chapter 25

317 15 7
                                    

ALESXIA ELISE

"Ang ganda ng panahon ngayon ah." Hirit ng isang tarantadong tipaklong

"Ang ganda nga! Dami ring chix dito!" Hirit ng isa pang tarantadong tipaklong na babaero

"Ang sariwa ng hangin rito, right, ellias?" Hirit pa ng isa pang tipaklong

"Yeah." Saad naman ng isa pa

"Ano na naman bang  ginagawa niyo rito? Ang aga aga nang bubulabog kayo!" Napahikab ako habang inaantok at masamang nakatingin sa kanila

"Ang aga aga ang sungit mo kamo." Nakangiting saad ni Zeken kaya mas lalo lang sumama ang tingin ko sa kaniya

"Tumahimik kang depungal ka! Umalis ka nga sa harapan ko, nandidilim paningin ko sa'yo." Inis kong singhal

Agad naman siyang hinila ni maze at itinago sa likod niya na para bang ayaw niyang masaktan ang kaibigan niyang baliw  na tumawa ngayon

"Bakit ba mukha kang sabog?" Tanong naman ni Maze  na ikinasama lalo ng timpla ko at akmang hahablutin ko siya ng ilayo siya ni maximus sa'kin

Mas lalo lang akong sumimangot saka dinukdok ang mukha sa lamesa. Nandito kami sa isang tambayan. Nasa loob parin 'to ng school.

"Bakit kaba kasi nagpuyat?" Rinig kong tanong ni maximus sa'kin  at may naramdaman ako na parang tinatali ang buhok ko

Hindi ko iyon pinansin habang nakadukdok parin at nakapikit "Hmm, review." Sagot ko

"Here, drink this." Napaangat ako ng tingin at nakatingin ako sa tubig na inabot sa'kin  ni Ellias

"Para saan 'yan?" Nagtatakang tanong ko

"Kunin mo nalang." Seryoso lang ako nitong tinignan habang inaabot parin sa'kin ang tubig

"Thank you, Ellias. Sakto, nauuhaw ako." Akmang aabotin ko ang tubig nang bigla niya itong inilayo at biglang inilapit ang mukha niya sa'kin

"Kapalit?" Seryosong usal nito habang nakatitig sa mata ko

"Huh?" Bahagya akong umatras dahil sa lapit ng mukha naming dalawa

"Kapalit ng tubig?" Ulit nito at mas lumapit sa'kin

"Kingina ka, akala ko pa naman libre yang tubig." Inis kong singhal sa kaniya na ikinataas lang ng kilay niya

Kinapa ko ang bulsa ko saka kinuha ang orange flavor na lollipop na binili ko kanina

"Ayan oh, sa'yo na." Saad ko sabay abot ng lollipop

Napatingin naman siya rito at biglang natawa saka napayuko pero tumataas baba ang balikat na ikinataka ko

"Hala, ano 'to sahig?" Biglang hirit ni Zeken

"Kakaiba 'to. Ngayon lang tumawa ng ganiyan si ellias." Rinig kong bulong ni maze na ikinataka ko lalo

Ilang segundo pa itong natatawa pero agad rin nitong inangat ang tingin at tumingin sa taas na parang kinakalma ang sarili kaya kitang kita ko ang pataas ng Adam's apple nito 

"Damn, she's cute." Sobrang hinang bulong nito na hindi ko naman rinig

"Anong nakakatawa?" Nakakunot kong noo. Yumuko ito para tignan ako saka ito ngumisi

"Nothing." Nakangising saad nito saka iniabot sa'kin ang tubig kaya  nagtataka ko itong kinuha

Hinablot niya rin ang lollipop ko saka lang rin nawala ang ngisi niya't bumalik sa pagiging seryoso

Hala, nakahithit ata 'to.

Napakurap kurap ako habang tinitignan siyang pinagmamasdan ang lollipop na ibinigay ko sa kaniya

Napailing nalang ako saka ininom ang tubig na ibinigay niya't bumalik sa pagkadukdok sa lamesa

"Psst, nakapagreview kana ba para sa test bukas?" Bulong ni Maze sa'kin habang nakadukdok ako sa lamesa

"Hmm." Tugon ko habang nakapikit

"Ilang oras ka bang nagreview?" Tanong ng kung sino

"Hmm." Sagot ko

"Gwapo ko 'no?" Bulong naman ni Zeken

"Hmm." Lutang at inaantok kong tugon muli

"Kung ang isda ay may pakpak, ang baboy naman ay may sungay, boom! Kilig!" Bulong ng kung sino

"Hmm."

"Gwapo ba ako kapag tinidor ang gamit mo sa sabaw?"

"Hmm."

"Masaya ka naman maging maliit diba?"

"Hmm."

"Ang cute ko."

"Hmm."

"Mahal mo 'ko, alesxia?"

"Hm--"

"'Wag niyo ngang disturbuhin 'yan. Kita niyong pagod, ginugulo niyo pa." Rinig kong singhal ng kung sino

"Maze, Zeken, shut your fucking mouth." Rinig kong saad naman ng malalim at malamig na boses

"Ito na po tatahimik na."

"Shut na po yung mouth ko."

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang napag usapan nang may naglagay ng kung anong bagay sa tenga ko at may kantang nap-play na mas lalong ikinaantok ko

Ilang segundo lang ay tuluyan na akong nakatulog dahil sa sobrang pagod at antok.

*****

Nagising ako nang may yumuyugyog sa'kin. Nakita ko si crisiana na nakapameywang habang nakatingin sa'kin

"Ganda ng tulog natin 'no?" Nakangiwing saad nito na ikinakurap kurap ko

"Anong oras na?" Mahina kong tanong

"Omo, alesxia! Uwian na! Hindi ka nga pumasok sa lahat ng subject eh! Akala ko kung anong nangyari sa'yo, natutulog ka lang pala dito kasama ang nag-gwapohang sila maze!" Panenermon nito na

"Uwian na?" Tanong ko ulit

"Sa dami at sa lakas ng sinabi ko hindi mo pa narinig? Oo! Uwian na!" Sigaw nito na ikinatango ko

"Ahh." Tanging na saad ko nalang

"'Yun lang?" Rinig kong bulong  nito "Hoy! Hindi kana nagk-kwento sa'kin  ah? Bakit kasama mo yung yummy na apat? Ikaw ha, sino dun? Sino yung karelasyon mo? Oh, baka naman silang lahat? Aba'y pinuntahan pa ako ni Maze sa klase natin para lang papuntahin dito dahil nandito ka. Tapos madadatnan ko pa rito na grabe mag alaga yung tatlo sa'yo? Si zeken, pinapaypayan ka, si maximus naman, inaayos ang buhok mo, tapos si daddy ellias, nakaharang sa init para hindi ka mainitan habang nakatitig sa'yong babaeta ka! So, ano? Masarap ba--" Hindi ko siya pinansin at kinuha ko na ang bag ko saka siya iniwanan

"Hoy! Hindi pa ako tapos!" Rinig kong sigaw niya

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang naglakad

"Grabe na kayo! Lagi niyo nalang akong iniiwan! Ganun ba talaga kaayaw niyo sa'kin at ayaw niyo na akong kausapin? Si caino at violet laging wala tapos ikaw, nandito nga hindi naman ako pinapansin! Ayoko ng mabuhay!" Rinig ko pagd-drama nito saka sinabayan akong maglakad habang pinupunasan ang invisible niyang luha.

"'Kala mo naman hindi ko malalaman na lagi mong kasama yung isa nating classmate na babae." Walang gana kong saad

Napatahimik ito ng ilang saglit pero agad lang rin siyang nagsalita "B-Bagong k-kaibigan ko l-lang."

"I see. Pagpatuloy mo 'yan." Nakangising saad ko saka tumakbo ng mabilis

"Alesxia!!" Sigaw nito na ikinatawa ko.

Gusto ko ng umuwi.

~~~

Thank you for reading!

Scarlet.

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon