chapter 46

226 9 3
                                    


Nanigas ako nang biglang naglakad ang dalawa papalapit sa pwesto namin na may masamang awra. Nagulat akong nang bigla na lamang tumalsik ang dalawa sa aking likuran at ang biglaang ’pag hapit ni Kius sa bewang ko kaya napasubsob ako sa dibdib nito


"Anong karapatan niyong hawakan si Alesxia?!" Nanggagalaiting bulyaw ni Dion



Nakita ko ang dahan dahang ’pag tayo ng dalawa't sinamaan ng tingin si Dion, lalong lalo na kay Kius na mahigpit ang pagkakayakap sa bewang ko


"Don't touch her!" Masama ang tingin ni Adrion habang nakatingin sa kamay ni Kius na nasa bewang ko


Nginisihan lang siya ni Kius at mas hinapit na ako papalapit sa kaniya kaya napasubsob ako sa leeg niya. "Kius!" Saway ko saka siya sinamaan ng tingin

We

"I'm sorry, hon." Mahina at malambing nitong saad saka ako hinalikan sa noo.


"Fuck you, bastards!! Don't touch her!". Sigaw naman ni Adrian at akmang lalapit nang harangan siya ni Dion


"Subukan mong hawakan si Alesxia, babalian kita ng buto." Maangas na singhal ni Dion na ikinainis naman nila Adrian


"Are you threatening us?!" Singhal naman ni Adrion saka tinulak si Dion na agad ko namang ikinaalarma ko



"Ano bang problema niyo?! Tapos na tayong mag usap kaya hayaan niyo nalang akong umalis!" Singhal ko kila Adrian na napatigil at napatitig sa akin na may pagmamakaawa


"We missed you, Ariya... Please, come back with us..." Nagsusumamo nitong saad na ikinapikit ko pa lalo



"Hindi ko nga kayo maalala, okay? At wala na akong pakealam dun! Just leave me--us alone!" Inis kong singhal bago hinila si Kius at Dion papunta sa labas




"Bakit niyo pa pinatulan yung mga 'yun??" Naiinis kong saad na ikinanguso naman ni Dion


Pumunta si Dion sa likod ko't niyakap ako sa bewang. Isiniksik nito ang mukha niya sa leeg ko't inamoy amoy ako. Si Kius naman ay kinuha ang isa kong kamay at hinalikan ito habang nakatitig sa akin




"Nagseselos kasi kami. Hinahawakan ka nila  at ayokong may humahawak sa'yong iba." Parang naiinis na saad ni Dion sa leeg ko na ikinakiliti ko




"They're too close, hon. I don't like them. Masyado silang clingy sa'yo." Seryosong saad naman ni Kius saka ako hinalikan sa noo



Napairap ako't napangiwi, "Wow, at hindi kayo clingy sa akin?" Nakangiwing singhal ko na hindi naman nila pinansin at walang sinabi



Ramdam ko ang mumunting halik ni Dion sa batok ko't mahigpit na hawak ni Kius sa bewang ko. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa't inaya silang umuwi na na agad rin naman nilang tinanguan.




NANDITO ako ngayon sa harap ng room sa isang hospital. Nakatitig sa pintuan at nagdadalawang isip kong papasok ba ako o hindi.


Ilang araw na rin ang lumipas nung magkita kami nila Adrian at Adrion. Naging okay naman ang mga araw na ’yun dahil hindi ako ginulo ng dalawa. Hindi ko alam kung nasaan sila dahil hindi naman na sila nagparamdam after naming mag usap.





Nagbuntong hininga ulit ako saka hinawakan ang doorknob ng pinto at dahan-dahang binuksan ito. Niyakap ako ng malamig na hangin nang makapasok ako. Inilibot ko tingin ko sa paligid at kita ko kung gaano ito kalinis at kasosyal





Natigil ang mata ko sa isang tao na nakaratay sa isang hospital bed. Mahimbing itong natutulog na para bang napakaganda ng panaginip niya. May hawak itong teddy bear at yakap yakap niya ito.




Dahan-dahan akong lumapit at nasilayan ko ang maaliwalas nitong mukha. May matangos itong ilong, perfect jawline, mahabang pilikmata, at mapulang labi




Napatitig ako sa mukha niyang maaliwalas at nakakagaan iyon ng damdamin. May kaunti kaming pagkakahawig. Mas makinis pa nga ata ang balat nito sa akin. Nagbuntong hininga ako saka ngumuso dahil sa awa.



Lumapit ako saka ito hinalikan sa noo. Hindi ko alam bakit ko iyon ginawa pero may nagtutulak sa aking halikan ang noo niya. Lumayo ako at napaayos ng tayo nang makita ang unti-unting pagmulat ng kaniyang mata.


Napalunok ako nang mapunta ang tingin nito sa akin at kita ko ang pagningning ng mga mata niya saka dahan-dahang umupo na ikinataranta ko at tinulungan siyang umupo nang maayos.



Nakatitig lamang ito sa akin na tila bang nanaginip lamang siya habang inilalakbay ang mata sa bawat parte ng aking mukha na ikinakaba ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga mata nito



"Ariya...?" Mahinang saad nito na sapat lang upang marinig ko. Kusang gumalaw ang labi ko't ngumiti, "Baby..."



"Arios---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin sa beang papalapit sa kaniya't ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking tiyan na ikinanlamig ko




"It's you... You're my baby.... My baby...." Mahinang saad nito sa tiyan ko na parang bang hindi makapaniwala




Mahigpit ang yakap nito sa akin pero ramdam ko pa rin ang pag-iingat nito na para bang ayaw niya akong masaktan sa mga bisig niya. Kusang gumalaw ang kamay ko't hinawakan ang malambot nitong buhok at marahang sinuklay



"My baby... I missed you so much... You're here..." Tila nanghina ako nang marinig ang paghikbi nito sa tiyan ko. Tila nasasaktan rin ako sa bawat hikbi na lumalabas sa kaniyang labi


"Y-yes, I'm already here... You're baby is here. Please, don't cry." Mahinang kong saad.

What the hell is this?! Bakit ako nasasaktan?!

Inangat nito ang tingin niya at kita ko ang mga luhang dumadaloy sa pisnge niya. Ramdam ko rin ang pamamasa ng aking tiyan dahil sa luha niya. Pinunasan ko ito ng marahan habang nakatitig sa mukha niya

Hinila niya ako paupo sa tabi niya't niyakap akong muli habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko. Napapikit ako saka huminga ng malalim at niyakap ito pabalik. Tahimik kaming dalawa na para bang wala kaming balak magsalita sa isa't isa.

Ngayon ko lang naramdaman ang kapanatagan at kaligtasan sa bisig ng isang tao. I mean, ganun rin naman kapag niyayakap ako nila Veron at Vreos pero kakaiba ngayon. Parang sinasabi ng kaniyang yakap na hindi ko kailangang matakot at proprotektahan niya ako



Nakakalito ngunit nakakagaan ng pakiramdam.



Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now