Chapter 28-Lab for LOVE

62 4 5
                                        

[Skylar]

"Beh kung ayaw mo sa sala edi sa kwarto ka na lang ng jowa mo matulog..it's your time to shine beh.." nanigas ako sa sinabi ng Cherilou na to eh.. Papatulugin niya ako kamo sa kwarto at sa tabi ni Sandro.

Napalingon tuloy ako sa boyfriend ko bilang nakaramdam ako ng hiya..Matagal naman na kami tapos nasa right age na kami pero mali pa rin kasi di naman kami mag-asawa para magtabi na matulog..

bumaling ako ng atensyon sa kaibigan kong malandi.. "Hoy! matakot ka nga sa sinasabi mo sa akin Lulou..di pwede yan na magtabi kaming matulog eh di naman kami mag-asawa." sabi ko sa kanya habang nakatayo pa rin ako sa pinto.

"Corny mo beh..So old fashion..di na uso yan ngayon noh.. at saka legal naman kayo sa mga mata ng mga magulang niyo at siyempre nasa hustong edad na kayo kay go lang.. Bye! good night beh, sleep tight." tugon niya. Kinukulit ko pa rin pero di na sumasagot.

Dahil don balisa akong bumalik ng sala.. Kakainis naman talaga eh noh..after a few minutes biglang tumabi si Sandro sa akin.

"Matulog ka na lang sa kwarto ko at ako na dito sa sala.." napatingin ako sa kanya eh hindi nga siya makatulog sa sala dati kahit lasing ngayon pa kaya na nasa normal state siya.

"Ni hindi ka nga makatulog sa sala eh.." tugon ko.

"Okay lang..basta di ka lang mahirapan." Sagot naman niya. Kulit talaga.

"Since di ko gustong matulog sa sala tapos di rin ako kumportable sa sofa mo kasi ang liit..magtabi na lang tayo. Wala na kasi akong no choice eh." Saad ko.

"Sigurado ka na ba? Baka napilitan ka lang." tanong niya.

"Sigurado na ako Sandro...di na rin tayo mga bata para sa ganito." sagot ko. Tumango naman siya. We both decided na magtabi na lang kung di dahil sa babaeng si Lulou talaga eh noh. Actually ito yung unang beses na magtatabi kami..parang kinakabahan ako na excited.. Halo-halong feelings ganon.. Lagot talaga si Lulou sa akin!

Nauna na ako sa kwarto ni Sandro kasi may tinatapos lang saglit sa working space niya. Ako naman ay tamang scroll scroll lang sa phone habang nakahiga. Mayamaya pa ay biglang natawag sa akin si Cloudy.

"Teh kelan balik uwi mo dito? nagkita na ba kayo ni Sandro jan?" 

"Yes, nagkita na kami.. Nandito ako ngayon sa Condo kasma ko na si Lulou kasi the day after tomorrow ay uuwi na kami jan." sagot ko.

"Okay.. ingat kayo sa pag uwi. See you Teh miss na kita asarin."

Tingnan mo to si Cloudy maganda na sana na namiss niya ako pero may karugtong naman pala tsss..Hayuf! wala na talagang pagbabago sa akin si Cloudy. Di na yata siya magbabago. Mas gusto ko pa na ganyan siya kesa naman biglang anghel di ba nakakatakot yon??? 

After nung tawag ni Cloudy ay sakto ang pagpasok ni Sandro at yun ang kinagulat ko na halos humiwalay na yung puso ko sa katawan ko.

"Nakakagulat ka naman..hihiwalay na yata yung puso ko sa katawan ko, Sandro." reklamo ko dahil sa gulat.

"Sorry.. nagdahan-dahan pa nga ako kasi baka nakatulog ka na." paliwanag pa niya.

"Okay lang..may trabaho ka pa ba bukas? start na ng weekend..at saka magpapabook na rin tayo ng flight pauwi ng Ilocos Norte." tanong ko sa kanya.

"Wala na. Tamang pahinga na lang ako this weekend at sa schedule ko sa Ilocos Norte ay di naman sobrang hectic medyo lumuwag na ng konti na we can spend time together." sagot niya at ngumisi naman ako kasi may oras na kami pero naalala ko yung sinabi sa akin ni Lulou na dapat meron kaming call sign. Halos sinerch ko na lahat ng sites para makapaghanap ng call signs pero ang kokorni at sobra namang cheesy.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now