Chapter 25

585 46 7
                                    

Thank you for reading, for voting and super appreciated din po ang lahat po ng nagcocomment. Enjoy reading!

CHAPTER TWENTY-FIVE

ARIEL

My heart told me to believe every word he said but my mind keeps on telling me to not believe him because he was a pro-liar like his brother.

"Liar. I heard your moan with her. Wag mo kong gawing tanga, Colt. Narinig ko kayong dalawa ni Mendusa. Hindi pa ako bingi. Kaya siguro wala ka nang time sa akin. Kaya pala ilang araw mo na akong hindi pinapansin dahil nakahanap ka na ng iba. Ibang klase ka." 

"Hindi kami nag-sex ni Mendusa. It was all planned." Paninindigan niya sa nangyari. Talagang ginigiit niyang walang nangyari sa kanilang dalawa ni Mendusa.

"Planado? Ang alin? Yung sex ninyo?"

"Yes." Firm niyang sabi.

"Wow. May plano palang ganun? Ilang babae na ba ang nakaplano mong makasex this week? Marami ba sila?"

"Ariel, I have no one to have sex with but only you."

"Talaga ba? Bakit ka nakipag sex kay Mendusa kung sa akin ka lang pala?"

"We did not have sex. It was just a voice prank."

"Wow. Ano yun prank niyo sa akin? Ang ganda ng prank niyo ha. Ayos din kayong mag plano. Kakaiba. Di ba nga ang sabi mo pa kanina e siya lang ang whore mo? You said it. Then fine. Sa kaniya ka na. Hindi ako magpapakatanga sa yo, Colt."

"Ariel, please makinig ka sa akin." Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at lumapit sa akin. "Paniwalaan mo ko, walang nangyari sa aming dalawa ni Mendusa."

"Stop. Don't dare to touch me."

"Ariel, ikaw lang ang gusto ko please believe me."

"Napakasinungaling mo. Huling huli ka na pero ang lakas mo pa rin magsinungaling. Gano kakapal yang mukha mo, Colt? Mabuti na lang hindi pa ako fully invested sa feelings ko sa yo."

"What? What do you mean? Nagugustuhan mo na rin ako?"

"Kahit kailan hindi kita gugustuhin. You're a liar and a pathetic CEO. Pagkatapos mong magpakasarap kay Mendusa lalapit ka sa akin na parang walang nangyari sa inyong dalawa. Ano siya? Ano kayo? Fuck buddy? Ganiyan ba ang hobby ninyo? Nakakadiri ka."

"No. No. Please listen. Walang namamagitan sa aming dalawa ni Mendusa. Walang nangyari sa aming dalawa."

"Then how could you explain what I've heard earlier? Nandyan kayo oh!" turo ko sa nakatalikod na sofa sa gilid ng kaniyang opisina. "Rinig na rinig ko kayong dalawa. Sarap na sarap kayong dalawa sa ginagawa ninyo."

"Walang nangyari sa aming dalawa." Pagdiinan niya sa akin.

"Liar. Kung wala ano yung narinig ko? Ilusyon ko lang? At saka wala naman akong pakialam kung kahit kanino ka pa makipag sex dahil wala namang tayo. You're not my boyfriend. You're not even my suitor. Walang sense itong pag uusap nating dalawa dahil wala namang namamagitan sa ating dalawa."

"I distanced myself from you because I want to give you your time. Ayaw kong masakal ka sa akin dahil palagi kitang gustong kasama. I'm giving your time to you for you not to feel stuck in a relationship. Because I don't want to happen with you what happened to my previous relationship."

"That's crazy. You did not even text me. Ni hindi ka nagparamdam sa akin for almost a week."

"I did not text you because I don't know what to text."

"You should have texted anything."

"Did you wait for my text?" he asked... waiting for my response.

"Wag mong ibahin ang usapan. Ikaw ang hindi nagparamdam sa ating dalawa."

"Ikaw ang hinintay kong pumunta sa akin. Kaso maling oras ang pagpunta mo."

"Oo nga e. Nahuli kitang nakikipag sex sa iba. Funny, right?"

"Hindi nga kami nag sex ni Mendusa. I can give you the CCTV footage." Mabilis niyang kinuha ang phone at tinawagan si Lance. "Lance, I want you to get the CCTV footage of my office. Oo, yung ngayong araw." 

"Ayaw kong panuorin ang sex scandal ninyong dalawa ni Mendusa."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa yong walang nangyari sa aming dalawa?"

"Pero narinig ko kayo."

"You misunderstood what you've heard. There's another story of that. Nothing sensual happened between us."

Gusto ko siyang paniwalaan pero sobrang sakit ng narinig ko kaninang umaga dito sa kaniyang office.

"Then tell me kung ano ang ginagawa niyo kaninang umaga. Kung di kayo nagsesex anong ginagawa niyo? Bakit may pag ungol ng ganun?"

"We are recording."

"Recording?" Natawa na lang ako sa kaniyang dahilan. Bakit naman kasi sila magrerecord ng ganun?

"Yes. I can explain it to you. We are recording, it's a plan. It's Mendusa's plan para hiwalayan siya ng kaniyang abusive boyfriend."

I'm confused. Anong kinalaman niya kay Mendusa at sa boyfriend nito?

"She asked for my help. She knew I have a lot of connections. Hindi ko siya matanggihan dahil may utang na loob ako sa kaniya. She helped me with my business. Kaya nung humingi siya sa akin ng tulong di ako nagdalawang isip na humindi kahit ganun kahirap para sa akin ang hinihingi niya."

"She needs your moan?" I asked, very clueless.

"Yes. Hindi lang ako ang tao dyan kanina. Meron pa kaming kasamang nag eedit ng video and other stuff." Nahihiya niyang pag amin sa akin. "I don't want you to know about this. It is very embarrassing. Damn."

"Bakit hindi na lang ibang tao ang pinaungol ninyo? Bakit kailangang ikaw pa?"

"Because she needs my name on it. Her boyfriend knew my voice. Kapag boses ko ang narinig sa video siguradong sasabog sa galit ang hayup na lalaki at susugurin ako. I will file a case against that man para makulong at nang makalayo si Mendusa. She loves her man. Ayaw niyang gumawa ng ibang paraang ikakapahamak ng kaniyang boyfriend. Ito lang ang naisip naming madaling paraan upang ma-set up ang boyfriend niya."

"Napakalabo ng plano niyo. Marami pang ibang magandang plano pero bakit yun pa ang napili ninyong gawin? Ang dami niyong pera at matalino kayo tapos ganun lang ang naisip niyo. Nakakasira kayo ng mental health."

"I'm sorry."

"Gusto ko pa rin makita ang CCTV footage. Sorry kung mataas ang trust issues ko. Isisi mo yan sa yo at sa kapatid mo."

"Yes. Lance is getting the video already. He'll come here with that tape any of this moment."

Natuwa ako sa narinig ko mula sa kaniya. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Pero hindi pa rin ako napapanatag hangga't hindi ko nakikita ang CCTV with audio. I need to get that tape. I need to watch it.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum