chapter 22

350 17 2
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa library ng school para mag aral. Maaga pa't kaunti pa lamang ang mga estudyanteng nadidito sa paaralan

Maaga akong nagising kung kaya't napagpasya kong pumasok na lamang ng maaga at mag aral sa paparating na exam.

Buti na lamang at nahabol ko ang mga na skip kung lessons sa tulong nila caino, violet, at crisiana. Nahirapan ako nung una pero hindi napagod ang tatlo na turuan ako

Buti nalang talaga't matalino rin yung tatlong 'yun.

Naglalakad ako nang may mabangga ako kaya nahulog ang mga dala kong libro. Nagbuntong hininga ako't lumuhod para kunin ang mga librong nahulog

"Pasensya na, hindi kita nakita." Tinulungan ako ng nakabanggaan kong pulutin ang mga librong nahulog

Nang matapos ay tumayo kami ng sabay at ibinigay niya sa'kin ang mga librong napulot niya kaya kinuha ko ito at mahigpit na hinawakan

Tinignan ko ang nakabanggan ko. Nagulat ako nang makilala ko ito

Siya yung lalaking nasabi sa'kin ni crisiana na playboy sa grupo nung mga lalaki nung nasa cafeteria kami sa first day of school.

Agad itong napangisi nang makita ang reaksyon ko't pinasadahan ako ng tingin. Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa kakaibang tingin nito sa'kin

"Kakaiba rin ang galawan mo, miss. Sinadya mong banggain ako para makuha ang atensyon ko." Nakangising saad nito

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya saka siya mas tinaasan ng kilay "Anong sinasabi mo?"

Natawa ito saka nakapamulsa akong tinignan "At talagang pinaulit mo po sa'kin para mas humaba ang usapan natin. Ganun mo na ba ako kagusto?" Walang hiyang saad nito na ikinatawa ko nang pagak na ikinangisi niya

"Mister, sino ka ba para pag aksayahan ko ng oras?" Nakangiting saad ko

Nakita kong bahagyang nawala ang ngisi niya pero bumalik naman agad ito

"Alam ko na yang galawan mo, miss. Magkukunwaring masungit para mas lalong makuha ang atensyon ko." Nakangising saad nito

"Ganun na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo't iniisip mong lahat ng babae may gusto sa'yo? Mangarap ka." Seryosong saad ko saka akmang aalis ng hawakan nito ang braso ko

"Tigilan mona ang pagkukunwari, miss. Ibibigay ko naman ang number ko eh." Nakangising saad nito

Iwinaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko na ikinagulat niya

"Wala akong paki alam sa number mo. Aanhi ko 'yan? Kainin mo 'yan kung gusto mo! Saka 'wag mo 'kong hahawakan!" Inis kong saad saka siya sinamaan ng tingin

Napakurap kurap ito ito mula sa pagkagulat. Nakarinig ako ng tawa galing sa kung saan

"Ano na, zeken? Napagtanto mo na bang hindi lahat ng babae may gusto sa'yo?" May lumabas na isang lalaki at may sumunod na dalawang lalaki

Nangunot ang noo ko nang makilala ang mga lalaki. Lumapit sa'kin ang isang lalaking tumatawa kanina saka yumuko

"Pasensya na, binibini. Nasayang pa ang oras mo dahil kay zeken." Nakangiting saad nito "Ako nga pala si Zurren. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Alesxia." Tipid kong saad

"Pagpasensya mo na ang kaibigan namin." Nakangiting ulit nito na ikinatango ko nalang

Akmang aalis na ako nang biglang magsalita ang lalaking may headphone na suot

"You're Alesxia Elise Versoro, I'm right?" Naka porkerface nitong saad saka tinanggal ang headphone nito

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now