chapter 3

753 35 0
                                    

ALESXIA

1 month na akong nananatili dito at dahil dun ay mas napalapit ako kay mama helen. Napalapit na rin ako kay veron at vreos, dahil lagi nila akong pinupuntahan dito sa kwarto ko.

Minsan, nag aaway pa sila kung sino magluluto ng pagkain ko, sino ang maghuhugas ng pinagkainan ko at sino ang maglalaba ng mga damit ko

Maayos na ang pakiramdam ko ngayon pero hindi parin ako pinapayagang tumulong sa mga gawaing bahay dito

Masyado nila akong inispoiled, kung minsan hindi ko maiwasang magtaka kung sino ba talaga nagm-may ari ng bahay na 'to eh

"Ang ganda mo sa suot mong damit, ales." napatingin ako kay vreos na siyang nags-suklay ng buhok ko

Ngumiti ako habang tinitignan ang repleksyon namin dalawa sa salamin "Salamat, vreos. Super gwapo mo rin sa suot mo." Nakasuot kasi ito ng tuxedo

Nag aayos kami ngayon dahil may salo-salong magaganap sa bahay ni mama helen. Nakapagpatayo na kasi sila ng isa pang restaurant kaya naisipan nilang maghanda. Ayaw ko sanang sumali pero pinilit nila ako, kaya ito ako ngayon sinusuklayan ni vreos dahil nagpumilit itong suklayan ako

"Mukhang nagd-dalawang isip ako kung sasali ka ba sa salo-salo." Kita ko ang pagkabahala sa mukha niya habang inaayos ang buhok ko

"Huh? Bakit naman? Gusto mo bang manatili na lang ako dito sa kwarto?"

"Hindi naman sa ganun. Alam ko kasing maraming mabibighani sa ganda mo't baka may mambastos pa sa'yo dun." Nakakunot ang noong saad nito. Isa pa 'to, masyado silang overprotective sa'kin na halos ayaw nila akong magsuot ng shorts

"Vreos, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko hahayaang mabastos ako ng mga kalalakihan. Wala ka bang tiwala sa'kin?" Nakangiting saad ko habang nakatingin sa kaniya

Kung hindi niyo naiitanong basagbulera ako sa dati kong katawan. Lagi nga akong nasasangkot sa gulo nun.

Nagbuntong hininga ito saka pinisil ang ilong ko na ikinadaing ko "Sobrang laki ng tiwala ko sa'yo, ales. Pero sa mga lalaking 'yun, walang wala. Lalaki rin ako at alam ko ang pag iisip nila."

Tumayo ako saka umangkala sa kaniyang braso "asus, ang sabihin mo ayaw mo lang akong mapalapit sa kahit na sinong lalaki." Pagbibiro ko

"Ayun na nga. Ayokong may lumalapit sa'yong ibang lalaki, maliban sa'min ni kuya veron."

Napailing ako dahil sa pagiging overprotective niya. Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito at nakita namin si veron. Sobrang gwapo nito sa suot niyang tuxedo

"You look so beautiful in your dress, kitten." Nakangiting puri nito sa'kin saka ako nilapitan at hinalikan sa noo

Ayan na naman ang kitten niya. Mukha ba akong pusa?

"Thank you, veron. You look so handsome too." Puri ko rin pabalik sa kaniya

"Oh, bakit ka nandito kuya? Dapat nandun ka sa baba para kausapin ang mga bisita." Saad ni vreos na hinawakan ang kaliwang kamay ko saka ito hinalikan

"Gusto ko lang makita ang ating prinsesa. Naaalibadbaran rin ako sa mga mukha nila, lalo na ang mga babaeng anak ng iba nating business partner. Nilalandi lamang nila ako." Naiinis na saad ni veron kaya marahan kong tinapik tapik ang balikat nito

Ngumiti ito saka hinawakan ang kanan kong kamay saka ito hinalikan ng tatlong beses

Gusto nga talaga nilang magkaroon ng kapatid na babae kaya ganito sila kasweet sa'kin.

"Bumaba na tayo. Hinihintay na tayo ni mama panigurado." Sumang ayon kami sa sabi ni vreos

Tinanggal ko ang pagkakahawak nila sa kamay ko saka sila ang pinauna habang tinutulak sila sa likod. Wala silang nagawa kun'di ang hayaan ang pagtulak ko sa kanila

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon