chapter 28

263 13 3
                                    

"What the fuck?!"

Naalimpatungan ako dahil sa sigaw na narinig ko. Kinamot ko ang pisnge ko bago ko tuluyan iminulat ang aking mga mata.

Unang bumungad sa'kin ang malapit na mukha ni fabian kaya agad akong napaayos ng upo. Nakapikit parin ito at sa nakikita ko, bumaba na ang lagnat niya.

"Kitten..." Napatigil ako nang marinig ang boses na 'yun "What's the meaning of this?" Napatingin ako sa taong tumawag sa'kin

Nakita ko matalim na tingin ni veron sa akin at lalong lalo na kay fabian na nakahawak sa kamay ko habang natutulog

Napalunok ako. "A-Ah.. n-nandito kana pala, veron hehe..." parang tangang ngumiti ako kay veron

Napatili ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at bigla akong binuhat ng pang bridal style

"V-Veron--"

"I'm so mad right now, kitten." Wala kang emosyong makikita sa mukha niya kaya kinabahan ako

"Y-Yung na k-kita mo---" Hindi ko natapos ang sasabihin ng tignan ako ng masama ni veron. Napapikit ako saka napasandal sa balikat niya

Ang tigas hehe.

Napamulat ako nang makarinig ng pagbukas ng pinto. Inangat ko ang tingin ko sa likod at nakita ko si dion at kius na hinihiningal na nakatingin sa'min

"Dion, kius---" hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko nang magsalita si veron

"Bantayan niyo 'tong gagong 'to. Kill him if you want." Napakalamig ng boses nito at mahahalata mo talagang hindi ito natutuwa. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko

"M-Masusunod, ginoong veron." Rinig kong saad ni dion

Magsasalita pa sana ako nang magsimula na itong maglakad palabas. Agad kong itinago ang mukha ko ng makitang maraming tao ang nakatingin sa'min

"Veron, kaya ko namang maglakad eh. Ibaba mo na ako." Bulong ko kay veron pero para itong walang naririnig

'Ang sweet naman ng magkasintahang iyon.'

'Ang gwapo nung lalaki.'

'Sanaol.'

'Swerte ni ate girl! Ang gwapo ng bumubuhat sa kaniya!'

'Sus, kaya rin naman kitang buhatin ng ganiyan, lexi.'

'Hindi ka naman gwapo kaya manahimik ka nalang  d'yan, mark!'

Rinig kong bulong ng mga tao nang makapasok na kami sa elevator. Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko dahil sa kahihiyan

Pinagsasabi nila?!

"Ibaba mona kasi ako, please." Bulong kong muli

"Shut up or I'll kiss you." Malakas nitong saad na ikinanlaki ng mata ko. Rinig ko ang tilian ng mga tao na nandirito na ikinapula lalo ng mukha ko

Ano bang iniisip ni veron at sinabi niya 'yun? At talagang nilakasan niya pa ah?!

Hindi na lamang ako nagsalita dahil baka totohanin niya ang sinabi niya

Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na kami sa elevator. Tinanguan muna ni veron ang receptionist ng hotel saka kami tuluyang lumabas ng hotel.

Naglakad si veron papuntang parking lot habang buhat buhat parin ako. Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya dahil mas maraming tao ang nakatingin sa'min ngayong nasa labas na kami.

Nasa harapan na kami ng kotse niya at nakakapagtakang nasa madilim na part ito nakapark. Ibinaba niya ako saka niya binuksan ang pinto ng passenger seat

"Get in." Malalim ang boses na saad nito habang hindi nakatingin sa'kin

Nakanguso akong pumasok sa loob habang nakatingin sa kaniya. Umikot siya papuntang driver seat saka pumasok

"Seatbelt." Utos niya habang hindi parin nakatingin sa'kin

Sinunod ko naman siya saka mas ngumuso pa

Napakacold naman nito.

Nang matapos ay agad niyang pinaandar at nagmaneho. Maganda na ang panahon ngayon kaya safe na magdrive

Napakurap kurap ako dahil sobrang bilis ng pagmamaneho ni veron. Napatingin ako dito saka nagsalita

"I'm sorry, veron." Nakangusong saad ko pero parang wala itong narinig

"Veron, sorry na." Ulit ko pero hindi manlang ako kinibo. Nakakunot ang noo at seryoso lang nakatingin sa daan

"Veron, sorry na kasi." Nagbuntong hininga ako nang hindi man lang ako nito binalingan ng tingin

Tinanggal ko ang seatbelt ko saka inilapit ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge na ikinawala ng kunot sa noo niya kaya bumalik na ako sa pagkakaupo ng maayos

"Sorry na po, daddy veron. 'Wag kana pong magalit." Nagbibiro pero malambing kong saad

Nagtaka ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nagulat ako nang bigla itong ngumuso at bumalik ulit ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa harapan

"I'm so mad right now, kitten." Nakangusong saad nito na ikinangiti ko

Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang mukha niya paharap sa'kin

"I'm sorry na po, ginoong veron. Ano bang gusto mong gawin ko para hindi kana magalit?" Malambing at nakangiting saad ko

Umiling naman ito saka ngumiti at bigla akong hinalikan sa ilong na ikinahagikgik ko

"Hindi na ako galit kaya umayos kana ng upo." Nakangiting saad nito

Natatawang umupo ulit ako. Tinanggal niya ang seatbelt niya saka lumapit sa'kin at isinuot ang seatbelt ko

Nang masuot na niya ay tinitigan niya ang mukha ko na ikinataka ko

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Takang tanong ko

Umiling ito saka hinalikan akong muli sa ilong "You look beautiful, kitten." Nakangiting saad nito

"Eh?" Nakakunot ang noo ko siyang tinignan

Natawa ito saka ako hinalikan sa noo kaya napapikit ako. Humiwalay na siya saka umayos narin ng upo at nagsuot ng seatbelt niya

"Let's go home? Siguradong naghihintay na si mom sa 'tin." Nakangiting saad nito na ikinatango ko

*****

"Anak, masaya akong makitang okay ka." Bungad ni mama helen sa'kin saka ako niyakap

"Pasensya na po, kung pinag alala ko po kayo, mama helen." Nag-guilty kong saad

Sinapo naman ni mama helen ang mukha ko "Okay lang basta 'wag mo na ulit iyon uulitin, ha?" Nag aalalang saad ni mama helen

Tumango ako saka siya niyakap ulit kaya niyakap niya rin ako pabalik ng mahigpit

"Ales! Buti naman at walang nangyaring masama sa'yo! Sobra yung pag aalala namin sa'yo dahil sobrang lakas ng ulan kahapon." Napahiwalay ako kay mama nang dumating si vreos

"Sorry, vreos. Nalowbat kasi ako kaya hindi ko kayo natext." Saad ko

Niyakap ako ni vreos ng mahigpit saka ako hinalikan sa noo "Takot na takot ako na baka may nangyari na sa'yo." Bulong nito

"Pasensya na't pinag alala ko kayo." Ulit ko saka siya niyakap pabalik

"Tama na 'yan, vreos. Hindi pa siya kumakain kaya pakainin mo muna siya." Biglang singit ni mama helen kaya humiwalay na kami sa pagakakayakap

"Let's eat." Saad naman ni veron saka ako hinawakan sa bewang habang si vreos naman ay inakbayan ako

"Tara na, ma." Tawag ko kay mama bago ako hilahin ng dalawa. Kita ko pa ang pagtango ni mama habang nakangiti saka isinara ang pinto ng bahay

~~~

Sorry po sa late na update. Subukan ko pong bumawi hehe. Thank you for reading mwaa!

Scarlet.

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon