Chapter 16-Operation We Find Ways

63 7 0
                                        

[Cloudy]

Ngayong araw na ang pagbabalik nila Ate at Sandro. Wala masyadong ganap ngayon pero may family lunch dito kina Matty kasi bumalik na naman dito si Tita Imee.

Kahit walang masyadong gawa ay tumulong kaming magtropa na mag-ayos ng lamesa para sa lunch gathering nila. Well, kami sinasali nila kahit di naman kami pamilya nila ganyan sila kabait.

"Cloudy di ba ngayon ang balik nila Sky?" tanong sa akin ni Eys habang nagpupunas kami ng mga upuan.

"Oo, for sure sobrang saya ni Ate kasi di naman niya tayo ina-update." sagot ko. Naputol ang chikahan namin ni Eys nung biglang dumating si Matty kasama yung isa niyang Kuya na first time kong ma-meet.

"Sipag niyo ha..Lalo kana Cloudy. Sana sa attendance mo ay sipagan mo ring di ma-late." sabi sa amin ni Eys at tinawanan ba naman ako Eys. tsss mamaya ka lang.

"Tsss.." sambit ko.

"Siya nga pala Cloudy, this is my second older brother Atty.Mikee Manotoc and his wife Cara." pakilala niya sa kapatid niya at sa sis in law niya.. Ang tanong? bakit niya pinapakilala sa akin to??? hmmmmm..

"Hehehe.. Nice to meet you po attorney and Ms.Cara. Ako po si Cloudy.." tugon ko at nakipagkamay na rin sa kanila as a sign of respect.

"Oh Hi Cloudy don't be so formal just call me Kuya Mikee okay? , I heard so much about you kasi itong si Matthew lagi ka niyang binabanggit sa amin ni Cara." wika ni Atty.Mikee.

"Hey, just call me Ate Cara. I heard also na you are the younger sister of Sandro's childhood sweetheart, Sky. Ang pretty mo naman Cloudy..Let's bond some time ha.." singit ni Ms. Cara. Ngumiti ako saka ako tumango sa kanilang dalawa.

Mayamaya pa ay biglang dumating si Tita Imee karga karga niya ang isang bata parang apo niya yata kay Kuya Mikee at Ate Cara.

"Ohhh..Mabuti pinakilala mo na si Cloudy dito sa kuya mo, Matt.. Of course ipakilala mo rin sa ibang kasamahan ni Cloudy si Attorney at Cara." sabi ni Tita Imee.

Bumalik ako agad sa ginagawa kong pagpupunas at nag aarrange ng upuan nang may bigla kumalabit sa akin na napaka cute na baby boy na nasa 2 or 3 years old.

"Acheeee.. where's didi, mimi?" kahit di klaro yung words niya ay naiintindihan ko kasi mahilig akong makinig sa mga boses ng mga baby hahaha..

"Your mommy and daddy is there.. You want that Tita Cloudy carry you?" tugon ko at dahil sa mala-baby kong salita ay pumayag itong kargahin siya.

Nung nakita na namin sila Ate Cara sa living room ay nagulat ito na nagpakarga ito sa akin. Sa kabilang banda ay ang mga tropa ko ay inaasar na na naman ako.

"Hoy Cloudy, buti lumapit sayo yang bata.." natatawang sabi ni Red.

"Sign na yata na magkababy na siya OMG!" singit ni Champ.

"Eh wala pa ngang boyfriend ANAK kaagad Champ.. Hanapan mo na lang." dagdag ni ni Tox at sinamaan ko sila ng tingin.

Binigay ko na kay Ate Cara yung anak niya, ayaw pa sana bumitaw eh..kaya nung nabigay ko na ang bata nakatikim talaga sa akin tong mga unggoy na to.

"Mga SIRAULO kayo! tssss..asarin niyo pa ako isusumbong ko kayo kay Ate!!"  sabi ko.

Tinawanan na lang ako ng mga kapamilya ni Matty, nahiya tuloy ako jusko lupa lamunin mo na ako.

-----

Alas diyes pa lang ng umaga ay dumating na si Sandro pero bakit ganon di niya kasama si Ate tapos ilang saglit lang ay nakita ko si OLGA na nakahawak sa braso ni Sandro na parang tarsier pero hindi cute.

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyWhere stories live. Discover now