Final Hearing for Loverein Cabeza
[Sandro]
"Bakit walang abogadong dumating para kay Sky???" tanong ko.
"Oo nga wala bang lakas ng loob ang mga abogado dito.. kung pwede lang sana na ako ang maging abogado ni Sky kanina pa ako jan.." sabi naman ni Kuya Mike. Di sana uuwi dito sila Kuya Mike at Ate Cara pero nabalitaan nila ang nangyari kumaripas sila pauwi ni Ilocos Norte.
"Kamusta si Simon? di ba siya pupunta sa hearing?" singit naman ni Ate Cara.
"Nako Ate Cara.. Imposibleng pupunta yun dito kasi di pa siya naka move on sa nangyari kay Love at ng anak nila." sagot naman ni Vinny.
Mayamaya pa ay dumating na ang investigation team nila Cloudy. Nagsimula na rin ang hearing. Nasasabik na rin akong makita si Sky kasi never ko na siyang nakita after siyang kinuha dahil hinaharangan ako ng mga pulis which is very fishy.
Ang sumunod na nangyari ay pinapasok na si Sky at ang laking gulat namin sa nakita namin kasi halos di ko na makilala ang girlfriend ko kasi sobrang payat niya at ang dami niyang pasa sa katawan tapos putok ang mga labi.
"JUSKO! Anak! pinakain ka ba ng humahawak sayong pulis?!!!!" napalingon kami at nakita namin ang mama ni Sky.
"Mama bakit pa kayo pumunta dito? Kaya naman naming ipagtanggol si Ate Sky." sabi naman ni Cloudy sa mama nila.
"Nag-aalala lang talaga ako di ako makatulog ng maayos. Pati papa niyo di mapakali kaso busy siya ako na ang sumugod dito anak." sagot naman nito. Pero kahit narinig at nakita niya mama niya di pa rin umimik si Sky.
"Tita, dito na po kayo umupo." sabi ko sa kanya at ngumiti ito.
"Sandro, hindi magagawa ni Sky ang pumatay..kilala mo naman si Sky..Sana di magbago ang nararamdaman mo sa kanya. Ikaw na lang ang tanging taong nagmamahal sa kanya ng tunay hindi lang galing sa amin na pamilya niya." sambit nito at hinawakan ang mga kamay ko.
"Tita wag ka mag-aalala di mawawala ang pagmamahal ko sa anak niyo at nandito lang ako para suportahan siya sa laban niya."
----
"Magsisimula na ang hearing dadating pa ba ang abogado ng nasasakdal?" tanong ng judge.
Sumenyas ako kay Cloudy kasi wala pa yung abogado na sinasabi niya.
"I just received a message from Atty. Huertas na abogado ni Ms. Ramirez na magwiwithdraw na siya bilang abogado nito.
"What?!!!" reaksyon naming lahat.. ngayon pa! nilingon ko si Sky at nakita ko siyang tumatawa.
"Tss.. this is truly unfair. ang bulok ng sistema dito sa Pilipinas well maybe someone will drop a time bomb.." bigla itong nagsalita.
Napatigil kami nang may biglang bumukas ng pinto ng hall at may nakita kaming papasok na isang lalaki.. Nagulat din ako kasi kamukhang kamukha sila ni Sky pero lalaki ito.
"Gosh! Skylar your radar is still really powerful.. Well the time bomb has arrived." sabi nito habang papalapit ito sa gawi ni Sky.
"Good day Judge! I'll be representing the defendant. I am Atty. Jayden Apollo Santillan. Please let's start the hearing." pakilala nito at nakaramdam kami ng gaan ng loob.
"Sandro, he is the 'time bomb' lawyer and he's my nephew. Sila ni Sky ang pinagbiyak na bunga pero di sila magkapatid. Anak ito ng kapatid kong bunso pero magkasing edad lang sila ni Sky. For sure he can win this case." kwento sa akin ng mama ni Sky. Well I think he'll win.
[Skylar]
Sobrang lupit ng pinagdaanan ko dito. Muntik pa nila akong pagsamantalahan pero lumaban ako. Di ako binuhay para babuyin lang halos di ko na mabilang ang mga pangigipit sa akin ng mga pulis dito na sa katagalan ay nalaman ko rin ay sugo rin pala nila Heracles at Olga.

YOU ARE READING
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...