Chapter 18-Shattered

60 5 0
                                        


[Skylar]

...

Akala ko naman uuwi na kami pero niliko pa ni Sandro sa ibang daan at narating namin ang isang bar. Sinabihan ko si Sandro na di na mag inom kaso di siya papigil dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Di na ako uminom kasi ako pa rin magdadrive tsss...Gusto pa sana ni Sandro magdagdag ng drinks kaso sinabihan ko ang bartender na di na magdadagdag. Nung nakita kong lasing na lasing na ito agad ko na siyang inakay para lumabas at uuwi na kasi sa itsura pa lang nito ay wasted na wasted na ito. Pasalamat talaga tong lalaking to kasi di ako napapagod magbantay sa kanya at naiintindihan ko siya kung bakit siya naglalasing dahil nga kay Olga.

Nung naipwesto ko na si Sandro sa front seat ay pinaandar ko na ang sasakyan. Siguro kung kami magkatuluyan ni Sandro siguro sermon ang abot sa akin kapag maglalasing siya na di naman niya kaya tsss..Pero di naman siguro siya laging mag-iinom kasi occassionally lang siya nag-iinom timing lang talaga ngayon ay heart broken siya.

"Sus! kung di lang kita gusto aba'y iniwan na kitang wasted sa bar tsss..pero medyo nabunutan naman ako na nalaman mo na lahat ng ginagawang panloloko sayo. You deserve much better pero magpahinga ka muna sa pag-ibig focus ka na muna sa mga taong hinawakan mo sa iyong distrito at sa pamilya mo." sabi ko while driving alam ko namang di na niya ito maririnig kung maririnig at maiintindihan man niya mas mabuti.

I know sometimes he's murmuring something pero hinahayaan ko lang kasi nga lasing. Mayamaya pa ay dumating na kami sa mansion nila. Pinatay ko na ang makina ng sasakyan at bumaba na ako para tulungan ko itong si Sandro 'broken hearted na lasing' Marcos tssss..

Tinanggal ko na yung seatbelt niya at saka ko siya inalalayan. Kung alam niyo lang kababae kong tao pero nakaya kong akayin si Sandro. Bibigat talaga ang mga taong lasing pero nakaya ko tinawanan ko na lang sarili ko.

Sobrang tahimik na nagpaligid ng bahay nung pumasok kami kasi ala una na ng madaling araw. Oo we spend our time sa bar hanggang madaling araw, si Sandro lang talaga nagpakalasing kasi kung kaming dalawa lasing eh baka pagising namin si San Pedro na ang kaharap namin.

Imbes ihahatid ko siya sa kwarto niya eh bigla lang ito humiga sa sofa dito sa living room. Kaya kukunin ko na lang yung unan at kumot niya para kumportable siya kahit sa sofa lang siya matutulog. Nung nakuha ko na sa taas yung unan at kumot niya ay inilagay ko na yung unan sa uluhan niya at kinumutan ko na.

After non ay nagbook na ako ng taxi since wala naman talaga akong dalang kotse kasi sinundo lang ako ni Sandro sa bahay. Tatayo na sana ako para maghanda na baka dadating na ang taxi pero may biglang kumalabit sa kaliwang kamay ko.

"Sky! wait." sambit nito at napalingon ako. Hindi ko alam kung nag-lasing lasingan lang tong si Sandro o lasing talaga.

"S-Sana hinintay na lang kita..I-I like y-you Sky. Noon pa pa man, pero di ko sinabi kasi akala ko lalaki ka talaga dati eh." nauutal niyang sabi kasi nga lasing tss..

Kiligin na sana ako pero naisip ko na makakalimutan na niya ang pinagsasabi niya ngayon.

"Lasing ka lang Sandro. Mabuti pa matulog ka na." tugon ko.

"No, *hiccups*.. I'm not *hiccups*" pasinok sinok pa niyang sagot at ayun natuba at nakatulog na naman. Siraulo talaga eh.

**KINAUMAGAHAN**

"Hoy teh gising!!!!" pucha naman ang ingay talaga ni Cloudy kung alam mo lang di talaga ako pinatulog ng sinabi sa akin ni Sandro kahit alam kong makakalimutan niya ito..

"Bakit ba??!! inistorbo mo ang tulog ko Cloudy!" inis kong sabi sa kanya.

"Nagkagulo gulo na! kasi gumagawa na nang storya si Olga tungkol sayo na tinakot mo raw siya na kung hindi niya pakasalan ni Heracles ay papatayin mo ang pamilya nila Sandro!" paliwanag sa akin ni Cloudy.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now