ALESXIA
1 week na ang nakakalipas at nasa kwarto ako ngayon. Sobra akong nasayahan kasama si crisiana, violet, at lalo na si caino
Masaya silang kasama dahil laging nag aasaran si crisiana at caino at minsan nga napapasali pa ako sa asaran nila dahil sa lakas ng trip ni caino at crisiana. Si violet naman ay tahimik lang pero minsan ay sumasabat din siya at nahuhuli ko rin ang palihim nitong pagtingin sa'kin
Nagc-cellphone lang ako dito sa kwarto nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako saka binuksan ang pinto
Nakita ko si veron na parang pagod na pagod at namumungay ang mata. Bigla ako nitong niyakap saka nagsalita
"How's your school? Nag enjoy kaba?" Paos nitong saad at mababakas ang pagod sa boses nito
"Oo naman, ilang beses munang tinatanong 'yan pagnakauwi ka dito ah." Nakangiting saad ko "Pagod na pagod ka ata? Magpahinga kana sa kwarto mo."
Humiwalay ito sa pagkakayakap saka nagsalita "Can i rest here?" Namumungay nitong tanong
Napakunot ang noo ko "Bakit dito pa? Magpahinga kana sa kwarto mo." Saad ko
"I want to rest here..." Saad nito at marahang ngumuso "With you." Dagdag pa nito na ikinataas ng kilay ko
"I'll be a goodboy, promise." Parang bata nitong saad saka itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa
Natawa ako saka nagbuntong hininga "Sige na nga. Halika na, pumasok kana." Pagpayag ko saka siya inayang pumasok sa loob ng kwarto ko
Hinalikan niya ako sa noo saka agad humiga sa aking kama. Susuwayin ko na sana pero kita kong nakapikit na ito dahil sa pagod kaya hinayaan ko nalang
Napailing ako dahil hindi niya pa tinatanggal ang sapatos niya kaya lumuhod ako para tanggalin ang suot nitong sapatos at inilagay ito sa gilid ng kama
Tinanggal ko rin ang suot nitong necktie para naman mas maging komportable itong matulog
Bigla namang may kumatok ulit sa pinto kaya wala akong nagawa at binuksan ulit ang pinto. Nakita ko si vreos na mukhang pagod rin
Bigla ako nitong hinalikan sa pisnge "Magandang gabi, ales." Pagod na saad nito
"Magandang gabi rin. Bakit parang ginabi ka ng uwi?" Tanong ko
"May naging lakad kasi kami ng mga kaibigan ko at gabi na kami nakauwi dahil hindi na namin namalayan ang oras." Namumungay na ang mga mata nito at napapahikab pa
"Ganun ba? Bakit ka nga pala nandito? Magpahinga kana sa kwarto mo at alam kong pagod na pagod ka." Saad ko
Bigla nitong pinulupot ang dalawang kamay nito sa aking bewang saka paos na nagsalita
"Hon, pwede bang dito nalang ako matulog?" Malambing nitong saad saka naramdaman ko pa ang bahagya nitong pagpisil sa bewang ko
"At bakit? May sarili ka namang kwarto ah?" Nakataas ang kilay ko habang sinasabi 'yun
"Gusto kitang katabi eh." Nakanguso nitong saad
"Nandito rin si veron at pati ikaw makikitulog narin sa kwarto ko. Bakit ba kasi dito niyo gustong matulog?"
"Nandito si kuya?" Tanong nito
"Kakasabi ko lang diba?" Mataray kong saad kaya napanguso ito "Natutulog siya ngayon sa kama ko."
"Sige na kasi, pumayag kana." Nakangusong pangungulit nito saka pinipisil ng mahina ang bewang ko
"Huwag mo nga pisilin bewang ko!" Saway ko sa kaniya
"Pumayag ka muna." Makulit nitong saad
"Oo na. Oo na. Pumasok kana nga dito." Pagpayag ko saka siya pinapasok sa loob ng kwarto ko
Tinulungan ko siyang ihubad ang blazer niya at isinabit ito sa sabitan ng mga jacket ko. Umupo ito sa kama ko saka itinanggal ang suot nitong sapatos at inilagay din sa tabi ng sapatos ni veron. Tinanggal niya rin ang suot niyang necktie kaya kinuha ko ito sa kaniya at isinampay
Humiga ito sa kama ko "Hindi ka pa ba napapagod?" Pagod at nakapikit nitong tanong habang komportableng nakahiga sa kama ko. Malaki naman ang kama ko at kahit apat na tao ay magkakasya dun
"Hindi pa naman. Kayo na muna ang magpahinga, may tinitignan pa ako sa cellphone ko." Saad ko saka pumunta sa study table
"Sino?"
"About lang sa school ko. Makasino ka d'yan."
"Mabuti hmm..."
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagtuonan ng pansin ang hawak kong cellphone
Maya maya lang rin ay biglang may kumatok kaya dali dali akong tumayo mula sa pagkakaupo saka binuksan ang pinto. Nakita ko si mama helen
"Iha, nakita mo ba si veron at vreos? Hindi ko pa kasi nakita ang dalawang makauwi dito sa bahay eh." Nag aalalang tanong ni mama helen
Napatampal ako ng noo "Mama helen, nandito lang po yung dalawa sa kwarto ko. Pagod 'tong dalawang 'to kaya nakatulog sa kama."
Napahinga naman ng maluwag si mama helen "Eh bakit ba nandiyan yang mga 'yan? Napakapasaway talaga't ginambala kapa."
"Gusto daw po nilang makatabi ako matulog eh." Kamot ulong saad ko
Napailing si mama helen saka ngumisi pero napalitan din ng ngiti nang makita akong nakatingin sa kaniya "Mga kabataan nga naman ngayon"
"Po?"
"Wala, iha. Nakakain kana ba?"
"Opo, ma. Ikaw po ba?" Tanong ko
"Kumain na ako sa bahay ng aking amiga. Mag pahinga kana rin at alam kong pagod ka rin." Nakangiting saad ni mama kaya tumango ako
"Opo, mama. Good night. I love you, ma." Saad ko saka siya hinalikan sa pisnge
"Sige, anak." Saad ni mama helen saka ako hinalikan pabalik sa pisnge at nagpaalam na pupunta na nang kwarto
Isinara ko ang pinto nang makaalis na si mama helen. Akmang pupunta ako pabalik ng study table nang makita ko si veron at vreos na magkayakap
Natawa ako dahil kahit tulog parang may kaaway itong si veron dahil sa nakakunot ang noo nito habang si vreos naman ay komportableng nakayakap sa kuya niya
Para tuloy silang bata
Lumapit ako sa kama para ayusin ang pagkakakumot sa kanila dahil nakababa ang kumot at tanging paa lang nila ang nakukumutan
Akmang iaayos ko ang pagkakakumot sa dalawa ay bigla akong hinila ni vreos kaya napahiga ako sa kanilang gitna
Tangina, hindi ako naging ready dun
"Sleep now, kitten." Bulong ni veron sa aking tenga
Nakaharap ako kay vreos ngayon habang nakatalikod naman ako kay veron at unan unan ko ang braso nito
"Tulog na, hon." Bulong naman ni vreos habang nakapikit
"Mamaya--" Hindi na tapos ang sasabihin ko nang biglang inilagay ni vreos ang hintuturo niya sa labi ko
"Shh, tulog na. Huwag nang matigas ang ulo, hmm." Malambing nitong saad saka mas lumapit sa'kin
Naramdaman ko rin ang pagyakap ni veron sa'kin mula sa likod "Sleep, kitten." Bulong ulit ni veron sa aking tenga na ikinataas ng mga balahibo ko
Wala na akong magawa kundi ang matulog nalang habang yakap yakap ako ng dalawang animal na katabi ko dito sa aking kama
Good night.
आप पढ़ रहे हैं
Reincarenated In Another World
कल्पित विज्ञानIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...