chapter 32

263 13 7
                                    

Nakapameywang si dion sa harapan namin habang kami naman ni keanu ay nakaupo sa kama ko

"At anong kababalaghan ang nakita ko?" Parang nanay na saad ni dion habang makatingin sa'min

"May problema ba dun? Namiss lang naman namin yung isa't isa eh." Nakangusong saad ko naman

"May ganun? May halikang nagaganap?" Sarkastikong saad nito na ikinanguso ko lalo

"S-Sa pisnge lang naman 'yun. W-Wala namang malisya 'yun." Saad naman ni keanu

"Sa kaniya wala! Sa'yo meron! Meron! Meron!" Singhal ni dion na ikinayuko ni keanu

Tinignan ko ng masama si dion "'Wag mo nga siyang singhalan. Ayaw mo naman sigurong putulin ko yang dila mo, 'no?" Seryosong saad ko

Nakita ko ang paglunok nito saka umiwas ng tingin "Biro lang." Natatawang saad ko

"Okay sana kung nakakatawa biro mo eh." Nakangiwing saad nito

"Hayaan mona kasi sila, hon." Biglang sulpot ni kius saka hinalikan si dion sa labi at niyakap ito patalikod

"K-Kius, nandito sila. T-Tumigil ka nga!" Namumulang saad ni dion saka sinapak ng mahina si kius sa kamay nito

"And? Wala naman siguro silang pakialam kahit kainin kita sa harapan nila." Nakangisi at malokong saad ni kius na ikinangiwi ko

"Kius!" Namumulang saway ni dion sa kasintahan niya

"Ang bastos niyo ah!" Nakangiwing saad ko saka umirap

Narinig kong tumawa si kius habang si dion naman ay namumulang tinitignan ng masama si kius

"Dion, sa'n nga pala sila mama? Sila veron at vreos?" Takang tanong ko

Nagtaka ako nang maramdaman ko ang pagyakap ni keanu sa'kin patalikod saka isiniksik ang mukha sa leeg ko pero hinayaan ko nalang

"Pumunta si ma'am helen sa isa niyang kaibigan. Habang si sir veron naman ay may trabaho at si sir vreos naman, lumabas kasama mga kaibigan niya. Hindi na sila nakapagpaalam sa'yo kasi alam nilang pagod na pagod ka." Saad ni dion na ikinatango ko nalang

"Kumain kana ba, alesxia?" Tanong ni kius sa'kin na ikinailing ko

"Nagluto si kius para sa umagahan natin kaya tumayo na kayo d'yan at kakain na." Saad naman ni dion kaya nakangiting tumango ako

Tumingin ako kay keanu na nakayakap parin sa'kin "Tara na?" Malambing ko saad

Inangat niya ang ulo niya kaya ang lapit ng mukha naming sa isa't isa. Marahan itong tumango kaya tumayo na kaming dalawa.

Magiliw akong sumunod sa kanila habang hawak hwak ko ang kamay ni keanu at hila hila ito

"Siguradong mapaparami ako ng kain nito. Sarap mo naman kasing magluto, kius!" Nakangiting saad ko habang nakahawak parin kay keanu

"Dapat lang na damihan mo. Hindi ka pwedeng magutom." Lumapit ito sa'kin saka ako inakbayan at ginulo ang buhok ko

"'Kala mo naman, ginugutom namin 'yan dito. Alagang alaga 'yan." Nakangiwing saad ni dion saka tinapik ang pagkakaakbay ni kius sa'kin at hinawakan ang bewang ko habang masama ang tingin sa kasintahan niya

"Wala naman akong sinabing ganun, hon. At ibig kong sabihin, dapat ramihan niya ang kain niya dahil ang payat payat ng katawan niya." Sinamaan ko ng tingin si kius dahil sa sinabi niya

"Bangasan kita d'yan eh." Singhal ko

Napatingin ako kay keanu nang pisilin nito ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Nakita kong nakanguso siya habang nakatingin sa'kin

"Nagugutom kana ba?" Malambing kong tanong sa kaniya na ikinatango niya

Napatawa ako saka hinila siya pababa at nauna na kami sa dalawang maharot.

Nadatnan namin ang napakaraming masasarap na pagkain kaya nagning ning ang mga mata ko

Magiliw ako pumalakpak saka dalidaling umupo sa upuan habang nasa mga pagkain ang tingin.

Narinig ko ang pagtawa nila sa likuran ko pero hindi ko ito pinansin

Nagsandok si kius ng kanin saka inilagay sa platong nasa harap ko. Nagsandok naman si dion ng adobo saka inilagay rin sa platong nasa harapan ko.

"Akin 'to?" Nakangiting tanong ko sa dalawang. Natatawang tumango naman sila kaya natutuwa kong kinuha ang kutsara at agad na sumubo ng pagkain

"Dahan dahan." Rinig kong saad ni keanu saka marahang pinahid ang gilid ng labi ko

"Ang sarap!" Magiliw kong saad habang puno ang bibig

"'Wag kang magsalita kung puno ang bibig mo." Saway ni dion sa'kin na ikinatango ko

Napapikit ako at napaungol dahil sa sarap ng pagkain na niluto ni kius. May narinig akong naubo pero hindi ko iyon pinansin

"Sarap 'no?" Napamulat ako nang marinig ko si kius na magsalita

Tumango ako habang nakangiti. Tumawa ito saka ginulo ang buhok ko

"Kung masarap, kiss mo 'ko sa pisnge." Nakangiting saad nito sinapak naman siya agad ni dion

"Hoy, kius! Tigilan mo si alesxia. Ayaw mo naman sigurong putulin ko yang kinabukasan mo, 'no?" Masama ang tingin ni dion kay kius

"Nagbibiro lang naman ako, hon." Nakangusong saad ni kius saka niyakap si dion


"Ingay niyo." Singhal naman ni keanu

"Pakyu! Bumabait ka lang naman kapag nandito si alesxia." Singhal ni dion na ikinatawa ko

Inirapan lang siya ni keanu saka itinaas ang gitnang daliri nito

"Para kayong mga bata. Ikain niyo nalang 'yan." Nakangiting saad ko saka sumubo ulit

~~~

Boring ng chapter na 'to. Sorry po, ngayon lang. I love you sa nagbabasa mwaaa.

Scarlet.


Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon