Chapter 14-My Heart Flutters For You

94 4 1
                                        

[Cloudy]

Parang nag eenjoy na yata si Ate sa Manila kasama si Sandro habang kami dito todo sunod sa mga utos ng mga amo.

Jusmiyo malelate na ako kasi naman di ako ginising ni Red tapos si Tox di rin maasahan na gisingin ako nakakainis kaya nagmamadali na ako..humanda ka sa akin Red..

Alam mo yung wala kang ayos,walang make up at di mo feel ang suot mo dahil sa pagmamadali tss.. Kakainis rin kasi sobrang gulo pa ng buhok ko kasi bigbike ang dala ko yung kay Papa kasi wala pa akong sariling kotse pero soon magkakakotse rin ako sa sarili kong sikap.

Pagdating ko ay nakita ko si Red at si Tox. Nagtaka ako bakit dito siya dumerecho.

"Mahangin ba sa labas Cloudy???" asar sa akin ni Tox. "Agnas mo rin" dagdag pa niya. Dahil sa inis ko siniko ko siya.

"Bakit di niyo ako ginising ha?! Ang pangit ko!!di ko feel magtrabaho eh ughhh!" inis na sambit ko sa dalawa. Sina Champ at Eys chill lang kasi don sila kina Ma'am Irene. Doon kasi secluded sila very very private talaga. Eh itong sa puder nila Matty very public since pulitiko sila ng mommy niya tapos yung isang kuya niya is a well known businessman and a model then ang pangalawang kuya niya ay sikat na abogado.

"Ginising ka namin ghorl halos ibalibag kana namin ni Red eh tulog mantika ka pa rin.." sagot ni Tox.

"Oo nga siguro kung nandito ate mo baka binuhusan ka na ng malamig na tubig gaya dati hahahahaha." sabat naman ni Red.

Totoo ang sinasabi ni Red kasi one time nag inuman kami nila Tox tapos sobrang lasing ko kasi nga heartbroken 💔 ako nung time na yon tapos may work pagkabukas edi ang ending binuhusan ako ni ate ng tubig na malamig na galing sa ref tapos napagalitan pa ako ni Ate Sky noon. Buti na lang talaga wala siya baka maulit uli yun tsss..

"Ay ewan ko sa inyo parang di tayo magkatropa eh." usal ko sa dalawa. Mayamaya pa ay lumabas na si Matty.

"Mabuti dumating ka na Ms. Cloudynn Amari Ramirez..." sabi nito at napatuwid ako ng tayo sa harap niya. "...but you're late! And why are you late? Care to explain?" doon talaga ako biglang kinabahan kasi medyo seryoso siya bahala na si batman.

"Sorry Gov I overslept." sagot ko.

"Uhmmm..next time please don't be late..since nalate ka today you need to come with me and we'll do field work as your punishment. Tox, stay here si Cloudy na muna ang maaassign sa akin." sabi ni Matty tapos itong si Tox todo asar sa akin.

After non ay aalis na kami papuntang kapitolyo pero sasakay kami sa sasakyan niya. Habang nasa sasakyan kami ay pasimple akong nag-aayos ng buhok pero may kulang eh kasi di man lang ako nakadala ng powder tsss..pagkapa ko sa bulsa ko may liptint pala buti na lang para hindi tayo maputla lalo na nasa labas tayo ngayon.

"Cloudy, I like you be-" sabi Matty na ikinabigla ko at nagreact ako agad.

"Ano?! You like me?????" gulat na tanong ko.

"Let me finish my sentence di yung react ka agad tsss.." tugon niya. "I like you being simple than putting too much make up on your face..yun yon, Cloudy tsss.." dugtong niya at napahiya ako doon ahh..wag kasing assuming Cloudy.

"Ay sorry..hehehe..pasensya na assuming ako." sagot ko.

"Tssss.." yun lang ang reaksyon niya..haaaaysss..

----

Kapitolyo ng Ilocos Norte,
Laoag City

Pagdating ng kapitolyo ay agad na akong tumulong sa mga Staff para hakutin ang mga kahon kahon na supplies..

"Nako Ma'am kami na po kasi mabigat tong mga kahon.." sabi nung isang lalaki na staff ni Matty pero I insist.

"I insist. I can handle naman po kahit babae ako I can carry this." tugon ko at nagulat sila dahil hindi bakas sa mukha ko na nabibigatan.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now