chapter 16

379 21 0
                                    

Ang akala nila, nagpakamatay ang mga estudyanteng binully ni camille at kenneth pero ang totoo si keane ang may gawa ng lahat ng 'yun

Sinakal niya ang lahat ng mga estudyanteng nakakausap ni keanu saka niya pinagmumukhang nagbigti ang mga ito

Nalaman ko ring naghihiganti rin si keane kay kenneth at camille. Dahil sa naging karelasyon nito si camille pero dahil nga baliw si camille sa boyfriend niya ay iniwan niya ito kaya ginawa niya ang mga 'yun para masisi silang dalawa. Pero dahil narin sa mga connection ng pamilya ng dalawa ay hindi pa rin siya nagtagumpay sa plano niyang pagsira kay camille at kenneth

Nung unang nagkita kami ni keanu sa garden, alam kong nanonood siya. Kaya gumawa ako ng paraan para mapalabas siya. At 'yun ang pagpahirap kay camille at kenneth

Alam kong ang mga ginagawa niya kay keanu. Hinahalay niya ang mismong kapatid at sinasaktan ito kung gugustuhin niya. Dahil na rin sa ayaw ni keanu makulong ang kapatid niya ay pinanatiling lihim ni keanu ang lahat ng 'to kahit diring diri na siya at nahihirapan

Pero sa nagdaang araw mas lalong nananakit si keane kay keanu at mas lumalala ang ginagawa nito sa kaniya

Dahil sa awa at galit nagpanggap akong hindi ko alam na hindi siya si keanu. Para na rin magkaroon ako ng pagakakataong makapunta dito

Gusto ko lang sanang humanap ng clue sa bahay nito pero mukhang may pagkabobo itong si keane, dahil dinala niya ako sa bahay kung saan niya itinago si keanu

Gusto ko nang matapos ang ginagawang kababoyan ni keane sa kapatid niya kaya papatayin ko siya

TINANGGAL ni keane ang pagkakahawak nito sa panga ko saka tumayo at tumalikod

"Mas nababagay ang posas mo sa mga kamay mo." Mapaglarong saad nito saka kinuha ang posas na tumilapon kanina

Nakangising bumalik ito sa pwesto ko saka kinuha ang isang kamay ko at pinosasan ito

Hindi na ako natutuwa sa larong 'to.

Akmang kukunin niya ang isa ko pang kamay ay agad akong gumalaw at sinuntok ang mukha niya saka siya sinipa

Napahiyaw siya at napahiga sa lakas ng pagkakasuntok ko. Walang emosyon ko siyang pinatungan at agad kong kinuha ang dagger sa suot kong jacket at isinaksak ito sa leeg niya

Kita ko ang hirap sa mga mata niya at halos hindi na siya makagalaw nang saksakin ko naman siya dibdib

"Ubos na ang pasensiya ko." Malamig kong saad saka ako tumayo at tinapakan ang mukha niya "You deserve to die."

Nang makitang hindi na itong humihinga ay umayos ako ng tayo at pinagpagan ang suot kong damit

Bahagya kong itinaas ang suot kong damit para tignan ang sugat ko. Malalim ito pero kaunting kirot lang ang nararamdaman ko

Hindi naman talaga totoong masakit yung pagkakasaksak niya. Parang kagat lang ng langgam.

"Aish! Namansyahan pa ng maduming dugo ng gagong 'to ang damit ko" Inis kong saad

Tumingin ulit ako sa nakadilat na si keane ngunit hindi na ito huminga. Nagbuntong hininga ako

"Kung ginamit mo sana kagwapohan mo sa tamang paraan, edi sana buhay ka pa."

Naalala ko si keanu kaya patakbo akong pumunta sa pintoan na pinuntahan kanina ni keane at kung saan ko narinig ang kalabog

Binuksan ko ito at halos manghina ang tuhod ko sa bumangad sa'kin

Walang suot na damit at bugbog siradong si keanu ang bumangad sa'kin. Marami itong sugat at sobrang dumi nito. Nakatali rin ang dalawa nitong kamay sa kama at makikita mo ang panghihina nito

Bigla itong napatingin sa'kin at ganun nalang ang pagkadurog ng puso ko nang bigla itong humikbi saka nagsalita

"A-Alesxia, a-anong-- ah! A-Anong g-ginagawa m-mo d-dito?" Nahihirapang saad nito kaya agad akong lumapit sa kaniya at naiiyak na pinagmasdan ang kalagayan niya

"K-Keanu..." naiiyak kong saad

"A-Alesxia... u-umalis ka d-dito." Napapikit ito at dumaing "B-Baka s-saktan ka ni k-keane..."

Umiling ako saka lumapit pa sa kaniya at dahan dahang tinanggal ang tali na nakatali sa kamay nito

"P-Pakiusap... u-umalis k-kana. A-Ayokong masaktan k-ka." Umiiyak nitong saad

Nang matanggal ko ang mga tali sa kamay niya ay dahan dahan kong hinaplos ang nagkukulay violet nitong kamay dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali

"I-I'm sorry, keanu. Sorry ngayon lang ako." Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo

"'W-Wag kang h-humingin ng s-sorry. O-Okay lang a-ako..." nanghihinang saad nito habang umiiyak "B-Baka m-makita ka n-niya--"

Dahan dahan kong sinapo ang mukha niyang puno ng sugat saka ito hinaplos "Wala na siya." Saad ko

Tumingin ito sa mata ko na may namumungay na mata "A-Anong ibig mong s-sabihin?"

Ipinagdikit ko ang noo namin sa isa't isa at ipinikit ko ang aking mga mata saka ko hinaplos ang mukha niya "Y-You're safe now, keanu. Nandito na ako."

Narinig ko ang paghikbi nito saka hinawakan ang kamay ko at diniinan ang pagkakahawak nun

"No one can hurt you, okay? Hindi ko sila hahayang saktan ka. Nandidito na ako, keanu. Nandidito na..." Napaiyak nalang ako dahil sa sakit na nakikita ko

"T-Thank you... thank you, a-alesxia." Paulit ulit itong bumulong ng thank you saka ako niyakap

Napadaing ito sa biglaan niyang pagyakap sa'kin pero hindi naman niya ako binitawan. Nakaramdam na akong ng panghihina dahil sa lason na ginamit ni keane sa'kin pero hindi ko naman ikakamatay 'to

Humiwalay na siya saka napatingin sa bandang tyan ko nang makita ang dugo "M-May s-sugat--" Hindi ko siya pinatapos at hinaplos ko ulit ang mukha niya

"Masyado kanang naghirap sa kamay ng walang hiya mong kapatid." Huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko "Aalis na tayo dito, keanu."

Tumayo ako saka tinignan ang paligid. Napahinto ang pagtingin ko sa paligid nang may makita akong cabinet kaya agad ko itong nilapitan at binuksan. May nakita akong isang damit at short kaya agad ko itong kinuha at bumalik kay keanu

"Pwede mo ba 'tong suotin?" Nag aalalang tanong ko

Agad naman itong napatingin sa katawan niya at namula "A-Ah oo. A-Akin na." Nahihirapang inabot niya ang damit kaya ako na mismo ang lumapit sa kaniya

"Ako na ang magbibihis sa'yo. Mahihirapan ka lang." Dahan dahan kong isinuot sa kaniya ang damit niya at nakatitig lang siya sa'kin. Nang matapos kong maisuot sa kaniya ang damit ay agad ko siyang inalalayang tumayo para isuot naman sa kaniya ang short

"A-Ako na..." namumulang saad nito at pinigilan akong lumuhod para suotan siya

"Baka mahirapan--" aapila sana ako nang magsalita siya

"K-Kaya ko n-naman." Kinuha niya ang short sa kamay ko saka bahagyang yumuko kaya inalalayan ko siya habang nagsusuot siya ng short. Nang makasuot siya ay kinuha ko ang kamay niya at inalagay ito sa leeg ko

"Aalis na tayo dito" pero maglalakad pa nga lang kami nang bigla siyang natumba kaya agad ko itong sinalo

"H-Hindi ko n-na k-kayang t-tumayo." Nanghihinang saad nito kaya nag aalalang sinapo ko ang mukha niya saka nagbuntong hininga

"Sige, dito muna tayo. May tatawagan lang ako. Magpahinga kana lang muna dito." Inalalayan ko siya sa kama saka inihiga siya ng dahan dahan

Nang makitang ayos na ang pagkakahiga nito ay agad kong kinuha ang phone ko saka tinawagan si doktor kius para humingi ng tulong at sinabi ko agad ang address ko nasa'n kami. Paparating na siya kaya tinawagan ko naman ang isa pang makakatulong sa'kin

Nagring ito ng 3 segundo bago sinagot nito ang tawag ko "Hello, alesxia?"

"Puntahan mo ako dito sa bahay ni keane. Linisin mo ang kalat dito, dion."

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now