Chapter 43

272 14 4
                                    



Nagising ako na parang pagod. Napatingin ako sa tabi ko at napahinga ng malalim nang makitang wala na ang dalawa sa tabi ko. Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng katawan ko


Napakagat ako ng labi at namula nang maalala ang napanaginipan ko. Napanaginapan nga ba? Aish ewan. Basta ang alam ko lang, ang sakit ng buong katawan ko at ramdam ko rin ang hapdi sa gitnang bahagi ng mga hita ko.



"Shet, ang sakit ng katawan ko..." bulong ko sa sarili ko saka ipinikit ang mga mata.


Iminulat ko ang mga mata ko't dahan dahang tumayo. Paika-ika akong naglakad papunta sa Cr upang maligo. Nang makapasok sa CR ay napatingin ako sa salamin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga pulang marka sa leeg ko at sa bandang dibdib.


Hinubad ko ang damit ko at tumambad sa akin ang maraming marka at bite mark sa tiyan at dibdib ko. Namula ako at napabuntong hininga.

"Putangina, hindi nga panaginip. Ahh... kainis ka, Icarus!" Inis kong saad habang nakatingin sa salamin.

Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot ang salarin sa likod ko. Nakangiti niya akong niyakap at hinalikan ang leeg ko kaya inis ko itong hinarap.



"Nakakainis ka naman, Icarus! Tignan mo! Ang daming red marks sa leeg ko. Paano ko 'to itatago?" Inis kong saad saka mahinang sinipa ang tuhod niya na ikinadaing nito't ikinatawa



Hinalikan ako nito sa labi at lumayo saka ngumiti ng malapad, "Bakit kinakailangan mo pang itago ang mga ebidensiyang inangkin kita kagabi, mahal ko? Ayaw mo bang malaman ng lahat na ako ang una mo?" Nakangiting saad nito saka hinalikan ng marahan ang kamay kong hawak niya




"Baliw ka ba? Syempre, malalagot ako kay mama helen pag nakita niya 'to, 'no!" Naiinis kong saad, "Pa'no ko 'to itatago, Icarus?!" Pumapadyak padyak kong saad na ikinatawa nito



Ipinulupot niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko't marahan akong hinalikan sa labi ulit. Dahan dahan at may pag iingat ang mga halik niya kaya hindi ko maiwasang tumugon.




Ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya habang ang kamay niya ay hinahaplos ang bewang ko. Ngumisi ito at humiwalay nang mawawalan na kami ng hininga.




"Hayaan mo akong tulungan kang walain ang mga pulang marka sa leeg mo." Nakangising saad nito't pinaupo ako sa bathtub




Napaungol at napapikit ako nang halikan nito ang leeg ko. Naramdaman ko ang basa nitong dila na humahagod sa leeg ko. Hinahalik halikan nito ang mga marka na ikinakiliti ko




Napahagikgik ako saka lumayo. Ngumiti ito saka hinalikan ang ilong ko. "Wala na. Naiwala ko na ang mga marka kaya hindi mo na kilangang mag alala." Nakangiting saad nito na ikinangiti ko rin



Hinaplos ko ang dalawang pisnge nito at tinitigan ang mukha niya. Napapikit ito at hinawakan ang kamay ko habang pinapakiramdaman ang bawat haplos ko,




"Nakakakalma ang mga haplos mo, mahal ko. Kinakalma ako nito..." mahinang saad niya na ikinatawa ko



"Ang gwapo mo, Icarus." Nakangiting saad ko



Nakita kong napalunok siya't napamulat ng mata. Nakatitig ito sa aking labi habang nakakagat sa ibabang labi niya.



"Pakiusap, huwag mo akong titigan ng ganiyan. Nababaliw ako sa mga titig at mga salitang lumalabas ang maganda mong labi." Pumungay ang mata nito't napalunok muli, "Baka hindi ako makapagpigil at angkinin kitang muli."





Reincarenated In Another WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora