Chapter 39-Little Pippa

36 3 0
                                        

[Sandro]

"Hoy Sandro! pagsabihan mo yang ate ko ha na hindi basta basta mag uuwi ng bata na hindi kilala.."

Di ko maintindihan ang sinasabi ni Cloudy.. ano yung inuwi na bata ni Sky..?

"What do you mean??I can't understand." tanong ko.

"In short, Sandro dinala ng Ate ko yung madungis na bata na yun yung muntik niya masagasaan na di naman namin kilala at unknown ang background niya. Well ikaw na bahala bye.."

Di pa nga ako nakapag react sa sinasabi niya tungkol sa ginawa ni Sky eh mas mabuti pa at tawagan ko siya.

Nagkausap kami and I confirm na totoo ang sinasabi ni Cloudy, pero sabi niya na explain niya sa akin pagdating niya dito sa bahay.

Sana nga lang hindi kami mag away dahil lang dito, dahil sa sumbong ng kapatid niya.

----

Narinig kong dumating na si Sky at sinalubong ko siya at nagkita ko siyang walang arte niyang binuhat ang isang bata pero natutulog ito. Hula ko nasa limang taon ang bata.

"Hi Lab!" sambit ko at hinalikan ko siya sa noo. "Ito na ba yung batang muntik mong mabangga?" tanong ko pero nilakihan niya ako ng mata.

"Shhh! baka magising! padaanin mo muna ako at ihihiga ko muna siya sa kama ko para pag-gising niya bibihisan at kakausapin ko siya." saad ni Sky at hinayaan ko siya kasi ayoko simulan ang gabi na mag-aaway kami.

Hihintayin ko na lang siya dito sa workspace ko dito sa bahay. Pero walang limang minuto ay dumating na ito.

"Kahit di mo sabihin sa akin, alam kong si Cloudy ang nagsumbong..Well as you know she doesn't like kids kaya ganyan siya she's very insensitive alam naman niyang natrauma ang bata ganon pa ang sasabihin niya." sabi ko.

"..Pero Lab you don't know that kid and you don't know kung saan siya nanggaling, mabuti pa at isurrender natin siya sa DSW--" sabi ko pero di niya ako pinatapos.

"..No way.. Di ko siya isusurrender kung hindi ko malalaman kung bakit siya takot na takot nung nakita namin.. there might be some information. Baka kung isusurrender ko siya tapos malaman nung nanakot sa kanya edi useless, Sandro." tugon niya. She really fights for it.

"Di ka ba natatakot baka sa murang edad ng batang yan eh gagawa ng masama sayo..?" tanong ko sa kanya.

"Hahaha..ngayon pa ba ako matatakot Sandro?? na ultimo ang nakakasalamuha ko sa bawat misyon ko ay masahol pa sa batang dinala ko." sagot niya at napabuntong hininga ito. "Well, don't worry Sandro kasi ako na ang gagastos sa pangangailangan niya no need to worry about me if sasaktan niya ako o hindi." dugtong niya at saka ito umalis. Alam kong galit ang nagtatampo siya kasi di ko siya masuportahan sa pagdala niya sa mysterious na batang yon.

.

.

.

Dalawang oras ang nakalipas nung umalis si Sky dito ay halos mapatalon ako sa gulat kasi di ko naman alam na nasa may pinto na yung batang dinala niya.

"H-Hello p-po nakita niyo po ba yung babaeng maganda na k-kasama ko?" nauutal niyang tanong.

"Si S-Sky ba? Girlfriend ko iyon pero umalis eh baka nasa labas nagpapahangin." sagot ko at agad itong lumapit sa akin.

"Sky pala pangalan ng mommy ko--" sambit nito at napatayo ako bigla.

"What?! hindi mo mommy si Sky, I'm sorry about this but she's not your mom okay.." sambit ko.. Bigla siyang umiyak ng malakas kasi naman napataas ang boses ko sa kanya gulat ako sa mga words niya.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now