Chapter 40

293 16 6
                                    

Nagsusuklay ako ngayon sa basa kong buhok. Naligo kasi ako dahil nakaramdam ako ng lagkit. Nakasuot lang ako ng manipis na sando at pajama.

Matutulog na kasi ako. Hindi ko pa nakikita si veron at vreos dahil pagkadating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto.

Nagmumuni ako nang naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Kita ko si vreos na pumasok sa repleksyon ng salamin kaya napangiti ako

"Good evening, vreos." Nakangiting saad ko habang nakatingin sa kaniya sa salamin

Kita ko ang pagngiti nito saka niyakap ako mula sa likod. Inamoy amoy niya ang leeg ko at ramdam ko pa ang pag dampi ng labi niya sa leeg ko na hindi ko naman pinansin.

"Magandang gabi, ales. Kamusta ang school?" Tanong nito saka pinanood ako sa salamin na magsuklay

Mas lalo akong napangiti. "Okay naman. Normal na araw lang." Nakangiting saad ko pero parang nagbago ang ekspresyon niya at parang may tinititigan

"Sino ang may gawa niyan sa leeg mo?" Seryosong tanong nito saka hinaplos ang pulang marka na gawa ni ellias

Napalunok ako saka umiwas ng tingin. "Ano... Wala 'yan. Lamok lang." Saad ko saka tumawa ng may kaba

Napangisi ito saka tinitigan ang leeg ko. "Ang swerte naman pala ng lamok na 'yan." Nakangisi ngunit may kakaiba sa ngising niya 'yun na para bang hindi siya natutuwa.

Kinakabahan tumawa ako. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko

Dinampi ni vreos ang labi niya sa leeg ko saka ito sinimulang ginalaw. Hindi ko maiwasang mapalunok habang pinapanood siya

"Gustong gusto ko talaga ang amoy mo..." bulong nito na ikinapikit ko

Nagsimula nang tumaas ang halik niya nung may kumatok sa pinto. Agad naman siyang napatigil at bumitaw sa pagkakayakap sa'kin at pumunta sa pinto para pagbuksan ang kumakatok

Nakita ko si kuya veron na nakasalamin saka nagtatakang nakatingin sa'min. "The dinner is ready. Bumaba na kayo." Saad ni veron

Lumabas na si vreos habang hinintay naman akong lumabas ni veron. Nang makalabas ako ay agad niyang hinawakan ang bewang ko

"Good evening, kitten." Nakangiti at malambing na saad nito na ikinangiti ko rin

"Good evening din, veron." Nakangiting saad ko kaya mas lalo itong napangiti saka ako hinalikan sa noo.

"How's your day, my little, hmm?" Malambing niyang tanong saka ako hinalikan sa pisnge na ikinahagikgik ko

"Maayos naman. Ikaw? Himala at umuwi ka ngayon ng maaga?" Nakangiting saad ko. Hinawakan niya ang kamay ko bago ito halikan

"Kinancel ko lahat ng meeting ko tonight. Miss na kita eh." Nakangusong saad nito habang patuloy pa rin sa paghalik ng kamay ko

"Mabuti naman kung ganun, para na rin makapagpahinga ka. Pansin kong lagi kang puyat at pagod." Nakangiti at malambing kong saad

"Hmm... let's go? Paniguradong naghihintay si mom sa atin at ako yung nagluto ngayon." Nakangiting saad nito saka hinalikan ang ilong ko bago ako hinila

Natatawa ako sa pagiging makulit niya. Hawak hawak at hila hila niya ako habang pababa kami ng hagdan. Nang makababa ay agad kong hinalikan sa pisnge si mama nang makita siya.

"Magandang gabi, ma." Nakangiting bati ko

"Magandang gabi rin, anak." Nakangiting bati rin ni mama.

Pinaghila ako nang upuan ni veron kaya umupo na ako agad. Katabi ko sa kaliwa si veron habang nasa kanan naman si vreos na tahimik lang na pinaglalaruan ang kamay kong legs niya.

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now