chapter 6

573 34 0
                                    

ALESXIA

Manghang mangha ako habang nakatingin sa paligid. Hindi ko alam na may pegasus pala dito. At may mga hindi ko alam kung anong nilalang ang nasa paligid

"Gusto niyo po bang pumunta tayo sa isang sikat na park dito sa nirvana?" Napatingin ako kay dion nang magsalita ito. Agad akong tumango na may kagalakan sa mukha

Kanina pa niya ako pinapanood na mamangha sa nakikita ko sa paligid at parang tuwang tuwa pa ito habang pinapanood ako

Nalaman ko palang nasa mundo ako ng terabithia. May mga bansa rin dito, 'yun ang pagkakaalam ko pero ang alam ko lang na bansa ay itong nirvana. Kung ang earth ang lalawak ng mga bansa, dito naman sa terabithia ay malilit lamang ayun ang pagkakaalam ko. Ngayon lang kasi ako nakalabas ng bahay at hindi ko natanong sila mama about sa mundong 'to.

Kahit alam kong hindi malabong may  mga magic magic dito at may iba ibang nilalang, hindi ko parin maiwasang mamangha. Ang pagkakaalam ko wala namang mga magic ang mga naninirahan dito pero may mga God and Goddesses na pinaniniwalaang nagbabantay at gumagabay sa mga tao dito.

"Kung ganun, hali na po kayo. Sigurado pong magugustuhan niyo dun" napailing na lamang dahil po parin ng po si dion sa'kin. Hinayaan ko nalang siya dahil baka nakasanayan niya na talaga

Agad kong hinawakan ang kamay ni dion nang ilahad nito ang kamay sa harapan ko para alalayan ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, inalalayan niya akong pumasok sa loob at nang maisara na niya ay agad itong umikot para pumasok at umupo sa driver seat

"Sobrang ganda ba talaga dun, dion? Anong itsura? Meron rin bang pegasus dun? Marami bang bata dun? Ano? Ano?" Sunod sunod kong tanong dahil sa sobrang excited ko habang nakahawak sa braso nito

Nagmamaneho na ito patungo sa sikat daw kunong park dito. Masyado akong excited dahil hindi ko naranasang makapunta ng park dahil busy at walang oras si mama at papa noon para mamasyal nalang dahil sa sobrang focus nila sa company namin. May kaya rin kasi kami noon kaso nung nawala sila mama at papa ay ninakaw ni tita irene na kapatid ni mama ang yaman namin. Saka simula nung nawala na sila mama ay wala akong choice kundi ang magtrabaho sa murang edad

Doble doble ang naramdaman kong galit at sakit nang malaman kong nagcheat pala si papa kay mama at nalaman kong si tita irene ang kabit ni papa, dahil si tita irene mismo ang nagsabi sa'kin nun. Si tita irene rin ang dahilan kung bakit nawala sila mama.

Nabalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang tawa ni dion "'wag ka pong mag alala. Siguradong sigurado akong magugustohan mo dun." Nakangiti nitong saad habang nakatingin harapan

"Siguraduhin mo lang ah. Dahil kong hindi ko nagustohan, kakagatin kita" pagbibiro ko saka pinisil ang braso niya.

Ang tigas hehe

Nakita ko ang pagkagat nito sa kaniyang pang ibabang labi at pag ngisi pero agad lang rin nawala iyon. Hindi ko nalang iyon pinansin saka tumingin sa labas ng bintana at namamanghang pinapanood ang mga nasa labas

NANLAKI ang mata ko dahil sa sobrang ganda. Nakatingin ako sa labas at parang batang namamangha pinagmamasdan ang park na sinasabi ni dion

Tama nga si dion! Ang ganda...

Nasa loob parin kami ng sasakyan  dahil kakarating lang namin. Narinig ko ang paglabas ni dion pero hindi ko ito pinansin. Dali dali kong binuksan ang pinto at tumakbo sa isang matandang lalaki na nagbibinta ng ice cream

"Alesxia! Mag iingat ka po!" Rinig kong sigaw ni dion pero hindi ko iyon pinansin

"Hi manong! Magkano po 'yan?" Magiliw na tanong ko at kinagat ang pang ibabang labi dahil sa sobrang excited

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now