Chapter 12-The Cheater

80 7 2
                                        

[Skylar]

Grabe di ako makatulog kahit anong posisyon na lagi kong ginagawa kapag matutulog ko ay di na umuubra kaya lalabas na muna ako pero tiningnan ko ang oras sa phone ko..

..alas dose na pala. Since di talaga ako makatulog ay lumabas ako ng dahan dahan sa kwarto baka kasi tulog na si Sandro. Pagsilip ko sa sala ay nandoon pa rin si Sandro pero nakatulog na pala siya. Kinuha ko yung kumot ko sa kwarto, saka ko ito pinatong sa kanya para hindi ito malamigan.

Naisipan ko na lang magcellphone ulit sa sofa.. Di ko na malayan nakatulog na pala ako...

***

Bigla kong naramdaman na may nagpatong sa akin ng kumot..I know si Sandro ito kasi wala namang ibang tao sa condo niya pwera na lang kung si Olga to na kinumutan ako at saka niya ako ihulog sa bintana pero sa amoy pa lang kilala ko na dahil sa matapang na amoy. Para makasiguro ay binuksan ko konti ang kaliwang mata ko. Bago ko lang nga binuksan konti mata eh kinarga naman agad ako juskoooo!!!!Sandrooo naman ehhhh...

Pangalawang beses na to Sandro utang na loob! Kinakalimutan ko na feelings ko sayo pero eto ka gumagawa ng move..para manumbalik lahat uggghhh!!! Kakainis! Ayoko na sana eh nue ba yan.. Nanigas ako dahil don. Wala na talaga hulog na hulog na naman ako sayo..

Inilapag niya ako sa kama with care and gentleness charrr..hindi ko naman iniexpect na he would caress my face..anong ibig sabihin non????? Dahil rin sa kanya ay madali na lang yung pagkatulog ko.

***KINABUKASAN***

Nagising ako sa mabangong amoy, nakakagutom yung amoy. It means nagluluto si Sandro so marunong pala siya..bumangon na ako agad at inaayos ang sarili ko para lumabas ng kwarto. Paglabas ko di talaga ako nagkamali kasi nagluluto talaga si Sandro ng almusal.

"Good Morning Sky! Gising ka na pala..timing katatapos ko lang magluto..let's eat na." bati ni Sandro. Alam niyo yung para kaming nagbahay bahayan dito..

"Good morning din sayo.. pasensya na ikaw na tuloy nagluto" tugon ko. Lumapit siya saka niya ako pinaupo sa upuan ng dinning table.

"Ano ka ba.. it's okay kasi ako naman ang nagvolunteer kasi ikaw na nagluto yesterday eh..Kaya hayaan mo na ako. at saka pagkatapos natin kumain ay pupunta na tayo ng house of rep." sabi niya at siyempre tumango ako bilang sagot ko sa kanya.

Nung natapos na kami ng kain ay nag bihis at naghanda na ako para pumunta sa kongreso kasi may session itong si Sandro kaya kami nandito sa Manila for 3 days. Sa kabilang banda naman ay naisipan ko sanang puntahan mamaya yung bar na nakita ko sa internet where I saw Sandro's gf doing something that can hurt his feelings pero wag nalang. Ayaw ko munang banggitin to kay Sandro kasi gusto ko siya ang makakadiskubre nang ginagawa ni Olga kapag di sila magkasama.

Dalawampung minuto ang nakalipas ay nakabihis na ako...Ang suot ko ay pambabae kasi baka pagkamalan na naman akong lalaki ayaw ko nun kasi lalaki naman ang gusto ko hindi babae. Hahahaha! palabas ko nang kwarto ay di pa naka ready si Sandro kaya naghintay na lang ako sa living room.

Mayamaya pa ay lumabas na si Sandro...nung pagka labas niya ng kwarto niya ay napatitig ako sa kanya kasi first time ko siyang makita na naka suit and tie eh. Sobrang neat niya at ang gwapo na rin. Ang swerte ng isang Olga talaga eh kaso may topak tsss..

"Close your mouth, Sky. I know gwapo ako okay.." bulong niya.

"Huy di ako naka-nganga Sandro at saka di ka gwapo noh.." napakadefensive kong pakinggan tsss..siya kasi eh..

"..kasi sobrang gwapo ko.." pabiro niyang tugon at saka ako natawa.

"Hay nako..tara na baka male-late ka na.." dagdag ko. Tinulak ko na siya palabas ng condo kasi baka matraffic kami at malate pa siya..

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now