[Skylar]
Nagising ako sa ingay sa baba at nakalimutan kong may kasama na pala ako dito sa Solsona. Nadagdagan ng limang asungot.
Napabalikwas ako ng bangon kasi pagtigin ko sa phone ko ay mag alas siete na pala ng umaga tapos dapat before 8 nandoon na ako sa mansyon nila Sandro.
"Hoy mga siraulo kayo bakit di niyo ako ginising! Sarap buhay niyo ha wala kayong concern sa akin.." sabi ko habang kumakain sila ng almusal at nakabihis na.
"Ate naman ginising kaya kita since makatabi tayong natulog tsss.. Tama na ang sermon gumalaw ka na para makahabol ka sa amin.
Padabog na akong bumalik ng kwarto para makahabol sa kanila.ayoko nang maiinis kasi 1st day ko sa trabaho eh , first day naming lahat sa bagong trabaho.
Nung nakaligo na ako ay nagbihis na ako. Wala naman kaming uniporme so ang suot ko ay yung kumportable ako pero disente pa rin tingnan.
beige halter top, black tattered jeans, red printed cardigan, white sneakers and my nike black cap ang suot ko.
"Ready na ako.. Let's go.." Sabi ko nung pagbaba ko. Di na ako nag almusal kasi dinala ko na lang sa sasakyan ko. Kanya kanya na kami since si Cloudy ay ginamit niya yung big bike ni Papa then si Rambo yung akin. The rest of the te kanya kanyang sasakyan at motor.
"Di ka na kakain ng almusal teh?" tanong sa akin ni Cloudy nung papalabas na kami.
"Hindi na kakain na lang ako sa sasakyan ko. Ingat kayo sa pagdadrive.." sagot ko at tumango tango sila lahat sa akin.
"Be inspire always sissy hahahaha.." singit pa ni Cloudy.. Tssss..
"Ikaw din. Balitaan mo ako kung kayo na! Byeeee!" dagdag ko saka ko sinara ang bintana ng kotse ko.. Hahahah! G na G talaga siya lol.
----
Nung malapit na ako sa bahay nila Sandro ay sakto lumabas na yung sasakyan niya. Pero bigla lang itong tumigil kaya bumaba ako saka ko nilapitan.
"Kuya Lando ano po problema sa sasakyan?" tanong ko.
"Good Morning po Ma'am Sky. Di ko nga po alam eh..baka kailangan na itong ipaayos eh tapos walang available na sasakyan kasi ginamit na nila Sir Vinny at Sir Simon." tugon ni Kuya Lando.
Kaya nagvolunteer na lang ako kasi kotse naman dala ko so convenient naman doon sumakay.
"I got your back Kuya Sands. Dala ko ang kotse ko pwede ako na lang magdadrive kay Cong Sandro. " offer ko eh di ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko jusmiyo.
"Talaga?! Sige sasabihan ko si Cong. Sandro." sabi niya. Pero sabi ko sa kanya ako na ang kakausap sa kanya.
***
"Good Morning po Congressman. Sa tingin ko di na aabot tong sasakyan mo sa opisina niyo kaya sumabay na po kayo sa akin." bati ko sa kanya nung pagbukas ko ng pinto.
"Okay lang ba sayo? Pasensya na talaga.." sabi niya. Ewan ko ba kay Sandro laging sorry ng sorry tsss..
"Oo okay lang amo naman kita eh.. So walang problema." tugon ko.
Buti na lang napapayag ko naman siya na sumakay na lang sa akin kesa naman male-late siya sa work. Mabait naman ako noh since boss ko siya at bodyguard din niya naman ako so okay lang.
Nung nakasakay na ako at nagseatbelt, akala ko sa frontseat siya pero nasa likod siya eh di ako sanay na may kasama ako tapos sa likod naka-upo ano ako driver niya well all around naman siguro trabaho ko pero uncomfortable ako.
"Jan ka talaga uupo Cong.Sandro? Sure ka na jan..? Tumabi ka na lang kaya sa akin para di naman ako magmukhang driver niyo." sabi ko at natawa siya.
"Ayy..sorry sige lilipat na lang ako.." tugon nito at lumipat na siya agad sa tabi ko.

CZYTASZ
Hey! Sharpshooter: Extremely Fearless Sky
FanfictionSky ay isang Special Police sa Philippine Crime & Investigation Agency (PCIA). She is a member of a family of doctors but she chose not to be one of them, she has a younger sister who also follows her footsteps. However, she never allows her to fol...