chapter 4

632 30 1
                                    


ALESXIA

Nandito kami ni fabian sa garden, napagpasiyahan naming dito nalang kumain dahil sibrang ingay sa loob. Naglatag lamang kami para hindi kami madumihan

"Fabian, pwede magtanong?" Ngumunguya kong saad, napatingin ito sa'kin

"You're already asking. Don't talk when your mouth is full" seryosong saad nito saka pinunasan ang ketchup sa gilid ng labi ko

May point naman siya

Ngumuso naman ako "matagal naba kayong magkaibigan ni veron?" Tanong ko. Nasabi kasi sa'kin ni fabian na magkaibigan sila ni veron at pati narin ang mga magulang nila ay magkakaibigan din

Kumuha siya ng isang hipon saka ito binalatan at nilagay sa plato ko
"Hmm, since we were kids." Sagot nito

"Seryoso ba talaga noon pa man si veron?" Tanong ko ulit

"Yes, pero siya yung tipo ng tao na kahit seryoso, naipaparamdam niya parin sa amin na mahalaga kami. Minsan nags-suplado kapag badtrip." Nakatuon lamang ang kaniyang atensyon sa pagbabalat ng hipon saka nilalagay sa plato ko habang sinabi niya 'yun

"Nagkagirlfriend na ba si veron?" Tanong ko. Nakita ko naman na natigilan siya saka tumingin sa'kin

"why did you ask?"

"Wala lang. Para kasing hindi pa nagkagirlfriend si veron dahil sa sobrang focus niya sa pagm-manage ng restaurant eh." Sagot ko naman saka sumubo ng kanin saka hipon na binalatan ni fabian "Saka hindi tanong ang sa sagot sa isa pang tanong"

"You're so stubborn, I said don't eat when your mouth is full. And to answer your question, you're right. Masyado siyang nakafocus sa pagm-manage ng restaurant at wala daw siyang oras humanap ng girlfriend" sagot niya saka sinimulan na ring kumain

Bilib din ako sa lalaking 'to, dahil hindi man lang maarte kahit mayaman

"Sayang naman pala kagwapohan ni veron kung hindi siya mag g-girlfriend" pagbibiro ko saka uminom ng juice

"How about me?" Biglang tanong nito na ikinataka ko. Inilagay ko muna ang basong may lamang juice na ininoman ko saka siya tinanong

"Anong how about me?" Takang tanong ko

"Do i look handsome for you?" Tanong nito habang nakatitig sa'kin na para bang batang naghihintay ng sagot kung papayagan ba siyang gumala ng mama niya

Natawa ako dahil sa tanong niya "Kailangan pa bang itanong 'yan? Of course, you are very handsome."

Umiwas ito ng tingin pero nakangiti na ito at namumula ang tenga na ikinataka ko. Hindi ko na lamang pinansin at bumalik sa pagkain dahil kumakain na rin ito

TAPOS na kaming kumain at nandito na ako sa loob. Umalis na si fabian dahil tinawagan siya ng daddy niya kaya wala itong nagawa kundi ang magpaalam

Napapatingin tingin lang ako sa paligid, ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa'kin pero binalewala ko lamang iyon

"Kitten." Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko si veron. Lumapit ito sa'kin saka hinawakan ang kamay ko

Naamoy ko ang alak na nagmumula sa kaniya. Napakunot ang noo ko dahil dun "uminom kaba ng alak?" Kunot ang noong tanong ko

"Hmm"

"Lasing ka ata eh."

"No... I'm not." Nakita ko ang bahagya nitong pagnguso habang nakatitig sa'kin. Namumula ang pisnge nito at tenga

Hinawakan ko ang kamay nito "Gusto mo bang matulog na?" Tanong ko

Nakita ko ang pagtango nito na parang bata kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Hinila ko siya at buti nalang nakakalakad pa siya ng maayos

Nagpaalam muna ako kay mama helen na iaakyat ko muna itong si veron dahil sa lasing nga. Dahan dahan kaming umakyat sa hagdan at inaalalayan ko siya. Hindi niya parin tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko

"Kitten... hah... my kitten."

Dahan dahan ko siyang pinahiga sa kama niya nang makarating kami sa kwarto niya. Tinanggal ko ang suot nitong sapatos saka inilagay ito sa gilid ng kama niya

Nataranta ako nang bigla niyang hinubad ang suot niya kaya sinaway ko ito

"Hah... kitten. Ang init... hah..." Napailing ako dahil sa paglilikot nito. Pumunta muna ako sa banyo ng kwarto niya para kumuha ng towel saka ito binasa

Pagbalik ko nakita ko na itong walang suot na damit pang itataas kaya kita ang maganda nitong katawan. Napakurap kurap ako nang makita ang suot nito kanina na nasa sahig na't parang napunit pa ito

"Harujusko, napakalikot pala nitong si veron paglasing" napailing ako dahil sa mga naiisip ko

Pumunta ako sa kaniyang walk-in closet at naghanap ng damit niyang pambahay. Halos magagarang damit ang nandito kaya hindi ko alam kung may pambahay ba siyang damit

Nang may nakitang damit ay agad ko itong kinuha saka bumalik sa kinaroroonan ni veron. Rinig ko parin ang mga sinasabi nito

Lumapit ako kay veron saka pinunasan. Inuna kong punasan ang kamay nito saka naman katawan. Bahagya pa akong napalunok nang mahawakan ko ang abs nito

"Ahh..." napaubo ako nang biglang umungol si veron, agad agad kong kinurot ang pisnge ko

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpunas sa katawan nito at hindi pinansin ang mga ungol na lumalabas sa bibig ni veron. Nang matapos kong punasan ang katawan nito ay kinuha ko ang damit na nakuha ko sa walk-in closet saka ako lumapit para gisingin muna ang nakapikit na si veron

"Veron... gising ka muna. Kailangan mong magbihis baka lamigin ka." Marahan kong niyugyog si veron. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito pero hindi parin nagigising "veron, sasampalin kita pag 'di ka gumising"

Dahan dahang iminulat ni veron ang mata niya saka tumitig sa'kin "kitten..." mahina at paos nitong tawag sa'kin

"Bumangon ka muna at magbihis." Saad ko saka siya inalalayang umupo at ako na ang nagbihis sa kaniya. Nakatitig lang sa'kin ang mapupungay nitong mata at sobrang hot nito kung titignan

Nang mabihisan ay pinahiga ko ulit siya para makapagpahinga. Aalis na sana ako nang hawakan nito ang kamay ko kaya nagtataka kong tinignan si veron

"K-Kitten, stay." Paos na sabi niya

"May gagawin pa kasi ako eh--"

"Please..." malambing nitong saad

Nagbuntong hininga ako saka tumango at umupo sa kaniyang kama. Hawak hawak niya ang kamay ko habang nakapikit kaya alam kong hindi ako makakaalis

Hinawakan ko nalang ang buhok nito saka marahang sinuklayan ang buhok niya. Nakita ko ang maamo nitong mukha habang natutulog at ang himbing ng tulog niya

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si vreos, bigla itong lumapit sa'kin na parang lasing at napakunot ang noo ko nang maamoy ang alak sa bibig niya

"Ales... hah..."

Kakatulog pa nga lang nitong si veron, dumagdag pa 'tong si vreos, harujusko!

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon