chapter 47

222 13 1
                                    




Natawa ako habang pinapanood siyang subuin ang mga prutas na isinusubo ko sa kaniya. Titig na titig ito sa akin at wala na ata siyang balak umiwas ng tingin. Tila ba'y mawala lang ang tingin nito ng ilang minuto'y mawawala ako bigla




"Kuya, stop staring at me! Nagmumukha kang tanga!" Natatawang saad ko saka isinubo muli ang orange sa kaniya na agad niya namang isinubo agad




"Hindi ko mapigilan... You're so beautiful, baby." Mahinang saad nito na ikinangiti ko




"Nambola pa!" Ngiting saad ko saka natawa na ikinangiti niya rin at umiling nang umiling




"Nagsasabi lamang ako ng totoo, baby." Hinila niya ako at niyakap mula sa likuran ang isinandal ang kaniyang baba sa aking balikat. Inaamoy rin nito ang balikat ko na ikinakiliti ko




"Hmm?"





"Namiss ko lamang ang amoy mo. Namiss kong yakapin ka ng sobrang higpit. Namiss ko ang boses mo. Namiss ko ang ngiti mo." Malambing nitong saad saka ako hinalikan sa balikat, "I miss everything about you." Dagdag pa nito na ikinangiti ko ng malungkot





Sadly, I'm not your real sister. I'm not the real Ariya, Kuya.





"H-hindi ko pa naaalala ang lahat pero gusto ko lang na malaman mong namiss rin po kita, kuya. Pipilitin kong alalahanin ang lahat lahat para sa’yo." Malambing kong saad saka hinaplos ang ulo niya





"You don't have to force yourself, baby. Kuntento na akong nandito kana sa tabi ko't hawak hawak na kita sa mga bisig ko. Just... Please, don't leave me again, hmm?" Nagsusumamong saad nito saka mas hinigpitan ang pagyakap sa akin na ikinangiti ko lalo




"Yes po... I... I promise."




"I don't know what to do kapag nawala ka pa ulit sa akin. Mababaliw ako, Ariya..." mahinang saad nito saka pinaharap ako sa kaniya




Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nito't marahang hinaplos ito na ikinapikit niya. Nagbuntong hininga ito saka hinawakan ang kamay kong humahaplos sa mukha niya




"Gagawin ko ang lahat para hindi na tayo magkalayong muli, Kuya. Pinapangako ko." Puno ng emosyon kong saad habang nakatitig sa kaniya





Natawa ito't iminulat ang kaniyang mga mata saka ipinagdikit ang aming noo habang nakatitig pa rin sa aking mga mata





"Wala rin naman akong balak pakawalan ka pa. Ngayong nakita at hawak na kita, hindi ko hahayaang mawala ka pa sa aking paningin." Nakangiting saad nito saka hinalikan ang aking noo na ikinapikit ko




"I love you so much, baby..." Dagdag pa nito





Napalunok ako saka napabuntong hininga, "I... I love you too, kuya." Saad ko ng may pag aalinlangan ngunit hindi ko ito ipinahalata




Niyakap ako nitong muli ng sobrang higpit na ikinahinga ko ng malalim at hinaplos ang kaniya malambot na buhok habang nakatitig sa kaniya habang siya'y nakapikit





"Baby, can you stay here for tonight? I just want to make sure na hindi kana kailanman aalis sa tabi ko..." mahinang bulong  ito at sapat lang upang marinig ko





Napatingin ako sa phone kong nasa mesa at napalunok. Nag isip ako ng ilang saglit bago ngumiti ng matamis, "Opo, kuya. Hindi ako aalis sa tabi mo ngayong gabi." Nakangiting saad ko




Damn, I can't say no to him. This is so freaking weird!





"Tsk, hindi mo talaga ako matiis..." nakangiting saad nito pero maya maya lang ay nawala ito't iminulat ang kaniyang mga mata saka tinitigan ako. "Baby, can i ask a question?"





"Nagtatanong kana, kuya!" Natatawang saad ko bago tumango nang makitang seryoso ito





"I heard from the twins na naninirahan ka sa mga Versoro. Pa'no ka napunta dun?" Nagtatakang tanong nito at umigting ang panga habang nakatitig sa akin




"Ahm, sabi ni mama helen---" napatikhim ako nang tumaas ang kilay nito nang tawagin kong mama si mama Helen






"Mama Helen? The mother of Versoro brothers?"






"Yes, kuya. Mama ko siya dahil siya yung nag alaga sa'kin nung mga panahong walang wala ako." Nagbuntong hininga ako at hinaplos ang magkasalubong nitong kilay, "Sabi ni mama Helen na nakita niya ako sa kagubatan, puno ng sugat at duguan na walang malay. Dahil sa awa, dinala niya ako sa bahay at pinagamot. Doon ko nakilala si Veron at Vreos." Nakangiting saad ko






Kita ko ang pag igting ng panga nito nang banggitin ko ang pangalan ng dalawa. Humigpit ang kapit nito sa bewang ko at tila'y nag iisip ng hindi maganda.





"Stay away from them, baby." Parang naiinis na saad nito saka ngumuso




Tumaas ang kilay ko't tinitigan siya ng mabuti, "At bakit ko gagawin 'yun? Mabait sila sa'kin, kuya. Sobrang bait nila. Prinsesa pa nga ang trato nila sa akin eh. Kaya walang rason para lumayo ako sa magkapatid na Versoro."





Napalunok ako nang maalala ang mga pinaggagawa nang magkapatid sa akin noon





"That's it! That's why i want you to stay away from them. Hindi ko pa man nakikita kung paano ka talaga nila tratuhin pero naaamoy ko't ramdam ko ang kagustohan nilang angkinin ka. Base na rin sa kwento sa akin ng magkambal. And i don't like that idea, baby." Parang batang pagmamaktol nito na ikinatawa ko






"Kuya, nag o-overthink ka lang. Saka huwag mong isipin ang mga sinasabi o ikwenikwento nang magkambal na 'yun. Tsk, hindi ko gusto ang presensya nila." Naiinis kong saad





"Why?" Nagtatakang tanong nito





"Because they're annoying! They are forcing me to come back kahit ayaw ko. May isang babae tuloy na galit na galit sa akin. Besides, i can still visit you kahit hindi ako bumalik diba?"






"But it would be better if you'll stay with me. Hindi mo na kailangang tumira sa mga Versoro because i can take care of you now." Mahinang saad nito habang hinahaplos ang likod ko na ikinangiti ko





"Hmm, pero hindi pa ngayon. For now, you need to take care of yourself muna and i promise, titira ako kasama ka. Promise me na hindi kana magmamatigas patungkol sa pagkain at gamot."




"I promise, baby. I promise."





Natawa ako saka humiwalay sa yakap niya't hinawakan ang balikat para pahigain. Nagtaka ito at sinubukang bumango pero sinamaan ko ito ng tingin





"Rest and sleep. Sasapukin talaga kita if nagmatigas ka, kuya." Pagbabanta ko na ikinanguso niya't ikinapikit ng mata



Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang nakapikit at pinipilit na matulog. Napatitig ako sa kamay nitong sobrang higpit ang pagkakahawak sa kamay ko




Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Masaya, malungkot, kinakabahan, nagtataka, o pananabik. Hindi ko alam kung saan roon





But seeing his smile... napapanatag at napapasaya ako nito





Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga nararamdaman ko ngayon habang kasama ang kuya ng may ari ng katawan nato. But one thing for sure, he's making me happy.




This is strange... but i like the feeling.



~~~

Pasensya na po talaga at ngayon lang nakapag update! Nasiraan po kasi ako ng phone then sumabay pa na nawalan kami ng internet! Super duper malas!! Again, I'm so sorry pooo!!!













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon