[Sandro]
Nung sinugod ako dito ni Cloudy di na ako mapakali dahil sa mga sinabi niya tungkol kay Sky. Wala akong alam eh pero bilang isang boss niya eh responsibilidad ko siya.
..I never thought na maging bahagi sila ng grupo na tumangka sa buhay ko. Dahil sa ginawa nilang pang-chicheat sa akin I will never forgive them, all of them!! kapag may mangyaring masama kay Sky sisisihin ko ang sarili ko kasi pinabayaan ko siya. Di ko man siya pinagtanggol.
Sasama sana ako kina Cloudy pero ayaw niya akong isama. Alam ko galit siya kasi hinayaan ko lang ang Ate niya pero gusto ko rin naman siya hanapin. Kaya tinawagan ko si Kuya Matt para magpasama eh siya rin pala nag-aalala kay Cloudy kaya susunduin niya lang ako dito.
"Insan tara na!" sabi ni Kuya Matt na nakadungaw sa pinto kaya binilisan ko na ang kilos ko. Pagpasok ko di ko inasahan na dadalhin niya lahat ng kapatid niya pati si Simon sumama pa tsss..
"Dali na Kuya! Di ba nag-aalala ka sa future GF mo so sumakay ka na!" sambit ni Simon..
"Ayieeeeeeee!!!!" tugon nilang lahat bilang asar sa akin.
"Shut up nga kayo life and death na ang nakasalalay dito nagawa niyo pang asarin ako." inis kong tugon sa kanila.
Habang nasa biyahe ay di na ako mapakali kahit kakayos lang ng sasakyan ko ay mas importante sa akin ang buhay ni Sky di ko pa nasabi lahat lahat eh..sana naman payagan kami ng may kapal na makapag-usap at magkasama ulit. We slowed down kaya sinilip ko ang harapan at nakita ko sila Cloudy kaya bumaba kami at naabutan namin silang may kausap.
Dinig na dinig ko lahat ng napag-usapan nanlumo ako sa narinig ko parang di ko na maigalaw ang mga paa ko. Napansin pa kami ni Cloudy pero hindi ito umimik kasi kumaripas ito ng takbo papunta sa motor nito at pinaharurot ito kaya si Kuya Matt naman ay hinila ako pabalik ng sasakyan para sundan nga si Cloudy.
----
"Kuya yan na yata yung sasakyan mo.." sabi ni Simon sabay turo sa harap at tiningnan ko ito. Nakumpirma ko na yun talaga ang sasakyan ko. Nakita kong lumapit na si Cloudy doon at sinilip ang sasakyan kasi bumangga nga ito sa poste.
Lumapit na rin ako at nakita ko na sobrang yupi ang harapan tapos ang windshield ay basag na basag na may bakas ng dugo. Napalingon ako kay Cloudy kasi sumisigaw ito sa harap ng karagatan.
"A-ATE!!!! A-ATE S-SKY!! WAG NAMAN GANITO OHHH!!! MAGPAKITA KA NA !!!" sigaw nito na naiiyak. Ako naman ay napaupo na lang sa sahig kasi hindi ako nakapaniwala sa pangyayaring ito. Bahagyang napatigil ako dahil nakikita ko si Cloudy na planong tumalon sa dagat patayo na sana ako para pigilan siya pero naunahan na ako ni Kuya Matt agad niya ito hinila papunta sa bisig niya at doon na ito napahagulgol. Ako rin di na rin mapigilan ang luha kong umaagos sa aking mukha.
"Sky I'm sorry, sorry kung hindi man lang kita naipagtanggol.." usal ko sa sarili ko pero bigla akong hinila ni Cloudy at galit na galit ito.
"Sandro bakit hinayaan mo lang ang Ate ko na ganituhin ng girlfriend mo?!!!!! bakit di mo siya pinigilan na saktan ang Ate ko! Alam mo bang mahal na mahal na mahal ka ng Ate ko Sandro?!!! alam mo ba???" sunod sunod na sumbat sa akin ni Cloudy habang sinusuntok and dibdib ko pero di naman kalakasan. Ramdam ko lahat ng sinabi nito at mas sumakit ang dibdib ko nung nalaman ko na mahal ako ni Sky.
"Cloudy, sorry ..I'm so sorry hindi ko alam. P-Pero ngayon alam kong mahal ko na si Sky." usal ko at simula nang tumulo ang luha ko.
Mayamaya pa ay dumating na ang dalawang malalaking chopper parang rescue galing PCIA. They did a rescue operation para kay Sky di ako umalis hangga't di ko siya nakikita pati rin ang kapatid nitong si Cloudy ay nagpaiwan. She is now talking on the phone and I think papa yata nila

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...