. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa tutal ayaw ko ring tumagal dito sa loob ng kaniyang opisina. Parang may masangsang na amoy.

Ngunit imbes na sagutin ang aking katanungan ay sinagot niya ako ng isa ring tanong.

"Bakit hindi mo sinabing nagpunta ka sa office ko kaninang umaga?" Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha. Di tuloy ako makatitig sa kaniya, kaya naman kung saan saan ang tingin ko sa loob ng opisina niya. Hindi mapakali ang aking tingin.

"Sagutin mo ang tanong ko, Ariel,"

"Sagutin mo rin ang tanong ko, Colt. Bakit di mo pinirmahan? Bakit mo pinapahirapan ang accounting department? Sino ka ba? Oo sabihin nating CEO ka pero hindi ikaw ang chairman ng kumpanya. You need to sign these documents. We need it today."

"I don't care about these fucking papers. I want to know why you left without letting me know that you came here."

Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Bigla kasi siyang sumigaw at hindi ko pa siya nakitang ganito. Mukhang napuno siya sa mga salitang binitiwan ko sa kaniya. Bakit siya pa ngayon ang galit sa aming dalawa? Ako nga itong basta na lang iniwan niya sa ere tapos biglang may ka sex na ibang babae. Ako nga itong nasaktan niya ng lubos.

"Ariel, bakit di ka nagsabi? Bakit umalis ka na lang bigla nang hindi nagpaalam? Nagsabi ka man lang sana sa akin na nandito ka kanina." Huminahon ang kaniyang boses at hitsura.

"Alam mo kung bakit hindi ako nakapagsabi sa yo. Sino bang gustong makaistorbo sa dalawang taong nag eenjoy? Baka nagalit ka pa sa kin."

"Ano bang nakita mo kaninang umaga? Bakit bigla ka na lang umalis?" Lumambot ang kaniyang ekspresyon pati na ang kaniyang boses.

"Bakit ba tanong ka nang tanong sa akin? As if hindi mo alam ang ginagawa mo."

"Dahil mali ka nang akala mo, Ariel. We did not have sex. Mendusa was here because of something else. I don't like her as a woman. She's only a friend to me. I never imagined myself touching other women. Damn my mind, Ariel, but you're the only one I always think of when I am jerking. You are the only woman I want to fuck. I am happy I was your first. And it drives me crazy, it makes me happy to think that I am the first man who fucked you, hopefully, will be the last man as well. And I want to take full responsibility for that."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now