Chapter 6

1K 38 0
                                    

Chapter 6

Ariel's point of view

"Sigurado ka na ba sa company na 'to, hija?" tanong sa akin ng matandang nakatabi ko sa lobby. Wala akong idea kung sino siya at bakit niya ako kinakausap. Siguro dahil wala lang siyang makausap at gusto niya ng may mapag sabihan ng kaniyang loob.

"Yes po, wala na rin po kasi akong ibang choice."

Napataas siya ng isang kilay dahil sa sinabi ko.

"Don't get me wrong po, alam po kasi namin na mataas ang standard ng company na ito. Marami ang nag tangkang mag apply dito sa company na ito sa university namin pero wala pa yatang nakakapasa. Yung kinukuha lang ata ng company na ito ay yung mga malalaking university."

"Mataas talaga ang standard dito, hija. Pag nalaman ng ibang company na nakapag OJT ka rito, madali ka na lang matatanggap sa work." She smiled at me.

"Yun na nga rin po kaya nagbaka sakali na ako ngayon. Saka ito na lang ang hindi ko pa napapasahan ng request. Halos lahat po yata dito ay napuntahan ko na, sa kasamaang palad, kumpleto na ang intern nila at hindi na sila tumatanggap pa."

"Bakit kasi ikaw ang naghahanap ng company? Ganun na ba ngayon? Dati kasi yung school ko mismo ang naghanap, papasok na lang kami sa company na mapipili ng school namin."

"Ay sana po ganun na nga lang. Para mas madali. Kaso iba na po ngayon kami na po ang hahanap ng kumpanya, parang mag aapply ka talaga at kailangan makumpleto namin ang needed hours sa OJT po namin."

"Ilang oras ba ang kailangan ninyo?"

"Kailangan po naming mag render at least 400 hours."

"Ay, matagal din pala. Halos dalawang buwan din yun."

"Oo nga po."

"Graduating ka na ba?" tanong niya pa sa akin.

Tumango ako para sagutin siya. "Opo. Konting tiis na lang makakatapos na ako sa pag aaral. Makakapagtrabaho na ako."

"Magandang decision 'yan na dito ka mag apply. I'm sure matatanggap ka dito."

"Sana nga po."

"Wag kang mag-alala. Di pa ako nagkamali hula ko, makakapasa ka sa interview mo at makukuha mo ang slot na natitira for internship."

"Maraming salamat po,"

"Maiwan muna kita dito, hija. Kailangan ko nang umalis, kanina pa ata ako hinihintay ng boss ko."

"Wait lang po, ano pong name ninyo?" mabilis kong tanong pero hindi niya na siguro ako napansin at narinig dahil nagmamadali na siyang umalis.

Sayang naman. Hindi ko nakuha ang pangalan niya. Mukha pa naman siyang mabait. May kilala na sana ako dito sa kumpanya. Pero okay lang yun, di lang naman siguro ito ang una naming pagkikita ni lola.

I received a message from my best friend, Maris. Panay siyang sorry dahil hindi niya na mapilit ang papa niya na magkaroon ng isa pang slot of internship for me. Hindi ko naman masisisi si Tito kasi may iba siyang mga kaibigan na napangakuan na niya ng internship para sa mga anak niyon.

No hurt feelings naman sa best friend ko. Alam ko namang ginawa niya ang best niya para maisama ako sa list. Hindi lang talaga sa lahat ng oras ay suwerte.

After 30 minutes, duon pa lang ako pinapasok sa loob ng meeting room. Nagkaroon daw kasi ng emergency meeting ang mag interview sa akin kaya naman naghintay pa ako ng 30 minutes.

"Po? Tama po ba ang narinig ko? Hindi ko na kailangan maghintay ng email mula sa inyo?"

"Yes, you are right. You will start this coming Monday para mabilis mong matapos ang OJT mo. The faster, the better."

"Thank you po ng marami."

"Bakit? Hindi mo ba inaasahan na makakapasa ka sa interview?"

"Hindi naman po sa ganun. I practiced for a week."

"Then you deserved to be part of this company. Once again, congratulations, see you on Monday. Please bring all the requirements we needed, welcome to our accounting family."

"Thank you po,"

Hindi maalis ang ngiti ko hanggang sa makarating ulit ako sa lobby. I stopped for a minute. Gusto ko ulit makita si lola ngunit saan ko naman siya makikita sa laki ng kumpanyang ito.

"Ariel?"

Napalingon ako sa gilid ko nung marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

It was him. My ex-boyfriend.

"Calvin, anong ginagawa mo rito? Don't tell me sinusundan mo pa rin ako hanggang ngayon?"

"No." Mabilis niyang tanggi at umiling pa. "I'm not following you, baby- I mean, Ariel."

"Kung hindi, bakit ka nandito?"

"I'm an intern here. I got my requirements from our school just earlier today. Ipapasa ko ito ngayon sa department ko. Ikaw?"

"I just passed the interview for an intership."

"Here? Wow. For real? Congratulations," out of nowhere bigla na lang siyang nakayakap sa akin.

I was stunned to speak. Ni hindi agad ako nakareact sa yakap na ginawa niya sa akin.

Mabilis din naman niyang binitiwan ang katawan ko para maalis sa kaniyang yakap at humingi siya ng patawad.

"Sorry. I didn't mean to do that. Masaya lang ako for you."

"Ako rin. I didn't expect to pass the interview. Nag try lang ako kanina kasi wala na akong ma-applyan na iba. Lahat ay hindi na tumatanggap ng internship."

"Congratulations ulit."

Nginitian ko si Calvin. I just... missed him so much. The hug that he gave me earlier was so much more than his betrayal. Namiss kong yakapin siya ng matagal. My heart beats again for him. Pero ayoko nang maging tanga pa ulit sa kaniya.

"You need to go. Ipasa mo na ang mga requirements mo. Baka makalimutan mo pa 'yan at hindi ka pa matuloy dito. Ako pa ang sisihin mo."

"Mamaya ko na ipapasa. Can we talk?" he asked.

Hindi agad ako nakasagot sa kaniya.

"Maaga pa naman," dagdag pa niya. "Pwede pa tayo makapag usap kahit ilang minuto lang."

Hindi pa rin ako nagsalita. Nagtatalo ang puso't isip ko sa desisyon na gagawin ko ngayon. And then I remembered what happened a few days ago, yung sa amin ng kuya niya. Hindi ko alam pero I felt guilty kahit na wala naman dapat akong ika-kunsensya sa kaniya.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now