[Skylar]
Medyo nasa kondisyon ako ngayon kasi ito na yung araw ng kompetisyon na sinabi sa akin ni Sandro. Partida wala pa akong practice kasi biglaan lang din.
Inimbita rin pala ni Sandro ang tropa ko kasi nga para may magchi-cheer sa akin. Anong magchi-cheer?! eh aasarin lang ako doon. Sa totoo lang I was really planning na sasagutin na si Sandro sa kompetisyon kung mananalo ako kung hindi naman better luck next time.
Nasa location na kami nauna kami dito kasi sila Sandro may inaayos pa sa Kapitolyo kasama si Gov. Matt.
"Sky, ready ka na ba? eh puro lalaki pa naman yung kalaban mo.." tanong ni Tox.
"Of course..Kahit di ko masyadong napaghandaan may tiwala ako sa kakayahan. Tox, all boys or all girls pa yan wala akong pakialam." sagot ko.
"Di ka pa rin nagbago Skylar.. hahahaha! Ingat sila sayo.. " ani ni Tox at nagtawanan lang kami.
Mayamaya lang ang nagsidatingan na nga ang mga participants at totoo ngang ako lang ang nag-iisang babae. Well dedma walang pakialamanan. Habang hinahanda ko na yung baril na gagamitin ko ay dumating na sila Sandro kasama ang mga pinsan at kapatid niya. Sumunod na rin ang parents niya na si First Lady Liz at Presidente Bong.
"Hi Sky! I got so excited nung sinabi ni Sandro na sasali ka dito at ang mas naka-excite sa akin ay nung sinabi niya na nililigawan ka na niya." bulong sa akin ni Tita Liz.
"Nako Tita kahit di ko naman siya deserve pinayagan ko pa rin siya kasi mahalaga din naman siya sa akin." sagot ko at kinikiliti pa niya ako sa kilig.
Ilang minuto ang nakalipas at nagsimula na ang kompetisyon. Ang ganda ng simula ng laro ko hanggang sa napasok ako sa semi finals to finals. Akala ng mga kalaban ko nung una weak ako pero I prove them wrong at natalo ko yung mga taong nagdududa sa kakayahan ko at wala sa kasarian nakabase ang galing sa combat shooting nasa passion yan.
"For the last round for Ms. Skylar Amari." usal ng emcee kaya kinasa ko na ang gagamitin kong baril.
Nung narinig ko na ang alarm ng hudyat ng pagsisimula. Sinipat ko muna ang target bago ko pinutok ang baril na hawak ko. Kakaiba ang finals kasi pa-abrupt ang pag pop out ng target eh.
Nakafocus lang ako sa una at pangalawang tira pero sa pangatlo may biglang sumigaw, naririnig ko pa rin kahit may nakatakip sa tenga ko. Natagilid tuloy ang pangatlong tira ko pero mabuti na lang ay bullseye pa rin. Agad kong nilingon ang sumigaw at ... Nakita ko ang isang dalagita na sobrang clingy kay Sandro.
"S-Sandro! I missed you so much!" usal nung babae habang isa isa ko nang tinanggal ang ear at eye protection ko. Kahit malayo ay dinig na dinig ko talaga. Sino kaya siya sa buhay ni Sandro baka another Olga na naman di na talaga ako papayag eh kasi ako na yung piniling ligawan ng tao. Ayaw ko muna mag overthink kasi nakakastress.
Tinapos ko ang kompetition na tagilid pero panalo pa rin. Napabilib yung mga naging kalaban ko at sinasabihan ako na napatalented ko sa shooting, ang iba naman ay gustong magpaturo sa akin. Ngumiti na lang ako pero magagaling naman sila actually walang tapon sa kanila.
Mayamaya pa ay nilapitan ako ni Sandro pero nakabuntot pa rin yung babae sa kanya.
"Di ako nagsisising isali ka Sky..congrats." bati sa akin ni Sandro at binigyan niya ako ng bulaklak.
"Thank you. Nakakahiya naman pero salamat sa suporta mo." sagot ko.
"Excuse me..who are you?! Anong koneksyon mo sa aking congressman." mataray na tanong sa akin nung babaeng kumakalabit pa rin kay Sandro. Nagrelax na muna ako kasi unang kita pa to.

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...