Chapter 24-Don't Dare

57 4 0
                                        

[Sandro]

"Vinny ano na?? nakabihis ka na? dalian mo na alam mo namang alas otso ang flight natin.." kinakatok ko si Vinny sa kwarto niya.

"Oo na palabas na nga ako ohh." tugon niya habang lumalabas ng kwarto niya. Siya na lang hinihintay mas babae pa to kay Sky eh.. tssss..

"Double check your things Vinny baka maiwan na naman ang plane ticket mo gaya dati nung nag-Hong Kong tayo for Mom's birthday." litanya ko sa kanya.

"It's all clear Kuya.. Buti pa ikaw na ang hahawak ng ticket ko para sure na di ko mawawala." sabi nito at binigay sa akin ang ticket niya na agad ko namang kinuha para di na mawawala.

Pagbaba namin ay nakatayo lang si Sky sa may sala naghihintay sa amin. Nung nilapitan ko si Sky ay hinalikan ko siya sa kanyang noo kaya sa noo ko siya hinahalikan kasi for me mas sweet kung ganon ibang usapan na kung sa labi na.

"Sky pasensya ka na ito kasing si Vinny ang kupad kung kumilos eh.." sabi ko.

"Ok lang may dalawang oras pa tayo.. If okay na sila Simon at Vinny, alis na tayo kasi mas mainam yung mas maaga kesa yung mahuhuli." tugon niya at sumang ayon na kaagad ako kaya pinatawag ko na ulit ang mga kapatid ko sa mga kasambahay namin para aalis na kami.

----

Nung nasa biyahe na kami papuntang airport biglang may gustong itanong si Sky..

"May tanong ako Sandro, sa event ba ay magkikita ba kami ni Abby?" tanong niyang seryoso.

"Nako Ate Sky kahit saan lagi yang nakabuntot kay Kuya Sands pero wag kang mag-aalala kasi di na niya guluhin si Kuya kasi nanjan ka na sa tabi niya lagi." singit naman ni Vinny.

"Ehhh.. sana nga Vinny. Pero...bahala na si superman." tugon niya.

"Wag ka nang mag-aalala di na yun makakalapit sa akin na parang linta." sabi ko at natawa siya.

"Bakit ka natawa jan..??" tanong ko.

"Haaays.. yan ang tawag nila Cloudy kay Abby kulang na lang sipsipin yung dugo mo eh sa sobrang dikit." sagot niya at natawa naman ako sa rason niya. 

Buti na lang hindi kami late dumating at siyempre smooth naman yung pagpasok namin at walang delayed kakapagod kaya na madelayed yung flight. Pagpasok namin ng eroplano binati naman kami pero ang napansin ko ay nakatingin sila sa kahawak ko ng kamay na si Sky.

"S-Sandro nakatingin sa atin ang mga tao lalo na na makita tayong magkaholding hands." mahina niyang sabi nang nakayuko.

"You are my girlfriend, Sky. Di kita ikinahihiya at saka hindi naman kita kayang itago eh di gaya ng past relationship ko na itago na rin sa pamilya niya which is ayokong gawin sayo." tugon ko. Naliwanagan na yata siya kasi ngumiti na ito sa akin.

Nung nakita na namin ang seats namin ay umupo na kami. Siyempre magkatabi kami ni Sky tapos ang kapatid kong sina Simon at Vinny ang magkatabi.

Hinayaan na lang namin ang ibang taong may mga sinasabi kasi we don't owe an explanation sa lahat eh gusto lang namin na maging masaya like an ordinary people.

"Sandro, ready na ako sa mangyayaring gulo sa airport kapag makita ka ng madla—" sabi ni Sky.

"Sus..di naman ako artista—" sagot ko. Sumimangot siya sa akin.

"Di ako pinanganak kahapon Sandro..bago pa man ako tumapak sa Ilocos Norte ay kitang kita ko na kung gaano ka baliw ang mga babae sayo eh since nung eleksyon gusto ka pa nga asawahin pati sa mga kapatid mo jusko di na lang ako magsasalita tsss.." wika nito.

"Hayaan mo na sila naman ay taga suporta ko at ng pamilya namin, at hanggang doon lang pero hanggang dulo ikaw lang..." sabi ko.

"Cheesy mo..tsss" yun lang ang nasabi niya saka ito humiga sa balikat ko at di na ako kinausap pero kinukulit ko pa rin siya.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora