[Sandro]
Sobrang nag-aalala na ako kay Sky pero may malaking tiwala naman ako sa kanya pwera lang dito sa pamilya ni Abby. Akala ko mabuting tao sila pero bakit ganon nag-iba na?? Siguro nga tama talaga na di ko na ini-entertain si Abby kasi wala naman talaga akong feelings sa kanya a side sa pagiging nakababatang kapatid yun lang, hanggang doon lang yun.
"Ronald..aabot talaga tayo sa ganito?!" singhal ni Dad.
"Sinira niyo ang event na ito na para sa in law ko pero di niyo na ginalang tapos dinamay niyo na lahat ng guests at mga taga-suporta namin." singit ni Mom. Natahimik lang sila.
"Kapag may masamang mangyari si girlfriend ko, wala na akong ibang sisisihin kundi kayo!" galit na sumbat ko sa kanila.
"Teka nga.. bakit ipipilit ang isang bagay na hindi pwede, ha! Abby?! wala ka na bang ibang makita at si Sandro ang ginugulo mo?! I don't think Sky would let this happen, di yun basta-bastang susuko eh tuso yun eh kung hayup ang ugali niyo mas hayup pa yun yan ang pagkakalarawan ni Cloudy sa Ate niya." wika ni Ate Cara.
Mayamaya pa nakarinig kami ng ingay. Gusto sana namin makita kaso di kami pinayagang lumabas kasi nga bilin sa kanila ng higher ups ng kapulisan. Wala na kaming choice kung hindi maghintay talaga.
.
.
.
.
Mayamaya pa ay dumating na sila Cloudy kasama sila Red pero di ko makita si Sky na kasama nila eh kaya mas dumagdag yung kaba ko.
"Cloudy na saan si Sky bakit di niyo kasama?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. She just smiled at me..
"Don't worry about her she's really fine.. kinausap lang siya ng head ng PCIA dito sa Manila.." sagot ni Cloudy at sa wakas nabunutan ako ng tinik at kaba sa dibdib ko.
A few minutes later after pumasok dito sila Cloudy ay dumating na si Sky may kasma siyang naka-uniporme ng PCIA at nakasibilyan.
"It's all cleared pero Mr. Amante is still at large pero may ultimatum na sa kataasan ng PCIA na di na kailangan ng warrant of arrest." usal nung parang head yata nila Sky. "As of now, you are all safe, thanks to Commander Sky.. But regarding to hostage taking kanina si Sky na ang bahalang mag update sa inyo ngayon." dagdag nito.
"As this moment, problema na naman namin si Edilberto Amante isa siya sa mga druglord na nasagupa po namin noon sa Benguet at nabalitaan na rin namin na miyembro na rin ito sa Scorpionas na sinusundan ko sa Lithuania." sabi ni Sky.
"Eh Sky may koneksyon ba ang pamilyang to sa grupong sinasabi mo?" tanong ni Tita Imee kay Sky. She suddenly smirked.. ano kayang ibig sabihin non???
"Well, to be honest, Abby sorry pero may kinalaman ang mga magulang mo eh lalo na sa kaguluhang nangyayari ngayon at masyado kang spoiled ng magulang mo.. Eh yung sayo ay hinire mo lang naman ang manliligaw mo para ihostage ako. Mabuti na lang hindi ako tanga at bobo para mapaikot mo. Yung website na nagsi-circulate ng paninirang puri sa akin ay isang Carbonell pa! ngayon kailangan kong halughugin ang pamilya Carbonell baka konektado sila sa sindikato na minamanmanan ko." paliwanag ni Sky.
Di kami makapaniwala sa lahat ng lumabas na katotohanan galing kay Sky. Ang dami nang nadadamay na pamilya para sirain ang pamilya namin.
"D-Di p-pwede to Tamara!" sambit ni Tito Ronald sa kanyang asawa. Tatakas na sana ito pero napigilan pa ito ni Sky.
"Haaay nako.. ikaw na nga tong gumawa ng kasalanan ikaw pa tong tatakas bigla.. iiwanan mo ba ang mag-ina mo? Well in this case I think makukulong kayong lahat eh.." dagdag pa ni Sky..

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...