chapter 21

367 21 1
                                    

Napahikab ako dahil sa antok at pagod. Hindi ako agad nakatulog dahil sa dalawang magkapatid na versoro na hindi ako tinigilan kagabi

Pagkatapos kong imassage si veron kagabi ay syang pagdating naman ni vreos galing sa eskwela

Nanatili pa nga si veron sa kwarto ko at doon na rin nagtrabaho at natulog habang si vreos naman kinukulit ako dahil miss na daw niya ako

Para namang ilang years akong hindi nakita.

"Magandang umaga, anak." Napabaling ako kay mama helen na bagong dating lamang dito sa dinning room

Agad ko siyang nilapitan saka niyakap at hinalikan sa pisnge "Good morning, mama helen. Namiss po kita." Paglalambing ko

Narinig kong natawa si mama helen dahil sa paglalambing ko

"Bakit ako walang kiss?" Sinamaan ko ng tingin si vreos na kakadating lang rin

"Tigilan mo 'ko, vreos! Kinulit mo 'ko buong gabi kaya hindi ako agad nakatulog!" Inis kong singhal na ikinatawa nito

"Namiss lang kita, ales." Nakangiting saad nito saka umupo sa upuan

"Good morning, kitten." Paos na bati ni veron na panghuling dumating saka lumapit sa'kin at hinalikan ang noo ko kaya napabitaw ako kay mama helen

"Good morning." Bati ko pabalik

Pinaghila ako at si mama helen ni veron ng upuan kaya sabay na kaming umupo ni mama helen. Umupo sa tabi ko si veron sa kanan habang katabi ko sa kaliwa si mama helen

Napalingon ako kay vreos na nakanguso ngayon habang nakatingin sa'min. Nagcrossed arms ito saka idinukdok ang mukha sa lamesa ng mahina

"Umayos ka nga ng upo, vreos! Nasa hapag kainan tayo!" Suway ni mama helen kay vreos kaya napaayos ito ng upo pero nakanguso parin

"Bakit nakanguso riyan?" Natatakang tanong ko

Tumingin ito sakin saka mas lalong ngumuso "Hindi kita katabi." Mahinang saad nito

"You look stupid." Rinig kong saad ni veron kaya sinamaan ng ni vreos ang kuya niya

Natawa ako saka napailing. Nagdasal muna kami bago kami kumain.

***

"Hoy, babe! Saan kaba kasi nanggaling at ngayon ka lang pumasok?" Pangungulit ni caino sa'kin. Ganiyan na 'yan simula nung dumating ako dito sa room

At babe narin ang tawag niya sa'kin, pagkapasok na pagkapasok ko.

Nagbuntong hininga ako saka siya hinarap. "May inalagaan akong kaibigan kaya ngayon lang ako nakapasok." Pagsisinungaling ko

Kami nalang ang nandito sa room dahil pumunta ng cafeteria ang iba. Nag aayos kasi ako ng gamit ko

Bigla itong lumapit sa'kin kaya napaatras ako. Nagtaka ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa'kin kaya napasandal ako sa lamesang nasa likod ko

"At ganun ka tagal?" Seryosong saad nito na ikinalunok ko

"O-Oo? T-Teka... ang lapit mo." Mas lalo akong napaatras na hindi ko na namalayang napaatras narin ang lamesang sinasandalan ko

Hihiga na sana ako sa malamig na sahig pero sinalo ako ni caino. Pero mali ang ginawa niya dahil pati siya ay nasama sa pagbagsak ko kaya napalaki ang mata ko

"Fuck! Alesxia, are you okay? May masakit ba?" Nag aalalang tanong ni caino at tinitigan ako sa mukha

Habang ang kamay nito ay nasa ulohan ko kaya hindi nabagok ang ulo ko mula sa biglaang pagkahiga

Naramdaman ko ang kirot sa bandang siko ko at sakit ng likod ko kaya napangiwi ako

"Okay lang ako." Mahinang saad ko saka napaiwas ng tingin

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at ramdam ko ang mainit at mabango nitong hininga na tumatama sa mukha ko

"Are you sure--"

"What's the meaning of this?!" Nakarinig kami ng sigaw kaya nagulat kaming pareho at naramdaman ko nalang ang labi nito sa gilid ng labi ko na ikinatigil ko

"Omo! Caino, bakit mo hinalikan si alesxia?!" Sigaw ni crisiana

"What the... fuck?" Bulaslas naman ni violet habang gulat na nakatingin sa'min

Mali ang iniisip niyo!!!

***

"Ano yung nakita na'min?! Anong ginagawa niyo dun?! Kayo na ba?! Bakit sa lahat ng lugar bakit sa room pa kayo gagawa ng bat--" binatukan siya ni caino na namumula sa mga sinasabi niya

Napatampal ako sa noo dahil hindi kami hinahayaang magsalita ni crisiana

"Ano 'yun?" Seryosong saad ni violet habang nakatingin sa'kin

Napakamot ako ng ulo saka nagsalita "Aksidente lang naman 'yun eh. Aksidenteng nadulas ako at nasama ko si caino kaya ayun. Kaya ganun ang naging posisyon namin." Paliwanag ko

"Eh ano yung halik?! Pa'no niyo maipapaliwanag 'yun?" Sigaw ni crisiana habang nakacrossed arms.

Si violet naman ay seryosong naghihintay ng sagot habang nakitingin parin sa'kin.

"Syempre! Nagulat ako sa sigaw niyo kaya napahalik ako sa gilid ng labi ni alesxia! Kasalanan niyo naman eh!" Sagot naman ni caino na ikinatigin nila violet sa kaniya

"Sa gilid ng labi lang? Hindi sa labi talaga?" Paninigurado ni crisiana

"Oo!" Sabay naming sagot ni caino

"Talaga?"

"Oo nga!"

"Talagang talaga?"

"Oo nga sabi!"

"Pero gusto mo talaga siyang halikan!"

"Oo-- hindi ah!"

"Hindi mo 'ko maloloko, bakla!"

"Crisiana, masasabunutan na kita!"

"Edi gawin mo!"

"Aba't!" Tumakbo si crisiana nang bigla siyang habulin ni caino

"Namumula ang siko mo, okay ka lang ba talaga?" Napatingin ako kay violet

Napatingin ako sa siko ko saka hinaplos ito "Okay lang ako." Nakangiting saad ko

"Sigurado kaba?" Nag aalalang saad ni violet saka nilapitan ako at hinawakan ang kamay ko saka hinipan ito

Natigilan ako sa ginawa siya pero napangiti rin "Okay lang talaga ako." Natatawang saad ko pero parang wala itong narinig dahil patuloy parin siya sa pa ihip ng siko ko

Maingat niya itong hinahaplos na para bang takot siyang madiinan ang pagkakahawak sa siko ko

Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang siko ko. Natigilan ako nang maramdaman ko ang dila niya na para bang dinidilaan niya ang namumula kong siko

Nakatitig lang ako sa kaniya at para bang gustong gusto ng katawan ko ang ginagawa niya

Napakurap kurap ako nang bigla siyang tumingin sa'kin habang hinahalik-halikan at dinidilaan ang siko ko. At nakita ko ang pagnanasa sa mga mata niya.

Napalayo kaming dalawa sa isa't isa nang biglang lumapit sila crisiana sa'min

Hinihingal na lumapit sa'min si crisiana at inangkala ang kamay niya sa braso ko habang si caino naman ay seryosong nakatingin sa'kin saka sa braso ko tapos lilipat kay violet na nakangisi ngayon.

"Tara na sa cafeteria! Gutom na ako!" Parang batang saad ni crisiana

Napatawa ako saka pinat ang ulo niya "Hindi ka ba kumain ng umagahan?" Nakangiting tanong ko sa kaniya na ikinailing niya

Natawa ako saka ginulo ang buhok niya at hinawakan ang kamay niya "Tara na nga."

Hinila ko na siya para pumuntang cafeteria at nakasunod naman ang dalawa sa'min.

~~~

Kalandian nga naman.

scarlet.

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now