Chapter 29

658 36 5
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

ARIEL

IT'S A CHAMPAGNE GOLD DRESS. We're all impressed by the dress. Hindi namin inasahang ganun kaganda. Ayaw pa nga pabuksan ni Mama kanina kasi baka kung ano raw ang nasa loob dahil mabigat.

Sino kaya ang nagpadala nito sa akin? Wala akong maisip kase sinabihan ko si Colt kahapon hindi ako pupunta sa party mamayang gabi. Pumayag siya at sabi niya pa nga sa akin ay naiintindihan niya ako. Kaya imposibleng galing ito sa kaniya.

"Wow ate ang ganda! Pwede ko bang suotin? Try ko lang,"

"Anak,"

"Joke lang ma. Ikaw naman. Di na kayo mabirong dalawa," sabi ni Anthony sa amin ni Mama.

"Ayusin mo kasi ang joke mo." Singhal ko sa kaniya.

"Mama oh galit agad si ate sa akin," sumbong na naman kay Mama. "Pero seryoso gusto ko talaga masuot yan ate feeling ko mas babagay yan saken. Look, mas maputi at maganda ako sayo,"

"Sino kaya ang nagpadala nyan sa yo anak? Si Colt lang ang naiisip kong magpapadala nyan. Mukhang mamahalin ang dress, hindi naman yan naligaw na package dahil merong pangalan mo."

"Hindi po ako padadalhan ng ganito ni Colt. Alam niyang hindi ako pupunta sa party mamaya ma."

"Kung hindi siya ang nagpadala nyan sa yo, sino kaya?" pati si Mama ay napapaisip sa kung sino ang nagpadala sa akin nitong dress. Sino nga ba?

Ayaw ko sanang pumunta sa party ng Rolierstone Legacy, wala naman kasi akong gagawin dun. Mababagot lang ako pero nakailang pilit si Mama at Anthony sa akin na magpunta na dahil sayang ang gown na pinadala sa akin. Sayang daw kung hindi magagamit kahit isang gabi. At baka andun daw ang taong nagbigay sa akin nito nang maisoli ko na rin.

Sa maghapon naghihintay lamang akong sabihin sa akin ni Colt na siya ang nagpadala sa akin ng dress. Pero wala talaga siyang sinasabi. Tumawag na siya kanina pero wala siyang na-mention sa akin tungkol sa package. Pakiramdam ko ay wala talaga siyang alam tungkol sa gold champagne na dress. Mababaliw na ako kakaisip kung sino ang nagpadala.

"Ate bakit kasi hindi mo na lang diretsuhin ng tanong si kuya Colt? Nakakainis kang tingnan kanina ka pa mukhang baliw kakaikot sa higaan mo. Chat mo na si kuya Colt tanong mo sa kaniya kung may package ka bang dapat expect sa kaniya ngayong araw."

"Hindi ka magdedesisyon para sa akin for today's video."

NANG magtanghalian ay may dumating na magarang kotse sa harap ng bahay namin. It's not Colt's car. Dalawang kotse ang nag park sa labas ng bahay.

"Calvin? Anong ginagawa mo rito?"

Nagulat talaga ako nang makita siya sa harap ng pinto namin. Hindi ko inaasahan na makakapunta ulit siya dito sa bahay. Parang ang impossible kasing babalik pa siya pagkatapos ng closure naming dalawa. Akala ko ay wala na talaga siyang feelings sa akin. Pero ano ito at nandito siya?

"Hi, Ariel, I'm sorry. Pinilit ako ni granny sumama sa kaniya." Cool lang na pagkakasabi ni Calvin.

Tumingin ako sa kasama niya, siya yung matandang nakausap ko noong nag apply ako ng internship sa Rolierstone Legacy.

"Ikaw po? Granny ka ni Calvin?"

"Oo, hija. Sabi ko naman sa yo, magkikita pa ulit tayong dalawa. Nakakatuwang malaman na ikaw pala ang girlfriend ng apo kong si Calvin. Hindi ko akalain na magaling pumili itong apo ko."

Labis ang pagtataka ko sa sinabi ng matanda. Girlfriend ako ni Calvin? Ex ko na siya. Hindi ba niya alam na hiwalay na kaming dalawa ng apo niya? Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na siya yung matandang nakilala ko noong nag apply ako ng internship sa kumpanya nila.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon