[Skylar]
Di naman ako nahirapang mag adjust nung nagsimula akong magtrabaho kay Sandro kasi di naman masyadong mabigat ang trabaho eh.
Ito na ang pangatlong araw at ngayon ko sasamahan si Sandro sa house of representatives sa Manila. Alas tres pa lang ay gising na ako kasi 4:30 babiyahe na kami. Oo mag by land kami yun ang gusto ni Sandro ewan ko ba bat ayaw niyang mag eroplano..hmmm. Buti na lang kondisyon tong katawan ko magdrive ng ilang oras. 7-8 pa naman ang oras ng biyahe..
Nung nag alarm na ang phone ko ay bumangon na agad ako. Dahan dahan ako sa galaw ko kasi tulog na tulog pa si Cloudy. 4am na ako nakalabas ng bahay kasi nga dahan dahan lang nga ang galaw ko kasi tulog pa sila. Alam naman nila na aalis kaming maaga ni Sandro.
----
Pagdating ko nakaready na pala ito at ako na lang hinihintay niya..
"Good Morning Sky.." bati niya sa akin at ngumiti siya. Jusko naman Sandro nagsisimula ka na naman
"Good Morning din.." tugon ko.
"Let's go na para by 11am makarating na tayo ng Manila." sabi niya. Akala ko may isasama siya eh wala pala ano to alone with you ganon..
"Akala ko kasama ang assistant mo sa Manila, Sandro." sambit ko.
"I don't need an assistant there, Sky. All I need is YOU." sagot niya sabay turo sa akin. Hay nako Sandro huling huli ka na lang eh magiging marupok na talaga ako pero una pa lang marupok ka na Sky.. Tsk.
Sumakay na si Sandro sa harapan. Very good jan ka kesa naman pagkamalan akong driver. Pagkamalan lang ako ng kahit ano basta di lang driver joke. He insisted na siya daw mag dadrive pero ayokong ibigay ang manibela ni Rambo sa kanya kasi kung ibibigay ko eh dapat siya na forever ang makakadrive nito pero ayoko kasi di naman siya single kasi may Olga na siya sa buhay.
"Bakit ayaw mong ako ang magdadrive? Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya na may pagsimangot ng konti.
"Basta wag mo nang itanong mahabang kwento. Buti pa matulog ka na muna jan kasi alam kong kulang tulog mo kahit di mo sabihin eh halata naman sa eyebags mo." wika ko. Siyempre para komportable siya kinuha ko yung unan sa likod at binigay ko sa kanya.
Napatingin siya sa unan..nagdududa siguro siya kung may laway ba, mabaho ba o hindi tsss.. "Wag kang mag-aalala malinis yan at mabango kahit amuyin mo pa. Hindi ako dugyot." sabi ko.
"Defensive mo naman.. alam ko namang malinis eh. Sige matutulog muna ako. I trust you na pag gising ko buhay pa ako." tugon niya.. Aba! siraulo tong lalaking to anong akala niya sa akin kaskaserong drayber??? Ayun tinalikuran ako at naidlip na kesa awayin ko ay hinayaan ko na lang at ako naman ay focus sa daan.
..Nakalipas ng apat na oras..
Medyo nagugutom ako kasi ang konti lang nakain ko before umalis ng bahay. Since tulog na tulog tong kasama ko eh ako na lang ang bumaba. Iniwan ko muna siya saglit para bumili ng pagkain. Ang binili ko namang pagkain ay good for two nakakahiya namang kumain kung ako lang di ba baka sabihing ang damot ko.
Nung nag-oorder na ako.. may taong siksik ng siksik sa akin ha nakakainis..pero di ko pinaramdam sa kanya.
"Sky, why didn't you wake me up huh?.." bulong niya na nakiliti ako konti sa tenga ko at laking gulat ko si Sandro pala.
"Eh kasi naman ang himbing ng tulog mo. baka kung gigisingin kita magagalit ka." tugon ko sa kanya at bigla niya akong inakbayan. Jusko!!!! Sandrooooo!!! Namamawis kili kili ko sayo!
"Ay ate magkano po to?" dinivert ko sa iba atensyon ko para makawala sa pagkaakbay niya.
"Yan bang almusal combo? Isang daan lang iho." sagot ng tindera. Oo lalaki na naman ang tingin ng iba kasi di pa humahaba buhok ko leche!

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...