Chapter 26-St*pid Hostage Taker

41 3 0
                                        

[Skylar]

"Beh, alis na ako.. basta kung magpapakita ka sa akin it means tinatanggap mo na ang offer ko sayo kung hindi naman it means di mo talaga gusto offer ko. Pero beh bukal sa loob ko ang pagtulong ko sayo at saka may potensyal ka naman eh.." sabi ko bago ako umalis ng bahay nila.

"Oo pag-iisipan ko beh alam mo namang walang maiiwan dito eh..pero susubukan ko beh" tugon nito..

"Tay, Nay aalis na po ako kasi hinahanap na ako eh. Maraming salamat po ulit sa meryenda.." paalam ko rin sa mga magulang ni Lulou.

"Balik ka ulit dito iha isama mo na yung jowa at mga kasamahan mo.." sabi ng nanay ni Lulou.

"Nay naman! nakakahiya naman.. tingnan mo ang bahay natin konting hangin lang masisira na ang bahay nato at hindi pwede rito ang jowa ni Sky ma.." reklamo ni Lulou

"Huuuy.. hindi naman maarte si Sandro tsss.. sige na alis na ako baka mahirapan na ako sa traffic eh.. basta yung offer ko pag-isipan mo." usal ko at umalis na sa lugar nila.

----

"Manong dito na lang po.. ito pong bayad." sabi ko sa taxi driver at binigay ang bayad ko. Pagbaba ko ay nagdoorbell na sa may gate at ang sekyu ang humarap sa akin saka niya binuksan ang gate at papasukin ako.

"Magandang gabi po ma'am Sky.. hinihintay ka na po sa loob." bati sa akin ng guard at tumango lang ako. Habang naglalakad ako ay tumunog ang phone ko at may message galing sa unknown number.

--Mag-iingat ka sa paligid mo.. dahil di mo alam may tao na palang bubutas sa tagiliran mo!!

Sino na naman ba itong nananakot sa akin?! wa epek! pero nung malapit na ako sa pinto may humatak sa akin sabay tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito. Siyempre wala akong choice kung hindi ko kakagatin di ako makakabawi.

Pagkagat ko hindi siya sumigaw ng malakas at napabitaw ito sa akin parang plano niya yatang kunin ako na walang ingay pwes di ko siya hayaang magtagumpay. Sinugod niya ako ulit para hilain ako pero di siya nagtagumpay naglabas na siya ng armas niya kasi di niya talaga ako makukuha sa pahila hila at sipa niya. Itinaas niya ang combat knife niya at isaksak na sana sa akin pero bokya siya at napaderecho siya sa mga halaman na nakalambitin dahil sa impact ay gumawa ito ng ingay.

Tatakas na sana siya kasi may ingay siyang ginawa. "HOY! saan ka pupuntang hayup ka?!!!" sigaw ko pero ipilit ko siyang hinila pabalik pero tinamaan niya ako ng armas niya sa leeg ko sa right side kasi sa kanan lang ang may lakas siya. Di talaga siya nagsasalita sa una pa lang.

"Ano bayang nabasag baka pusa na naman po." usal ng katulong na palabas ng pinto. Napalingon agad siya sa akin habang nakatutok sa akin ang patalim ng amateur na hostage taker tsss.. Imbes okay na sana pero bigla itong sumigaw na halos mabingi ako at ang lalaki naman di ko na naabutan at nakaayat na ng bakod.

Nagsilabasan na tuloy ang mga tao na nanggaling sa loob.. "Ano ba yan, Tinay? abot sa loob ang sigaw mo." sabi ni Tita Liz. Napalingon agad siya nung tinuturo nito ang gawi ko.

"Sorry Tita na-late ako sa pag-uwi dito.." usal ko.

"Jusko! Skylar may sugat ka yata kasi may dugo ka sa leeg.. okay ka lang ba?! sino ang may gawa niyan sayo!" usal ni Tita Liz na napalakas dahil sa nakikita nila sa akin. Agad na akong tumayo, hinawakan ko ang sugat ko para tumigil ang pagdudurugo.

"Buti naman umuwi ka--ANONG NANGYARI SAYO SKYLAR AMARI???!!!" sabi ni Cloudy from low to high pitch voice.. 

"Edi naleeg siya Cloudy kita mo naman na may sugat siya sa leeg.." pamimilospo pa ni Red sa kanya.

"Wag nga kayong OA.. May taong nakaakyat sa bakod at tangka pa akong ihostage..plano pa niyag hindi mag-ingay para di masabit ang pinaka-amo niya tsss.." tugon ko.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt