Chapter 36-Fibster

32 4 1
                                        

[Sandro]

Nagising ako na di nakikita si Sky. I directly ask the kasambahays but they said she left home without telling them where she will go.

Alam ko talagang may problema eh di lang niya sinasabi sa akin. Di ko alam kung anong silbi ko sa kanya pero pinipilit kong intindihin siya. I called her many times pero di niya sinasagot then I called Cloudy.

"Hello, Cloudy may sinabi ba sayo si Sky kung saan siya pupunta?" tanong ko.

"Ha?? umalis na naman siya na walang paalam?! di din siya tumawag sa akin kung may lakad siya. sinubukan mo na bang tumawag?"

"Nasubukan ko na pero walang sagot.. Nag-aalala na ako dito." tugon ko.

"Sige we will find her wag kang mag-aalala just focus on your work. Pagpasensyahan mo na talaga si Ate.." 

After naming mag-usap ni Cloudy sa phone timing naman na pababa na rin si Simon..Kakagising lang nito.

"Oh Sands. What seems to be your problem? Napasimangot ka?" tanong ni Simon habang pababa ng hagdan. Sakto ring bumaba si Lulou. Naisipan ko ring tanungin siya baka may alam to.

"Si Sky kasi ang aga-aga umalis ni hindi sinabi kung saan pupunta. Kahit tawagan di sumasagot ni wala ring text." sagot ko kay Simon.. "Ikaw Lulou since sobrang close niyo may sinabi ba si Sky sayo?" baling kong tanong kay Lulou.

"Sorry pero wala naman siyang sinabi sa akin eh.. alam mo naman minsan nagtatago yan.." sagot ni Lulou.

"Eh sino naman ang tataguan niya? Ako? minsan din naiinis din ako jan sa kaibigan mo. Kung may problema siya dapat sabihin niya rin sa akin kasi boyfriend niya naman ako.." wika ko.

"Nako, Sandro pagpasensyahan mo na. May rason din yon kung bakit di siya nagsabi. Hihintayin na lang natin na makabalik. Trust me there are things that we need to hide it to confirm before saying it. Magtiwala ka sa girlfriend mo Sandro she's not that ordinary woman na easy lang pero si Sky iba siya." tugon ni Lulou.

May tiwala ako kay Sky. Tama nga naman si Lulou siguro may mga bagay na di na muna sasabihin bago iconfirm at sabihin. Kahit nag-aalala ako, naghanap ako ng bagay na makalimutan ko muna ang pag-aalala ko sa kanya.

Nung nagbibihis ako hinahanap ko yung relo ko di ko alam kung saan ko nilagay hanggang sa nakita ko ito sa ilalim ng kama ko kaya kinapa ko ito pero imbes yung relo ang nahawakan ko eh ..picture ko nung bata pa kasama sila Simon pero di ko matandaan itong dalawang bata na kasama namin ni Simon.. I had childhood trauma kaya some parts of my childhood memories ay nawala sa isip ko. Kinapa ko ulit ang relo ko at sa wakas eh nakuha ko rin.

----

Pagdating ko sa opisina ay binabad ko ang sarili ko sa trabaho at mga meetings tapos meeting na naman kasama si Gov.Matt. Dahil super busy ang araw na to muntik pa namin nakalimutang kumain ng lunch.

Every hour chinicheck ko ang phone ko kung may message ba galing kay Sky pero wala eh..Slylar saang lugar ka na naman ba pumunta na walang paalam..????


[Cloudy]

"Tumawag ba si Chief sa inyo? hindi kasi siya nagpaalam kay Sandro.. Umalis daw na walang paalam kung saan pupunta eh.." tanong ko nag kibit balikat lang sila.

"Baka si Lulou alam niya." singit naman ni Eys.

"Siguro..kakausapin ko pagdating niya dito I will ask her."

Nakalipas ng isang oras ay dumating na nga si Ate Lulou. Hindi pa nga siya nakaupo ay tinanong ko na siya.

"Teh Lou..may sinabi ba sayo si Chief?" tanong ko.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now