Chapter 12

441 27 0
                                    

ALESXIA

Nandidito ako ngayon sa cafeteria ng school. Maaga akong nagisng kaya maaga rin akong pumasok. Kumakain ako ngayon ng burger dahil nagugutom pa ako at hindi ako nakuntento sa umagahan ko kanina sa bahay.

Nakatulala lang ako habang kumakain. Kakaunti pa lamang ang nandidito sa school dahil maaga nga

Nang matapos ay pumunta ako sa garden ng school para umidlip. Sobrang presko ng simoy ng hangin at napapagaan nito ang aking pakiramdam

May nakita akong isang lalaking nakasalamin at nagbabasa ng libro. Kung tawagin nila ay nerd kuno.

Nilapitan ko ito at mukhang naramdaman niya ang presensiya ko kaya napatingin ito sa'kin.

Natigilan ako nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Ang mukha niya. Kamukhang kamukha niya siya

Nanlaki ang mata nito at bahagya pa itong natumba pero agad agad naman itong tumayo ng maayos

Nagtaka sa naging reaksyon nito "Okay ka... lang?"

Nakita ko ang paglikot ng mga mata nito at parang iniiwasang mapatingin sa aking mata. Bahagya akong lumapit rito pero nagulat ako ng bigla itong umatras saka lumuhod

"S-Sorry... a-akala ko kasi a-ano... a-akala ko walang pupunta d-dito. H-Hindi ko s-sinasadyang upuan ang iyong b-bench--" agad kong pinutol ang sasabihin niya

"Hindi, hindi, pwede ka namang umupo d'yan o manatili dito eh. Bakit kaba natatakot? Wala akong gagawing masama sa'yo." Nalilito man ay agad ko parin siyang nilapitan saka tinulungang tumayo

"A-Akala k-ko kasi m-magagalit ka..." nakayuko nitong saad at ramdam ko parin ang takot sa boses niya

"Bakit ako magagalit? Hindi ko naman pag aari ang mga 'to kaya wala akong karapatang magalit." May pagkalambing kong saad para ipaalam sa kaniya na hindi ko siya sasaktan

"S-Sorry, b-baka n-nadumihan ko ang bench.. pasensiya na talaga" nakayukong saad parin nito at ramdam ko namang huminahon na siya

Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang baba niya at itinaas ko ito para magtama ang paningin namin

"Huwag kang humingi ng sorry. Wala kang nagawang masama, hmm?" Nakangiting saad ko

Nakita ko ang gulat nito sa ginawa ko at bahagya pang napapalunok "S-Sorry--" inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig niya na ikinatigil niya na siyang ikinangiti ko

Cute.

"Shh, stop saying sorry." Bahagya siyang napakurap kurap. Napalunok pa ito bago tumango tango. Binaba ko na ang kamay ko saka lumayo sa kaniya "Anong pangalan mo?"

Parang nag aalangan pa ito kung sasabihin niya ba o hindi na ikinangiti ko

Pumunta ako sa bench saka umupo dun. Tinapik ko ang upuan at sinesenyasan siyang umupo sa tabi ko

Agad naman itong umupo sa tabi ko saka kinuha ang librong nahulog kanina nung matumba siya

"Keanu Kale Wixx ang aking pangalan." Mahina nitong saad na parang bulong nalang pero narinig ko naman

Napaiwas ako ng tingin nang makita ang pamumula ng pisnge nito

Aish! Baka hindi ko mapigilan ang sarili't pisilin ko ang cute niya pisnge!

"Bagay sa'yo ang pangalan mo." Nakangiting saad ko. Mas lalong siyang namula na ikinangisi ko "I'm Alesxia Elise Versoro, masaya akong makilala ka, keanu." Ngiting pakilala ko naman saka inilahad ang aking kamay sa harap niya

Natataranta niya namang pinunasan muna ang kaniyang kamay sa kaniyang damit bago tinanggap ang kamay ko

Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagbungisngis dahil sa kakyutan niya

Aish! He's so cute!

"Bakit kailan mo pang punasan kamay mo?"

"A-Ano k-kasi namamawis ang k-kamay ko at b-baka ayaw mo ng p-pawisan..." bahagya siyang ngumuso na ikinabungingis ko

"'Wag kang mag alala. Hindi naman ako ganun kaarte tulad ng ibang babae saka friends na tayo diba?" nakangiting saad ko

Napaangat ito ng tingin na nanlalaki ang mata "e-eh?"

"Friends na tayo! Wala kanang magagawa dun." Makulit kong saad saka mas tumabi pa sa kaniya saka tinignan ang hawak niyang libro "Anong libro 'to?"

Napakamot naman ito sa noo saka hinarap sa'kin ang librong hawak niya

"A-About sa school lang. W-Wala kasi akong magawa eh at maaga akong pumasok dito para hindi makasalubong ang mga bullies ng school..." Napangiti ako nang makitang nagiging komportable narin ito sa'kin pero napakunot rin ang noo ko sa sinabi niya

Kahit pala dito may mga bully rin? Aish!

"May mga bullies dito? Kaya ba takot na takot ka sa'kin kanina dahil iniisip mong ib-bully kita?" Nakita ko naman ang pagtango nito sa napayuko "So, ibig sabihin binubully ka rito?"

Tanga! Kaya nga takot, alesxia!

"Oo. Hindi daw kasi kami nababagay dito dahil basura lang daw ang mga katulad ko. Dahil pangit daw ako at pangit daw ang pananamit ko." Malungkot nitong saad

Bigla akong napakuyom ng kamao at parang gusto kong sugudin yung mga taong nambully kay keanu

Aish! Sa cute ni keanu binubully siya ng mga walang kwentang tao?!

"Ang kapal naman ng mga mukha nila?! Kung tutuusin nga eh ang gwapo gwapo mo!" Inis kong saad habang masama ang tingin sa kawalan

Totoo ang sinabi ko, dahil kahit na may malaking salamin siyang suot ay makikita mo parin ang kagwapohan nito. Makinis rin ang balat nito at maputi. May mapulang labi at kita ko rin ang perpektong hugis ng jawline at matangkad rin siya

Tumingin ako sa kaniya at ganun nalang ang pagtataka ko nang makitang namumula siya

"Okay ka lang? Ba't ka namumula?" Tanong ko saka kinapa ang kaniyang noo

Yumuko ito saka nagsalita "K-Kasi... hindi ako sanay na may taong kinocomplement ako"

"Eh? Seryoso? Sa gwapo mong 'yan?"

"W-Wala naman kasi akong kaibigan dito dahil hindi daw nila ako gusto..."

"Ang bobo naman nila kung ganun." Napaangat ito ng tingin at nanlalaki pa ang mata "Bulag lang siguro sila"

"N-Nagmumura ka?" Gulat nitong tanong kaya napataas ako kilay

"Bakit bawal?"

"H-Hindi naman sa ganun... a-akala ko kasi hindi ka nagmumura. Nakakagulat lang." Mas lalo akong napataas ng kilay dahil sa sinabi nito

Ang weird nito. Buti nalang cute ka.

"Masanay kana kung ganun." Nakangising kong saad saka siya inakbayan na ikinagulat niya

May bago na naman akong kaibigan!

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now