chapter 5

656 23 0
                                    

ALESXIA

Nagising ako nang maramdaman kong may dumadampi sa kamay ko. Nang maimulat ko ang aking mata ay nakita ko si veron at vreos, nagbabasa ng libro si vreos at hawak hawak nito ang aking kaliwang kamay habang si veron naman ay seryosong nakatingin sa laptop nito habang pinipisil ang kanang kamay ko na hawak naman niya

Ang aga aga, hawak agad nila ang kamay ko.

Nakatulog ako kagabi dito sa kwarto ni veron dahil sa pagod sa pag aalaga sa dalawang lasing na hawak ang magkabilaang kamay ko. Pansin ko rin na hindi pa ako nakakapagbihis dahil narin sa pagod at pagkaantok ko kagabi

Napansin ata ni vreos na gising na ako kaya napatingin ito sa'kin, ngumiti ito saka ako hinalikan sa noo "Magandang umaga, ales. Kamusta ang iyong tulog?"

"Magandang umaga din, vreos. Okay naman, eh kayo ba? Kamusta ang tulog niyo?" Tanong ko

"Ayos naman"

"You're awake. Are you hungry, kitten?" Tumango ako sa tanong ni veron saka bumangon. Inalalayan akong bumaba ni vreos sa kama habang si veron naman ay abala parin sa kaniyang laptop habang nakakunot ang noo

"Kakain kana ba, ales? Gusto mo bang samahan kita?" Saad ni vreos

"Bakit? Hindi pa ba kayo nakakain?" Tanong ko

"We're done." Sagot naman ni veron. Sumulyap ito sa'kin saka ibinalik ang tingin sa laptop

"Kung ganun, 'wag na. Pagtuonan mo na lamang ng pansin iyang pagbabasa mo."

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni vreos. Isinuot ko ang tsinelas saka pumunta sa pinto para umalis. Binuksan ko ang pinto saka akmang aalis nang biglang magsalita si vreos

"Ah... ales! Pwede bang timplahan mo naman ako ng kape?" Napatingin ako kay vreos na nakadikit na ang dalawang palad nito na para bang nagmamakaawa

Natawa ako dahil sa ginagawa niya "Oh, sige. Ipapautos ko nalang kay manang na dalhin dito." Nakangiting saad ko, nakita ko naman ang paglaki ng ngiti nito saka nagflying kiss

"Salamat, ales!"

"Eh ikaw ba, veron? Gusto mo ba magkape?" Tanong ko kay veron na nakafocus parin sa laptop. Napatingin ito sa'kin saka ngumiti

"Yes, please." Nakangiti nitong saad. Ngumiti din ako saka tumango "Thank you, kitten."

Isinarado ko na ang pinto nang tuluyan na akong makalabas. Pumunta muna ako sa kwarto saka naghilamos at nagpalit ng damit. Oversized t-shirt at short ang sinuot ko saka bumaba at pumunta sa dinning room

Nakita ko si mama helen na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako kay mama saka ko siya hinalikan sa pisnge, napangiti naman si mama saka ako hinalikan sa pisnge pabalik

"Maganda umaga, iha. Maayos ba ang tulog mo? Nag enjoy kaba sa salo-salo kagabi?" Nakangiti nitong tanong saka ibinaba ang hawak nitong dyaryo

"Opo, ma. Nag enjoy naman po ako, may nakilala pa nga po akong kaibigan eh." Nakangiting saad ko. Nagsandok ako ng kanin saka kumuha rin ng ham at hotdog saka ko sinimulan ang kumain

"Mabuti naman kung ganun, anak. Sige, kumain ka muna d'yan. May tatawagan muna ako" nakangiting saad ni mama. Tumango lang ako kaya umalis na si mama helen

Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng dalawang kape para kay veron at vreos. Nang matapos kung matimpla ito ay agad kung tinawag ang isang katulong nila mama na napadaan sa kusina

"Ate, pwede po bang ikaw na po ang magbigay nitong kape kay veron at vreos?" Saad ko nakita ko naman itong ngumiti at tumango

"Sige po, binibining alesxia." Nakangiting saad nito saka kinuha ang dalawang kape

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now