Chapter 37-Truth About The Lost Memory

61 5 2
                                        

[Skylar]

Ito na yung araw na haharapin ko na sila Mama at Papa tungkol kay Stellar di ko alam kung paano sila magrereact sa mga sasabihin ko mamaya.

"Sky..magiging okay ang lahat tiwala lang." tapik sa akin ni Tox.

"Yes..pero sa ngayon I want that this day will be memorable for my lovely sister." sagot ko at ngumiti na lang..

----

"Ready na ba si Cloudy???" tanong ko at natulala lang sila Champ, Eys at Tox sa akin..

For sure nanibago sila kasi ibang kulay yung suot ko eh..nasanay sila na navy blue or itim ang sinusuot ko..kasi I chose to wear free flowing white dress.

kasi I chose to wear free flowing white dress

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Who you po?" nagulat naman ako..mga siraulo talaga noh..inaasar pa nila ako tsss..edi sakyan natin yan.

"Ako lang to..si Skylar na mahal na mahal kayo.." sambit ko. Nagsitawanan naman sila.

"Ito na ba yung di kinakausap ng boyfriend niya..looser siya eh keganda gandang dalaging ding to-" singit ni Red. Ang corny talaga netong si Red.

"Ay beh sino ka jan??? Ang ganda first time kitang nakitang nakaputi..anghel anghelan ba yan?.." wika ni Lulou na ang ganda rin sa pink floral dress niya.

Mayamaya rin ay nakaready na ang lahat. Ang parents namin nasa main hall na kasi napapanood ko naman sa surveillance camera. Sunod sunod na rin ang pagdating iilang guests ni Cloudy from her nursing school.

30 minutes before the party ay dumating na rin sila Sandro at Simon kasama ang parents nila pati na rin ang ibang miyembro ng Marcos Clan.

"Kumpleto na po..pwede na po kayo magsimula.." instruct ko sa organizer..

"Okay po..ready na lang po kayo for the entrance.." sabi nito.

.
.
.

"Anak thank you for giving your sister a memorable birthday.." bulong sa akin ni Mama habang naghihintay sa entrance ni Cloudy.

"This is what I can give her Ma..Alam niyo naman kahit may mga bagay na di kami magkaintindihan ay mahal ko yon." sagot ko and she gave me a meaningful smile.

Oo, noon galit ako kay Mama dahil sa akin niya lahat ibuntong ang sisi kung may masamang mangyayari kay Cloudy pero nagkapatawaran naman pero dahil sa mga nalaman ko maybe okay lang naman na magalit ako ng konti dahil madami silang tinatago sa akin. Lalo na sa kakambal kong si Stellar na hinding hindi na namin makakasama pa.

"Good evening everyone! This is your host, Manica amd welcome to Cloudynn Amari's Cloudiest Birthday. "

Nagsalita na ang host at nagsignal na sila sa amin na nasa pinto na si Cloudy kaya ready na kami sa pagsalubong sa kanya.

"I think Ms. Cloudy is ready to enter.. So everyone help me welcome, Ms. Cloudynn Amari Ramirez together with her parents Dr. And Dra. Miguel Amari Ramirez also with her loving sister Ms. Skylar Amari Ramirez."

Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon