Chapter 25-The Pro-Hacker

62 4 2
                                        

[Skylar]

Dahil sa kagustuhan ni Papa na papuntahin si Sandro dito. After ko siyang tinawagan ay bumalik ako sa clinic ni Mama.

"Ohh natawagan mo na ba boyfriend mo?" tanong ni Papa..tsss para namang may kasalanan si Sandro aahh...

"Opo natawagan ko na po siya no worries agad na siyang papunta rito ehh..kinabahan na tuloy ang tao sa inyo Papa.." tugon ko.

"Dapat lang siyang kabahan kasi kahit best friend ko nanay niya eh dapat ayus ayusin ka niya di yung lolokohin lang.." napabuntong hininga na lang ako.

Mayamaya lang ay dumating na rin si Sandro at sinalubong ko ito sa may elevator.

"Biglaan yata Sky?" tanong niya sa akin.

"Oo nga eh.. pero wag kang mag-aalala di naman nangangain ng buhay sila Papa eh." sabi ko at natawa ito ng konti lang kasi kitang kita naman sa galaw niya na medyo kinakabahan ito.

"Parang namumutla ka yata jan.. hahahaha.. dapat sa akin ka mamutla.." dagdag ko pa..

"Hindi ahh.. Slight lang naman pero kaya ko naman humarap. Since nakaharap ko na sila dati pa." ani ni Sandro para mawala yung kaba nito..

Nung nakarating kami sa may coffee shop sa loob ng hospital ay ako na unang nagsalita..

"Mama, Papa.. alam ko ito ang pinakaunang lalaking ipinakilala ko sa inyo.. I want you to meet my boyfriend, Sandro, Congressman Sandro Marcos." sambit ko..

"Hello po Tita, Tito.. Nice to meet you again today.." nauutal niyang usal.

"Sus si Sandro wag ka ngang kabahan jan. di naman kami nangangain ng buhay.." binasag tuloy ni Mama ang kaba ni Sandro.

"..Urrhhmmm.. Sandro kahit best friend ko ang Mommy mo, siyempre babae yung anak ko at kailangan kong protektahan. Maaasahan ba kita na di mo sasaktan si Skylar?" litanya ni Papa at tinanong din siya kung hindi ba niya ako sasaktan.. tsss lumang style pero nakikinig na lang ako.

"Gaya ng sabi sa akin ni Sky na di ako magpapromise pero di ko siya pababayaan at siyempre po di ko siya sasaktan." wika ni Sandro.. Char! may paninindigan.

"Siguraduhin mo lang kasi sabi sa akin ng aking source na madaming babae na napalibot sayo.." sabi ni Dad at agad naman akong sumingit kasi alam ko na sino ang source niya.

"Kilala ko sino ang source mo Pa.. Si Cloudy?? tsss.." sabi ko.

"It seems na wala na akong magagawa na sinagot ka na ng anak ko.. so, ipapaubaya ko na sayo si Sky and shall I say welcome to our family, Sandro." sambit ni Papa medyo kinilig din ako eh kasi kung paano ako winelcome sa pamilya ni Sandro ganon din ang pagwelcome sa kanya ng family ko. May pa-fist bump pa sila ni papa eh. The rest of the time is nagchichika chika kami, kamustahan at siyempre kinamusta rin ang event soon sa anniversary ni Apo.

"Nako Sandro kahit gustuhin naming pumunta sa anniversary ni Apo di talaga kami makakapunta eh dahil sa busy schedules at surgeries ng Tito Migz mo."paliwanag ni Mama kay Sandro.

"Maiintindihan po yun ni Lolo at least nandoon si Sky at si Cloudy maging representative niyo.." tugon ni Sandro at tumango naman sila Mama.

Hindi na rin kami nagtagal ni Sandro sa ospital. Nagpaalam kami ng maayos sa parents ko kasi may importante pa silang aasikasuhin. Si Sandro na nagdrive pauwi kasi yun naman talaga ang gusto niya noon pa kaya pinagbigyan ko na.

"Akala ko talaga nung tumawag ka na may nangyari sayong masama sa daan eh kasi di ka nagpahatid.." sabi ni Sandro habang nakafocus lang sa daan.

"..Hehehe.. Sorry naman kasi itong si Papa biglaang mag-utos eh. pasensya ka na talaga." paliwanag ko at sabay hingi ng tawad kasi nag-aalala yung tao.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now