[Skylar]
....
At dito na nagsimula ko bilang kaibigan ng isang Sandro Marcos sino ba naman ako para ayawan yun eh ang daming taong gusto makipagkaibigan sa kanya at isa ako sa swerteng napili niya. tsss..
Mag-aalas kwatro na pero di pa ako nakakatulog eh kasi naman may ugali talaga akong di makatulog sa ibang bahay para bang 'namamahay' ganon kaya naisipan ko na lang talagang umuwi ng Solsona kasi okay naman ako di na masyadong kumikirot ang sugat ko.
Dahan-dahan na akong nagpalit ulit ng damit na suot ko kagabi at siyempre nanghiram tayo ng gamit at kwarto kaya timupi ko yung damit at inayos ang kama niya kasi napakaayos niyan nung dumating ako nakakahiya naman kung magulo pag alis kakahiya baka isipin niyang burara akong kaibigan.
"Sir! saan kayo pupunta eh madilim pa." sabi ng guard ng pabulong kasi tulog pa ang mga tao sa buong bahay.
"Di na kasi ako makatulog ng maayos, namamahay ako at saka malayo pa ang uuwian ko so need ko nang umuwi." sagot ko..
"Pero baka magalit si Sir Sandro nito kapag umuwi ka na po." tugon ng guard.
"Oh eto nagsulat ako ng note para di yun magalit.. Sige na chief buksan niyo na ang gate hihilain ko lang ang motor ko." inabot ko sa kanya ang kakasulat lang na note ko for Sandro.
"Sige po Sir at least may note po kayo dito." sambit ni Kuyang guard.
Nung binuksan na ni Kuya guard ay mabilisan kong hinila ang motor ko at siyempre nagsalute ako sa guard saka ko pinaandar ang motor ko. Binilisan ko ang pagdrive ko kasi I need to check something tungkol sa assassins na nakaharap ko kagabi.
Ang biyaheng 45 minutes ginawa kong 30 kasi kumakati na ang kamay kong maghanap sa mga assassins na yun buti na lang walang alam si Sandro kasi baka madamay pa siya. Dumating ako sa bahay ng quarter to 5am at dumerecho sa working room ko to check all the datas and info sa mga umatake sa akin. Binuksan ko agad ang laptop ko at sinimulan ang pagreresearch...
Sobrang gulo na ng working area ko kasi sinusubukan kong idrawing ang tattoo na nakita ko sa may bandang tenga nung assassin na bumaril sa akin. Di kasi ako masyadong talented sa drawing tsss.. Parang kailangan ko na ng tulong galing kay Red kasi magaling siya dito sa mga grupo ng gang, sindikato at mga international drugs & ammunitions cartel of course di din mawawala sa listahan niya ang smugglers. Tinawagan ko na siya I know gising na to ..
"H-Hello..ang aga-aga pa tumatawag ka na Sky.."
"Gumising ka nga jan! I need your help kasi may na-encounter akong mga assassins' kagabi at nabaril nila ako.." sabi ko sa kanya para tuluyan siyang magising at matulungan niya ako.
"ANO?!!!! Alam ba to ni Cloudy????!!"
"Hindi niya to alam.. hindi niya malalaman kung itikom mo bibig mo kasi alam mo naman ayaw na ayaw kong madamay si Cloudy sa mga delikadong nilalang sa paligid ko." paliwanag ko.
"Alam ko.. buti di ka napuruhan jan..may nakita ka bang marka o palatandaan sa mga assasins?"
"Anong tingin mo sa akin weak.. yakang yaka ko naman sila buti na lang di masyado ako napuruhan.. pakicheck ha pinaghirapan ko yang drawing na yan.." wika ko sa kanya.
"Hmmm.. I think may record ako ng ganitong tattoo Sky.. I will find it just give me time tatawag ako mga lunch time okay ba yun?"
"Sige hihintayin ko yan.. Call me right away Red."
After talking with Red ay bumaba ako at pumunta sa living room kasi while waiting for Red's update ay manonood muna ako ng TV sakto pag on ko ay breaking news dito sa Ilocos Norte.

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...