chapter 19

386 19 3
                                    

"Keanu! Akin na 'yan! Ako ang nauna!" Lumapit ako kay keanu at sinusubukan kong kunin ang remote na pilit niyang inilalayo sa'kin

"Ako yung unang nakakita, alesxia! Akin 'to!" Sigaw naman nito saka mas lalo pang itinaas ang kamay niya para hindi ko maabot

Aba't! Porket mataas siya tatarantadohin na niya ako ng ganito?!

"Akin na, keanu! Ako nga kasi yung nauna!" Sigaw ko at mas lalong tumalon para maabot si keanu pero masyado itong mataas kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko parin maabot sa kamay niya ang remote

"No, it was me! Ako ang nauna!" Tumingkayad siya para hindi ko maabot ang remote sa kamay niya na ikinainis ko

"Aish, keanu kasi! Akin na! Ibigay mo sa'kin! Wahhh!" Parang bata akong nagpapadyak dahil hindi ko talaga maabot ang remote sa kaniya

"No! This is mine!" Umiling pa ito at mas inasar ako

"Tumigil na kayo d'yan. Pwede namang hindi kayo mag agawan ng remote at manood nalang ng magkasama." Saway ni kius sa'min na ikinasimangot ko

Nandito kasi kami sa kusina. Hindi pumasok si kius sa trabaho niya at napagpasyahang magpahinga muna ng ilang araw. Nagluluto ngayon si kius dahil pinaday off niya muna ang mga katulong niya dito

Kami naman ni keanu ay napunta dito sa kusina dahil sa pag aagawan ng remote ng TV at ginugulo si kius sa pagluluto

"Kius, oh, si Alesxia." Nakangising pang aasar nito sa'kin nang tumuntong ako sa lamesa dahil sa hindi ko nga maabot ang remote sa kamay niya

"Alesxia! Bumaba ka, baka mahulog ka d'yan!" Saway ni kius sa'kin na ikinanguso ko

Bumaba ako sa lamesa at pilit na inabot ang remote "Eh, si keanu eh! Ayaw ibigay sa'kin! Kius oh!" Nakangusong saad ko nang bigla niyang nilabas ang dila niya para asarin ako

"Iyak ka muna." Mapang asar nitong saad na lalo kong ikinasimangot

"Sisipain kita d'yan!"

"Kaya mo?"

"Anong tingin mo sa'kin mahina?"

"Hindi, Maliit."

"Kius oh! Si keanu, nang aasar!"

Nakita kong napapikit si kius at napahilot sa kaniyang noo na para bang may malaki siyang problema sa buhay at gusto na niyang mamatay charot!

"Tumigil na kayo. Kapag hindi kayo tumigil d'yan, hindi kayo makakain ng niluluto ko." Kalmadong saad ni kius saka tinanggal ang suot niyang apron pagkatapos niyang maluto ang ulam namin

Lumapit ako sa kaniya saka umangkala sa braso niya "Anong ulam?" Nakangiting tanong ko

"Obviously, sinigang, madam." Singit naman ni keanu na biglang sumulpot na parang kabute sa likod ko at hinawakan ang bewang ko

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Masungit kong saad saka sumandal sa braso ni kius

"Ikaw ba kausap ko?" Nakangiting saad naman ni keanu kaya na sapak ko siya sa braso na ikinatawa nito

"Sungit mo naman, madam." Natatawang sumandal si keanu sa balikat ko na hindi ko naman pinansin

"Ang aga-aga, nag aasaran kayo." Napapailing na saad ni kius saka inilagay ang apron na hawak hawak niya sa lamesa

"Anong kaguluhan 'to?" Napatingin naman kami sa bagong gagong dumating

Nakita ko si dion na may dalang donut na ikinaliwanag ng mata ko saka ko iwinakli ang pagkakasandal sa'kin ni keanu at tinanggal ang pagkakaangkala ko sa braso ni kius at patakbong lumapit sa'kin

"Kyahh! Donut! Thank you sa donut, dion." Masayang saad ko. Niyakap ko si dion saka kinuha sa kamay niya ang donut

"Alam ko kasing gusto mo ng matatamis kapag may dalaw ka, kaya dinalhan na kita." Nakangiting saad nito saka pinanood akong ilagay ang donut sa lamesa

Binuksan ko ito at akmang kukuha ng isa nang kinuha ito ni kius sa'kin

"Maaga pa para sa matatamis, alesxia. Kumain ka muna." Saway nito saka pumunta sa ref at binuksan ito para ilagay ang donut

Napanguso ako saka nagpapadyak na nakatingin kay kius "Kaya nga kakain--" hindi natapos ang sasabihin ko nang putulin ito ni kius

"Ng kanin. Stop being stubborn, alesxia." Kalmadong saad nito saka umupo na sa upuan

"Maaari mong kainin ang donut. Sa ngayon, kumain ka muna ng kanin para makain mo 'yun." Nakangiting saad ni keanu sa'kin saka ako pinaghila ng upuan kaya wala akong nagawa kundi ang umupo

Si dion ang naghain ng niluto ni kius at tinulungan naman siya ni keanu. Gusto ko sanang tumulong pero ayaw naman nila

"Kainan na!" Sabay naming sigaw nila keanu at dion habang si kius naman ay napailing

"Dahan-dahan sa paglamon, alesxia. Baka mabulunan ka." Saway ni kius sa'kin kaya dahan-dahan akong sumubo ng kanin na para bang nagslowmotion ang lahat

"Alesxia." Napahagikgik ako nang makita ang stress na mukha ni kius

"Ang aga-aga, hindi na mapinta yang mukha mo." Napatingin si kius kay dion nang bigla siya nitong kausapin

"Ang aga-aga rin naman kasing mag asaran yang dalawa. Bakit ba kasi ang tagal mong dumating dito?" Inis na saad naman ni kius

Nagkatinginan kaming dalawa ni keanu at palihim na nag apir dahil magkatabi lang naman kami at magkatabi naman si kius at dion na nasa harapan naman namin

"Pasensiya, kailangan kong magdahilan para lang makaalis sa mansyon ng mga versoro. Ang hirap kaya makatakas dun lalo na sa magkakapatid na versoro. Ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo ng dalawang 'yun sa'kin."

"May ginawa kabang ikinainis nila?" Nagtatakang tanong ko

Umiling ito "Lagi kong sinusunod ang mga utos nila. Pati nga mga gawain ng isang katulong inuuutos nila sa'kin eh." Sagot niya

"Baka nagsasawa sa mukha mo." May halong pang aasar kong saad

"Imposible! Sa gwapo kong 'to, diba, kius?" Nakangising saad ni dion saka inakbayan si kius

Tinanggal naman ni kius ang pagkakaakbay nito sa kaniya saka pintik ang noo ni dion na ikinatawa ko

"Tigil-tigilan mo 'ko, dion. Tigilan mo na ring humithit ng katol." Nakapokerface na saad ni kius saka ipinagpatuloy ang pagkain niya

Mas lalo kaming natawa ni keanu nang makita ang mukha ni dion na nakasimangot

"Boom, panis! Don't panic, it's organic!" Pang aasar ni keanu saka ako inakbayan

Sinamaan naman siya ng tingin ni dion dahil sa pang aasar nito sa kaniya saka bumaling ulit kay kius na abala sa pagkain

"Ang harsh mo naman sa'kin, kius. Look, oh, I'm hurt." Umakto itong parang nasasaktan habang hawak ang dibdib nito

Tinignan naman siya ni kius saka ito binatukan "Gusto mo bang lagyan ko ng tape yang bibig mo para tumahimik ka?" Banta ni kius kay dion

"Ayaw ko ng tape, gusto ko labi mo." Nakangising saad ni dion na ikinasama ng tingin ni kius sa kaniya

"Kamao ko, gusto mo?" Ipinakita ni kius ang kamao niya na ikinangisi lalo ni dion

"Eh, kung gamitin mo nalang kaya 'yang kamay mo para paligayahin ako--" hindi natapos ni dion ang sasabihin niya nang biglang isinalampak ni kius ang isang pandesal sa bibig ni dion

"Yang bibig mo, dion! Kumakain tayo!" Namumulang singhal ni kius kay dion saka nito piningot ang tenga ni dion

Napadaing naman si dion "A-Aray, kius! Biro l-lang naman 'yun! A-Ah! Aray!" Daing ni dion habang hawak-hawak ang ni kius na nasa tenga niya

Nagkatinginan naman kami ni keanu dahil sa pagtataka kung anong pinag uusapan nila. Nagkibitbalikat na lamang kami ni keanu

Sila lang ata yung nagkakaintindihan.

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now