"{Kitten...}" Rinig kong saad ni veron sa kabilang linya
Pagkagising na pagkagising ko ay tawag agad ni veron ang bumungad sa'kin
Nakayakap parin sa'kin si keanu at dahil sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi ako makaalis
Kaya ko namang makawala mula sa pagkakayakap niya pero natatakot akong masaktan siya dahil may mga sugat parin siya sa katawan
"Veron, may problema ba?" Tanong ko habang nakatingin sa maamong mukha ni keanu
Wala akong narinig na respond galing kay veron kaya tinignan ko ang cellphone ko kung hindi ba namatay ang tawag
Nagtaka ako nang makitang hindi pa naman patay
"Veron?"
"Veron, nandiyan kapa ba?"
"Veron?!"
Napabuntong hininga ako nang wala akong narinig na sagot mula rito
Ano bang problema nito?
"Veron?" Malambing kong saad. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya
"Hmm." Napatingin ako kay keanu nang bigla itong umungol saka mas lalong humigpit ang yakap nito sa'kin
"{Who's with you?}" Rinig kong saad ni veron
Nanlaki ang mata ko at pinipilit na 'wag mataranta dahil baka marinig ni veron o baka mahawakan ko ang sugat ni keanu
Hindi nila pwedeng malaman na may kasama akong lalaki! Lalo na't katabi ko pa sa kama! Siguradong pupunta sila dito at malalaman nila ang nangyari. Ayokong malaman nila ang kakayahan kong lumaban. Baka mag iba ang tingin nila sa'kin.
Katulad ng ginawa niya.
"H-Huh? W-Wala naman ah? Mag-isa lang ako sa kwarto 'no!" Mabilis kong saad at napatakip pa ako sa bibig ko nang mapalakas ang boses ko
'Wag kang tanga, ales! Nagiging obvious ka, bobo!
"{I heard something.}" Saad naman ni veron
"Ako lang nandito!"
"{Nagmukha kang indenial, tsk. Stop lying to me.}" Mahihimagan ang inis sa boses nito
"Oh, come on, my daddy veron. Wala nga akong kasama. Ako lang ang nandito." Pinakalma ko ang sarili ko para hindi niya mahalata
"{W-What...}" Parang natigilan ito at bahagya rin itong nautal
"Huh?" Nagtatakang saad ko
"{I-It's nothing. K-Kumain kana ba?}" Tanong nito na ikinangiti ko
"Hindi pa po. How about you? Nasa trabaho kana ba?" Nakahinga ako ng maluwag nang ibahin ni veron ang topic
"{I'm done. Eat now. Yes, nandito na ako. }" Sagot nito
Napangiti ako nang hindi na humigpit ang yakap sa'kin ni keanu kaya nakaalis ako at bumangon
"Ang aga mo namang pumasok. Nung nakaraang araw hindi ka umuwi. Inaalagaan mo ba parin ba ang sarili mo, veron?" Inayos ko ang pagkakakumot kay keanu habang hawak ang phone kausap si veron
Bahagya kong inalayo ang phone saka hinalikan sa noo si keanu at ibinalik rin ito agad para marinig ang sagot ni veron
"{Yes.}" Maikling saad nito
"Talaga lang ha? Kapag nakauwi ako sa bahay, gusto mo imassage kita? Para naman makapag relax ka." Isinuot ko ang tsinelas ko saka lumabas ng kwarto
"{R-Really?}" Napatawa ako nang marinig ko ang excited na boses ni veron
![](https://img.wattpad.com/cover/320058311-288-k169483.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Science FictionIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...