chapter 26

316 11 1
                                    

Uwian na at nandidito ako ngayon sa tabi ng kalsada. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng ulan.

Busy kasi si veron at vreos. May business trip kasi si veron habang si vreos naman ako ay may pinagkakaabalahan sa school nila kaya hindi na 'yun masyadong umuuwi

Nagbuntong hininga ako nang makitang ako nalang ang taong nandidito.

"Bakit ba kasi umulan." Nakasimangot kong pinanood ang bawat pagtulo ng mga ulan.

Napayakap ako sa sarili ko at napapikit nang dumampi ang malakas na hangin sa katawan ko

May naramdaman akong may naglagay ng kung ano sa balikat ko kaya nawala ng bahagya ang malamig na hangin na dumadampi sa katawan ko

"Why are you alone?" Napamulat ako saka napatingin sa taong naglagay ng jacket sa balikat ko

"Fabian!" Napangiti ako nang makita si fabian. Basa ang buhok nito na sa tingin ko'y dahil sa ulan

Ngumiti ito habang nakatingin sa'kin. Inayos niya ang buhok kong nakatakas mula sa tenga ko dahil sa malakas na hangin

"Bakit ka nandito?" Tanong ko

"Nakipagkita kasi ako sa pinsan ko. Malapit lang rito yung restaurant na pinagkitaan namin kaya nadaanan ko ang school na 'to na school mo pala. Tapos nakita kita rito." Paliwanag nito na ikinatango ko ng tatlong beses "Ikaw? Bakit nandito kapa sa ganitong oras?" Tanong nito

Niyakap ko ang sarili ko dahil lumakas bigla ang hangin

"Nahuli akong makauwi kasi may inutos sa'kin ang adviser namin." Sagot ko naman sa tanong niya

"Oh? Sumabay kana sa'kin. Pauwi narin naman ako. Hatid na kita sa inyo." Hinawakan nito ang jacket na nasa balikat ko "Suotin mo 'to, para hindi ka lamigin."

Tumango ako saka isinuot ang jacket niya. Tinulungan naman niya ako kaya mabilis ko lang rin itong nasuot.

"Ayokong makadisturbo sa'yo." Nakangiting saad ko naman habang nakatingin sa kaniyang isinasara ang zipper ng jacket na suot ko

"Mas mapapanatag ako kung sasabay ka sa'kin. Ayokong mapahamak ka." Seryosong saad nito habang focus sa pagzipper ng jacket na suot ko

Natawa ako habang pinapanood siyang focus at nakakunot ang noo sa pagzipper ng jacket. Napatingin ito sa'kin  ng nakakunot ang noo

"Why are you laughing?" Nakakunot ang noong tanong nito

"Ang cute mo lang kasi." Nakangiting saad ko

Umiwas ito ng tingin at kita ko ang pagpula ng tenga niya na ikinataka ko. Hindi nito pinansin ang sinabi ko at ipinagpatuloy ang pagzipper ng jacket

"Damn, bakit ba biglang ayaw magzipper nito." Inis na bulong nito kaya napangiti ako

Ilang segundo pa ang lumipas at nazipper narin ang jacket na suot ko

"So, ano? Sasabay kaba sa'kin o hindi?" Tanong nito saka umayos ng tayo

"May choice pa ba ako? Ang lakas na ng ulan at magkakabagyo pa ata." Natatawang saad ko

"Hintayin mo 'ko dito." Saad nito bago tumakbo mula rito sa sinisilungan namin

"Hoy, fab! Nababasa ka, oh!" Sigaw ko pero parang wala itong narinig

Lumapit ito sa isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. Pumasok siya rito at saka pinaandar

Nang makalapit ito sa pwesto ko ay agad itong lumabas ng sasakyan saka pinagbuksan ako ng pinto kaya basang basa na siya

"Halika na, para maihatid na kita." Saad nito habang nakatingin sa'kin

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now