Chapter 15-Fiery Face Off

83 7 3
                                        

[Skylar]

Nung dumating na kami sa mansion ni Madam Melds ay na-amazed na naman ako sa laki ng bahay nila. Ang mga muebles ay napakavintage tapos ang lalaki ng mga paitings sa dingding lalo na yung paiting ng mga mukha ng dating pangulo at Madam Melds.

Nakasunod lang ako kay Sandro. Dahil sa katangahan ko ay may nakabangga akong tao nung inangat ko ang tingin ko si Sandro pala yun. Shet! halos isang pulgada na lang ay magkakasalubong na ang aming mga labi kaya napaatras naman ako bigla.

"Sorry!" sambit ko.

"W-Well it's okay.." nauutal na sabi ni Sandro. Biglang naging awkward lang bigla ang nasa paligid namin.

Mayamaya pa naputol ang awkwardness sa paligid kasi lumabas na si Madam Melds. Lumapit na agad si Sandro para bumeso.

"Apo, bakit di mo pa hinalikan si Sky? Botong boto ako sa kanya para sa iyo." sabi ni Madam. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

"Mama naman.. I have a girlfriend na po." tugon ni Sandro.

"Madam Melds, mahal na mahal ni Sandro si Olga at nirerespeto ko po yun. Kaibigan po tur--" naputol ang sinasabi ko nang di ko iniexpect na dadating. It's OLGA! Napaatras na lang ako nung nakita ko siya kasi ayaw ko ng away girl.

Di ko na tatanungin kung bakit yan nandito baka nabanggit ni Sandro sa kanya. 

"Well, well, well .. What are you doing here? you aren't belong here , Sky.." sambit sa akin ni Olga.

"She's working with me babe.. she's my personal po--" di na niya pinaliwanag si Sandro.

"What?!!! without me knowing?!!!" galit na sambit ni Olga pero hindi makasalita si Sandro paran nahulog na under siya sa kanya which is very ewww! 3 minuto ang pagitan ay may sumunod kay Olga, at naaalala ko ito yung lalaking kalandian niya with agenda sa isang coffee shop na binilihan ko ng iced coffee nung isang araw. Bakas sa mukha ni Sandro ang gulat.

"What are you doing here? and why are you with my girlfriend?" sarkastikong pagkakatanong ni Sandro sa lalaking kasama ni Olga.

"I'm Olga's boss so hinatid ko lang naman siya dito bro parang di naman tayo magkaklase dati." tugon nito. So, He's the classmate pala.

"No need to drop her here kasi pwede ko naman din yan ipasundo sa driver namin." sabi ni Sandro.

"Babe, don't get mad na. Nagmamagandang loob lang naman si Heracles sa akin." singit naman ni Olga.

"Olga, Heracles is you DAMN ex boyfriend. Teka muna and why is he your boss?! di ba you're working in J&J holdings?!" OMG! CHISMIS!!!! so this is Heracles pala na ex nitong babaeng to tsss..

"J&J Holding is mine, Sandro. It's under the Fuentebellas." usal naman nung Heracles.

"Olga! Are you lying to me???" tanong sa kanya ni Sandro but she remained speechless at biglang naluha medyo nakaramdam ako ng off sa kanya imbes si Sandro ang hihilain ko papalayo si Olga ang hinila ko.

Hinila ko siya palabas ng gate ng mansion na ito.. Nagpupumiglas ito at nagrereklamo sa akin pero di ko ito pinapansin. Nung nakalabas na kami ay agad niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Ano ba!! Nasasaktan ako! How dare you Sky! empleyado ka lang naman nila dito." galit na galit niyang sambit.

"Olga, Olga..sayang ka, maswerte ka na sana kay Sandro eh pero mas pinili mo pa ring bumalik sa taong sinuka mo kinain mo pa rin."  sabi ko. Aktong sasampalin na niya ako pero di ko ito hinayaang dumapo sa mukha ko.

"You are crazy, Sky! Wala akong binalikan at si Sandro lang ang mahal ko." sagot niya.

"Well, I won't buy it! I have so many infos about you and that Heracles Fuentebella. I guess he is your ex tama nga ako kasi nabanggit na ni Sandro kanina and I knew that your business trip isn't a business trip someone saw you in a cafe ang sweet niyo halos di na kayo napaghiwalay pero si Sandro nagtatrabaho para maibigay sayo kung anong gusto mo, Olga!" wika ko pero mas nagalit ito.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt