chapter 33

247 11 5
                                    

"Tara na kasi!" Makulit kong hinila ang kamay nila kius at dion palabas ng sasakyan habang nakasunod lang si keanu

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni dion

"Mamamasyal nga diba? Ano ba?! Sasama ba kayo o hindi?" Inis kong saad

Nagbuntong hininga si kius saka wala choice na sumunod. Namamasyal kami ngayon at napakaraming tao ang nandito

"'Wag kang lalayo sa'min, alesxia. Baka malayo ka." Paalala ni keanu sa'kin na hindi ko pinansin

"Wow! Ang ganda talaga!" Magiliw kong saad saka tumakbo sa isang nagtitinda ng ice cream

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ni dion na ikinatango ko

Tumawa ito saka bumaling kay manong na nagtitinda ng ice cream "Pabili po, manong. Apat po." 

Napapalakpak ako. Maya maya lang ay tinanggap ko ang ice cream saka agad itong dinilaan. Tig isa isa kami ng ice cream

"Aba'y napakaganda mo naman, iha. Sino ba sa tatlong lalaking 'to ang nobyo mo?" Biglang saad ni manong na nagtitinda ng ice cream

"Tsismoso mo naman, manong." Biro ko habang natatawa "Wala pa po, pipili pa lang po ako sa kanilang tatlo, charot." Biro ko ulit

"Bakit pa ba pipili kong pwede namang sila nalang tatlo?" Saad ni manong na ikinaubo ng tatlong lalaking kasama ko

"Ayaw daw nila sa'kin, manong eh." Natatawang saad ko

"Aba'y ir-reto ko na lamang sa iyo ang apo ko. Gwapo at masipag iyon. Ano, iha? Payag kaba?" Biro ni manong na ikinatawa ko lalo

"Asa'n po ba apo niyo, nang maasawa ko na po, manong."

"'Wag mo nang subukang sabihin, manong. Kung ayaw niyong malugi 'tong tinda niyo ice cream." Saad ni dion

"Hindi masarap ice cream niyo, manong!" Nakangiwing saad ni kius

"I don't like it either." Walang emosyong saad ni keanu

Napangiwi si manong "Aba'y mga kabataan nga naman ngayon, napakabilis magselos." Napapailing na saad ni manong

"Tumigil nga kayo!" Sinamaan ko ng tingin ang tatlo "'Wag kang maniwala sa kanila, manong. Napakasarap ng ice cream!" Nakangiting saad ko

"Nako, salamat, iha. Mabuti ka pa, may magandang kalooban." Nakangiting saad ni manong

"Asus, si manong! Sige po, aalis na po kami. Maglilibot pa po kasi kami." Nakangiting paalam ko kay manong saka sinenyasan ang tatlo na sumunod na

Tumakbo ako nang napakabilis nang makakita ng balloon. Rinig ko ang pagtawag ng tatlo sa'kin na hindi ko naman pinansin

Napasimangot ako nang mawala sa paningin ko ang balloon. Napatingin ako sa isang lola na nahihirapang dalhin ang gamit niya

Nilapitan ko ito "lola, tulungan ko na po kayo." Magalang kong saad

Tinignan ako nito saka ngumiti "Ay, maraming salamat, iha." Saad nito saka dahan dahang inabot sa'kin ang ibang dala niyang gamit

"Saan ko po ba ito dadalhin?"

May tinuro siyang parang isang napakaliit na bahay. Dala dala ko ang gamit ni lola habang nakaalalay sa kaniya patungo sa tinuro niya

Nang makarating ay agad kong nilapag sa sahig ang mga dala ko at inalalayan si lola pumasok

"Maraming salamat, iha." Nakangiting saad nito saka tinitigan ako

"Walang ano man po." Nakangiting saad ko "Sige po, mauuna na po ako."

Aalis na sana ako ng hawakan ni lola ang kamay ko "Iha, maaari ko bang hulaan kung sino ang iyong makakatuluyan?" Nakangiting saad ni lola

"Ay nako, lola. Wala po akong maipambabayad." Nakangiting pagtanggi ko

Mukhang p-perahan pa ako ni lola, ah.

"Ito'y libre lamang." Nakangiting saad ni lola

"'Wag na po, lola." Nakangiti at magalang kong pagtanggi

"Sige na, iha. Wala kang babayaran rito, pangako. Nais ko lamang malaman kung sino ang napakaswerteng lalaking itinakda na makakasama mo sa habang buhay." Nakangiti at may pagsusumamong saad nito

Luh, si lola ayaw magpatalo.

Nagbuntong hinga na lamang ako saka tumango. "Sige na nga po." Nakangiting saad ko

"Maaari mo bang ibuka ang iyong palad para makita ko ang itinadhana para sa'yo?" Nakangiting saad ni lola kaya ibinuka ko ang palad ko

Pumikit si lola at parang may ginuguhit siya sa palad ko. Nagulat ako nang biglang umilaw ang mata ni lola nung iminulat niya ang mga mata niya.

"Kakaiba ito. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito ka dami." Nakangunot ang noo ni lola

"Ano pong ibig niyong sabihin, lola?" Takang tanong ko

"Ayun sa aking nakikita, higit sa dalawang lalaki ang makakatuluyan mo. Hindi ko man alam kong ilan sila ngunit alam kong hindi lamang dalawa kundi mas higit pa." Ipinikit muli ni lola ang mata niya saka iminulat ulit ngunit wala na ang liwanag sa mata niya.

"Imposible po ata 'yun." Natatawang saad ko pero agad napaseryoso nang makita ang serysong mukha ni lola

"Hindi ako nagbibiro, iha. Ramdam kong may makapangyarihan ang isa sa lalaking makakatuluyan mo. Sa tingin ko'y hindi ka lamang ordinaryong babae. Espesyal ka." Seryosong saad ni lola na ikinakunot ng noo ko

Maya maya lang ay ngumiti ito saka binitawan ang kamay ko. "Kailangan ko nang ayusin ang mga gamit ko sa loob. Salamat ulit, iha." Tumango ako saka nalilitong umalis na

Hindi pa man ako masyadong malayo sa maliit na bahay ni lola ay lumingon ako ulit. Nagulat ako nang makitang wala na ang bahay. Iginala ko ang tingin ko sa paligid pero hindi kona makita ang bahay at wala ng bakas ni lola

"Tangina, kaya nga ako nandito para hindi mag isip ng kung ano ano eh. Tapos dinagdagan pa ni lola iisipin ko ngayong gabi." Nagbuntong hininga ako

Napatingin ako sa isang bulilit na hinihila ang damit ko. Nagulat ako nang makita si aushin

My baby aushin! Nakalimutan ko ang cute na batang 'to.

"Aushin! Anong ginagawa mo dito?" Lumhod ako para magkapantay kami ni aushin saka hinawakan ang pisnge niya

"A-Ate... i miss you." Namumulang saad nito na ikinatawa ko

"Aw, my baby, i miss you too. How are you, hmm?" Malambing kong saad saka pinisil ang pisnge niya

"G-Good." Nakangiti ngunit parang nahihiyang saad ni baby shin na ikinahagikgik ko

Tumingin ako sa paligid para hanapin kung may kasama ba siya pero wala akong makitang kahit sino

"May kasama ka ba? Nasaan ang yaya't butler mo?" Malambing tanong ko sa kaniya

Hindi ito sumagot at umiwas lang ng tingin. Pinaningkitan ko ito ng mata "Tumakas na naman ba ang baby shin ko?" Nakangiting tanong ko

Tumango ito na may guilty na ekspresyon na ikinatawa ko. "Baby, sa susunod ah? 'Wag kanang tatakas. Para rin naman sa ikabubuti mo ang mga yaya't butler mo. Kaya dapat nagpapasalamat ka sa kanila kasi inaalagaan ka nila't binabantayan, okay? 'Wag mo sila masyadong pahirapan, unti lang dapat, hmm?" Malambing kong saad

Tumango ito "O-Okay." Saad nito

Ngumiti ako lalo saka siya binuhat. "Habang wala pang nakakakita sa'yo, mamasyal mona tayo, okay?" Nakangiting saad ko tumango naman ito habang nakangiti at namumula "Let's go!"

~~~

Super busy po talaga. Daming dapat gawin, hay. Thank you for reading!

Scarlet.

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now