Chapter 40-Filling Missing Pieces

29 3 0
                                        

[Skylar]

"Ma'am Sky, Sir Sandro!" tawag sa amin ng guard na nahihingal pa

"Bakit ho?" tanong ko.

"Si Pippa po.." sabi nito.

"Anong nangyari kay Pippa?!" tanong ko sa kanya.

"Iniwan lang po siya sa labas ng gate na nakahandusay po--" sagot ng guard at dali dali na akong lumabas at tumambad sa amin ni Sandro ang walang malay na si Pippa.

Kinarga na agad ni Sandro ang bata papunta sa aking kwarto. Napansin ko sa katawan ni Pippa na marami siyang pasa sa kanyang katawan.

Ako na naglinis sa katawan nito habang si Sandro naman inutusan kong ireview lahat ng CCTV kung sino nagdala sa kanya sa labas ng gate..

"Daddy..wag niyo po akong saktan--Tita Olga, sorry na po wag niyo na po ako sampalin" she's having a nightmare..

"Pippa nandito na ang Mommy. wag ka na matakot I won't let them hurt you again." bulong ko sa kanya habang pinupunsan ko ang katawan niya.

Nabigla ako kasi niyakap ako ng mahigpit ni Pippa habang umiiyak..at niyakap ko rin siya.

"Mommy akala ko hindi ko na kayo makikita ni Daddy Sandro--" sambit niya.

"We're still here Pippa di ka namin iiwan ni Daddy Sandro mo. I promised di ka na nila masasaktan pa.." wika ko pero bigla niya kinalas ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin.

"Mommy..Don't ever go there.. My Daddy is an evil! I hate him! he let his wife Tita Olga kill my Mommy Kat na hindi ko man lang nakilala.." sabi niya. I think it's time for her to know the truth and right din niya malaman kung sino talaga ako.

"Pippa listen. I know you are smart at a young age pero alam kong maiintindihan mo itong sasabihin ko sayo.. Do you trust me?" tanong ko at tumango siya.

"Actually, I know your mom, your Mommy Kat.." unang sambit ko sa kanya at pinakita sa kanya ang picture na nakita ko sa bag niya.

"Oh that picture--matagal ko na yan hinahanap Mommy saan mo yan nakita?" usal ni Pippa.

"I saw your bag sa kotse ko di ko naalala na may dala ka palang bag and I saw your Mom's pic--going back, I know your Mom her real name is Stellar...she is my long lost twin sister." kwento ko sa kanya and when she heard about me and her mom ay napatakip ito ng bibig.

"Yes! tama nga po ang hinala ko kasi you have similarities eh..so it means ikaw si Tita Sky na binabanggit ni Nana.." natutuwa pa siya sa narinig niya. So naghinala siya nang hindi niya sinasabi sa akin.

"Pero Pippa.. I'm sorry that I couldn't save your Nana.." sabi ko na may lungkot.

"Don't be sorry po.. Nana tried to save me and let me escape from my abusive father and her evil wife. I know she's the one who killed my mother she even did a live video how she killed my mommy.." sabi niya at niyakap ko siya ulit dahil pinakita pala ni Olga sa kanya kung paano niya pinatay ang kapatid ko na walang kalaban laban.

After a week since Pippa came back..

Nasa training kami para sa new batches ng mga special police. Never ko pang pinaalam kina Cloudy at sa family ko ang tungkol kay Pippa pero kapag kaya ko nang sabihin ay ako mismo ang magsasabi sa kanila.

"Excuse me po nandito po ba si Ms. Skylar Ramirez?" 

May pumasok sa investigation department na parang may padala galing sa akin.

"Yes po. Ako nga po si Skylar." sambit ko at saka niya binigay sa akin ang isang brown envelope.

Pagbukas ko ay mga dokumento ito ni Pippa, nakalakip rin ang mga birth certificate at mga hospital records na puro original copies.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now