--Kakapasok lang na balita! May natagpuang bangkay ng isang lalaki sa creek. Hindi matukoy ang posibleng pagpatay at di rin matugkoy kung sino ang may pakana. Maghihintay lang tayo sa update ng mga kapulisan.
[Skylar]
Hindi pa ako nakalabas ng kwarto ay dinig na dinig ko na ang balita sa TV sa sobrang lakas ng volume nito. Sa narinig ko naalala ko yung nagpunta ako ng Benguet kung saan may nakita ako. Posible kaya na yun yung nakita ko na pinatay ni Olga???
Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ang magkakapatid na nakaupo at nanonood ng TV.
"Bingi ba kayong tatlo? Halos tagos na sa kwarto ko ang volume ng pinapanood niyo." reklamo ko.
"Sorry Ate Sky..wala kasing trill kung di malakas ang volume.." tugon naman ni Vinny and I gave him a smirk. tssss..
"Siya nga pala. I need to go out I have to check something important okay? If there are problems tumawag kayo agad." sabi ko.
"Lab saan ka pupunta? Is this related to work? I guess so.. mag iingat ka. Isasama mo rin ba si Lulou?" tanong ni Sandro habang nakapang de kwatro pang nakaupo. tsss senyorito talaga!
"Oo isasama ko kailangan ko siya today. Hihiramin ko muna Simon.. "sabi ko at tumango naman si Simon.
...Nakalipas ng ilang oras
"Alam mo beh kulang tayo sa impormasyon tapos susugod na tayo dito sa kalaban." usal ni Luluo.
"May kutob talaga ako yung naibalita ngayon ay kunektado sa pinatay ni Olga jan sa loob ng bahay na yan." matapang kong sambit sabay turo sa mansion nila Heracles.
"Sige pagbigyan natin yang kutob mo beh.." tugon ni Luluo.
Mayamaya pa ay may tumawag sa akin..
"Is this Special Police Commander Skylar Ramirez?"
"Yes ito nga po. May I know who's this calling?" tanong ko.
"This is from Philippine Drug Invest--"
"Eh? PDI? Bakit kayo tumatawag sa akin na hindi naman sakop ng trabaho ko ang PDI." takang tanong ko.
"Uhmmm.. Si Madam X po nagrecommend sa iyo kasi may koneksyon ito sa mga imbestigasyon niyo sa Scorpionas."
Napatigil ako sa sagot niya pero hinayaan ko siyang magkwento sa akin. Habang nakikinig ako ay nililista ko lahat ng magagamit kong impormasyon. Pagkatapos kong makinig at makausap yung tumawag ay nag-usap kami ng Lulou.
"Beh di mo ba naisip nung sumalakay kayo doon sa lungga nila ay di kayo matetrace?" tanong ni Lulou at napaisip rin ako.
"Nagdisguise naman kami at gumawa kami ng fake identity.." sagot ko.
"Beh matetrace pa rin yan.. lalo na kapag nalaman nila na deds na yung fake identity. Posibleng malaman nila kung sino ang kumuha ng mga identities na yun. Paano kung salakayin tayo tapos may mga miyembro pala sila dito sa Pilipinas at isusugal ka nila." paliwanag sa akin ni Lulou at narealize ko na posible talaga madadamay talaga sila Cloudy, Red, Champ at Eys. Kaya naisipan kong magmeeting kami kapag makabalik na kami ng Ilocos Norte.
"Yun ang pagkakamali namin Beh kaso nandiyan na di na namin matatakasan mag-iisip na lang kami kung paano namin malusutan tong problema naming lahat." sabi ko.
"Wag kang mag-aalala Beh nandito naman ako para tulungan ka, kayo..hindi basta-basta tong babanggain niyo well alam niyo naman ang tungkol sa kanila dahil nag-imbestiga na kayo sa kanila. For now, ito na munang si Olga at Heracles aatupagin natin kasi may pakiramdam akong di kanais nais sa kanila." wika niya habang nakahawak siya sa balikat ko.

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...