Chapter 12

770 42 1
                                    

Chapter 12

Isang oras na ata akong nakatitig sa screen ng phone ko. Nagdadalawang isip ako kung magtetext ba ako kay Colt na nakauwi na ako. Una sa lahat bakit ko naman gagawin yun? Pangalawa, bakit ko pa ba iniisip ang bagay na 'yon? Nagulo ko ang buhok ko dahil sa aking mga iniisip. I can't even sleep because of him.

Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang phone ko. Someone leave me a message. I'm thinking it was from Colt. But I was wrong. It was from Calvin, my dear ex.

Calvin: Di kita nadalaw sa department niyo kanina. Sorry daming nakatambak na work na need matapos today. Believe me, gumawa ako ng paraan makita ka lang. Bawi ako bukas.

And then after a few minutes, another message pops up coming from him again.

Calvin: First day mo pa naman. Sayang talaga.

Well, hindi naman na yun bago sa akin. Sanay na akong palaging hinuhuli ni Calvin. Kaya nga kami naghiwalay, halos wala rin siyang time sa akin tapos nakuha niya pang mag cheat. Hindi lang yun nangyari ng isang beses, kun'di madaming beses na. Sakit niya na siguro yun kaya naman kumalas na ako. Sawa na akong masaktan nang dahil sa kaniya. Ang daming beses ko siyang binigyan ng pagkakataong magbago pero di niya ginawa. Punong puno na ako sa kaniya kaya naman nakipaghiwalay na ako sa kaniya at nangakong di na ulit magpapakatanga ng dahil sa kaniya.

Hindi ako naniniwalang plano yun ni Jennica, nagustuhan niya rin kung anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Walang ibang dapat sisihin sa nangyari noon kun'di siya.

Siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Napuno lang ako. Naubos lang ang lakas kong ipaglaban pa siya. Inubos niya ang lahat nang meron sa akin. Tapos na ako sa kaniya at nangakong di na muli pang bibigay pa. I'm not going to be a martyr anymore because of him. We're over. I'm not going to give him another chance.

Nagtipa ako ng reply para kay Calvin. Hindi ko na sana siya rereplyan pero naawa ako sa kaniya. Ilang linggo ko na rin binabalewala ang mga texts niya sa akin.

Ariel: Okay lang. Busy din ako sa training baka hindi rin kita naasikaso kung pinuntahan mo ko.

Wala pang limang segundo ay na-seen agad ito ni Calvin. Ambilis ah? Mukhang walang ginagawa ang ex ko kaya maraming time mag text sa kin.

Calvin: You replied! Bati na tayo, hon?

Bati? Ano ka, isip bata? Nag reply lang ako dahil naawa tapos bati na raw kami? Akala niya ganun kadali lang kalimutan ang panlolokong ginawa niya sa akin? In his face!

Di na ko nag reply. Baka mamaya sabihin niya kami na ulit. Kakaiba din yung si Calvin. Nag reply lang ako e akala niya okay na ang lahat sa amin.

Calvin: Hon, bakit di ka na nag reply?

Di ko na lang ulit pinansin. Humiga na ako ulit at nagpahinga na lang. Pagod ang likod ko sa trabaho kanina. Di ko na nga nachat si Maris. Naseen ko lang ata ang huling chat nun sa akin.

Mayamaya pa ay tumunog na naman ang phone ko. This time, hindi yun tumigil sa pagtunog, pagtingin ko, pangalan ni Calvin ang nasa screen ng phone ko.

He's calling.

Napatitig ako sa screen at sa pangalan niya sa phone ko. Nagdadalawang isip pa kong sagutin ang tawag niya.

1 missed call.

You have a new voicemail.

I opened and listen to his voicemail.

"I missed you. I missed your voice. I missed your kiss. I missed everything about you, hon."

I chose not to respond to his voicemail. A lot of emotions are coming back to me so I closed my eyes and think about something that could make me calm down.

Flowers. Sunflowers. I smiled thinking about flowers. Nang ma-relax ako saka ako nag browse sa phone ko. Nireplyan ko si Maris at ibang group chat sa social media ko na may kinalaman sa pag aaral.

Binasa ko ang huling message sa akin ni Calvin.

Calvin: I remember, my brother asked me about you, he gets your number from me and I told him my old number. Why would he get your number, hon? Is there something wrong between you and him? I could talk to him kung may nagawa kang mali sa company. And I'm sorry if I lied about Rolierstone Legacy, ayoko lang maiba ang tingin mo sa kin kaya di ko sinabi dati sa yo na kami ang may-ari ng kumpanya. Please don't be mad at me about it. Ayaw ko nang madagdagan pa ang galit mo sa kin.

Huling huli talaga nitong ex ko ang inis ko sa kaniya. Kahit kailan palaging may pasabog na ikakagalit ko though alam ko na ang lahat ngayon. Huli na siya at hindi na maibabalik pa ang relasyon namin.

Nalimutan ko na rin mag update, kay Colt. Sino ba siya para mag update ako sa kaniya? Wala namang kami, di ba? So ayos lang kahit hindi ako mag chat at mag update sa kaniya. Mabulok siya kahihintay sa chat ko. At tsaka as if naman na naghihintay yun ng chat ko. Baka marami din yung kachat tulad ng kapatid niyang babaero. Baka mas babaero pa ang lalaking yun.

I decided not to update Coltier because why not? He's not my boyfriend. Hindi ko responsibilidad ang mag update sa kaniya kung nakauwi na ako o kung nasaan pa ako. Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog.

"Good morning po, ma. Ang dami po yatang almusal?" Napansin kong ang daming nakahaing pagkain sa mesa. Hindi ganito si mama unless may occasion.

"Ay, may bisita kasi tayo anak."

"Bisita? Ikaw po? Wala ka pong na-mention sa akin kagabi. Biglaan po ba?" tanong ko pa kay mama. "Si Anthony po?"

"Ayun pinabili ko muna ng juice sa tindahan. Yung bisita natin, hindi ko bisita yun. Bisita mo. Kanina pa siya nandito. Siguro mag isang oras na, nakakahiya nga at hindi nilulubayan ni Anthony."

"For sure hindi si Maris ang bisita ko dahil naglalaway ang kapatid ko sa bisita, right, ma?"

"Right ka anak. Hindi nga si Maris ang bisita mo. Lalaki. Sobrang gwapo!"

Pati si mama ay napatili habang nagsasabi sa akin. Nakakaloka si Mama at ang kapatid ko. Kilig na kilig.

Kung di yun si Maris. Dalawang tao lang ang naisip kong bibisita sa akin ngayon.

Si Colt o si Calvin. Ang tanong sino sa kanilang dalawa ang nagpunta ngayon dito sa bahay? Ano na namang trip ng magkapatid na yun? Nakakaumay silang dalawa, ang aga-aga nila para manggulo.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now