chapter 14

413 21 2
                                    


ALESXIA

Tumingin naman ako kay kenneth na nakakuyom ngayon at parang nahihirapan pa itong huminga dahil sa bilis ng paghinga niya

Lumapit ako sa kaniya saka lumuhod na ikinaangat ng tingin niya sa'kin at bigla itong napaatras na ikinangisi ko

"Ikaw? Gusto mo bang magkwento rin ako sa'yo?" Nakangising saad ko na ikinaatras niya pa lalo

"H-Hindi--" hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita ako

"Pero gusto ko eh, para naman fair kayo ng girlfriend mo." Malamig na saad ko saka tumayo ulit "Pero nab-bored na ako eh. Madami na rin kasi akong nasayang na laway sa inyo, kaya punta na tayo sa exciting part."

Tinignan ko ang kanina ko pang hawak na dagger saka ito sinuri kong okay parin ba ito at walang damage

"Ang akala mong may nag akyat bahay sa inyo at pinatay ang kapatid mo ay kasinungalingan." Saad ko saka pinunasan ang dugo sa dagger ko "Ang totoo, ang girlfriend mo mismo ang pumatay sa kapatid mo dahil sa selos." Dagdag ko pa at tinignan ang nakatulalang si kenneth

Tumingin naman ako kay camille na nahihirapan nang huminga dahil sa panghihina

Unti-unti na siyang nahihirapang huminga at siguradong mawawalan siya ng malay maya-maya lang

Itinago ko na ang dagger ko saka humarap sa dalawa na ngayo'y sobrang nahihirapan na siyang ikatuwa ko lalo

"I need to go. Sleep well, kenneth and camille. Dream of me." Nakangisi ngunit malamig ang boses kong saad saka nagmamadaling umalis sa harapan nila dahil naramdaman kong may nanonood sa'kin kanina pa

Napapailing ako habang tinatanggal ang gloves na suot ko saka ito itinapon sa kung saan. Wala namang makakaalam na ako ang may gawa nun sa dalawa.

Hindi man ako pinagpawisan kanina pero sumaya naman ako sa naging reaksyon ng dalawa

Tsk! Mga walang kwenta.

~~~

Ilang araw na ang dumaan at kumalat ang nangyari sa sikat na bully at magjowang si camille at kenneth. Madaming natakot pero madami ring nakahinga ng maluwag at 'yun ang mga binully nila camille

"Grabe! Sino kaya ang may gawa nun sa kanila camille at kenneth?" Kumakain na saad ni crisiana

Nandito kasi kami sa cafeteria dahil lunchbreak namin ngayon

"Siguro, isa sa mga binully ng dalawa ang may gawa nito. Yikes! Nakakaluka ang nangyari ah!" Pag iinarte ni caino kaya napailing ako

"They deserve it. Walang ginawa ang dalawa kundi ang kumawawa at magpahirap ng mga estudyante dito." Singit naman ni violet

Still not enough.

"May tama ka naman." Tumatangong saad ni crisiana saka nilamon nang buo ang malaking hotdog

"Kadirdir ka, crisiana! Okay sana kung sinubo mo ng paunti-unti yung hotdog, talagang nilamon lahat!" Singhal ni caino kay crisiana na ikinatawa ko

"Tumahimik ka, bakla! Palibhasa gustong gusto mong sumubo ng hotdog pero hindi mo magawa dahil nagd-diet kang deputa ka!" Singhal naman ni crisiana at tumatalsik pa ang mga kanin mula sa bibig niya

"Ang laswa pakinggan at nakakadiri ka, crisiana! Babaetang 'to!" Nakangiwing saad ni caino na inirapan naman ni crisiana

Bumaling naman sa'kin si caino "Alesxia, ang tahimik mo ata? Okay ka lang ba?" Tanong ni caino saka hinawakan ang kamay ko

"Okay naman ako. Hindi ka pa ba sanay sa'kin? Lagi naman akong tahimik." Nakangiting saad ko

Nagulat ako nang biglang tapikin ni crisiana at violet nang sabay ang kamay ni caino na nakahawak sa'kin

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now