chapter 35

254 14 1
                                    

May naramdaman akong humawak sa bewang ko kaya napatingin ako sa taong nagmamay ari ng kamay.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni keanu

Ngumiti ako saka tumango. "Sure ka?" Tanong nitong muli

"Okay nga lang ako." Nakangiting saad ko

"Ate... hug!" Napatingin ako kay aushin nang sumigaw ito. Napatawa ako saka niyakap siya't hinalikan sa pisngi

"Miss na miss talaga kita, bulilit ko." Pinanggigilan ko ang pisnge nito

Naramdaman ko ang pagsandal ni keanu sa balikat ko. Kita kong pabalik na ang tatlo dito sa pwesto namin. Bumili kasi sila ng makakain namin

"Here." Inabot ni aiden sa'kin ang pagkain kaya tinanggap ko ito

"Salamat, Mr. Sawyer." Nakangiting saad ko

"It's aiden." Biglang saad nito

"Huh?" Nalilitong saad ko

"Call me aiden." Nakangiting saad nito

"Okay, aiden." Napabaling kay keanu ang atensyon ko nang hawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kaniya

Sobrang lapit ng mukha namin at kita ko ang pagtitig nito sa labi ko.

"M-May dumi ka sa sa pisngi." Saad nito saka pinahid ang kung anong dumi sa pisngi ko. Narinig kong tumawa sila dion at kius

"Thank you!" Nakangiting saad ko saka binaling ang tingin kay aushin

"Gutom na ba ang baby ko?" Malambing kong tanong kay aushin

Tumango ito at kita ko ang pagpula ng tenga nito na ikinatawa ko

"Halika, umupo ka sa lap ni ate." Nakangiting hinawakan ko ang kamay ni aushin saka inalalayan siyang umupo sa lap ko

"Para kayong mag ina." Napatingin ako kay kius dahil sa sinabi niya

"Dahil ba parehas kaming gwapo't maganda?" Nakangising saad ko

"Hindi. Mukha kang stress na ina na inaalagaan ang malusog mong anak." Nakangiting saad nito na ikina simangot ko

"Tangina mo." Singhal ko na ikinatawa nila

"Yeah, he's right." Singit naman ni aiden kaya sinamaan ko siya ng tingin "But you're a beautiful mother!" Dagdag nito na ikinangiti ko

"May kiss ka sa'kin, halika dito!" Biro ko napatawa ako nang lumapit nga ito pero agad rin itong hinarangan ni dion

"Hindi pwedeng siya lang!" Nakangusong saad ni dion

"Tama tama!" Pag sang ayon naman ng dalawa

"Kapal niyo naman." Bawi ko na ikinasimangot nila."Si baby aushin lang may kiss sa'kin." Hinalikan ko ang pisnge ni aushin na ikinahagikgik nito

"How about the older brother?" Singit naman ni aiden

"Kaharotan mo, sawyer." Natatawang saad ko

"Kumain na muna tayo. Mamaya na muna tayo manghingi ng kiss kay alesxia." Biglang saad naman ni kius na sinang ayunan naman ng tatlo na ikinangiwi ko

"Ang kakapal naman ng mga itlog ninyo." Singhal ko

"Pakalmahin mo kasi." Nakangising saad naman ni keanu

Napataas ang kilay ko dahil ko maintindihan  ang sinabi ni keanu. Mas nalito pa ako nang tumawa si kius at dion habang si aiden naman umiwas ng tingin at parang nagpipigil ng tawa

"Mga buang." Nakangiwing saad ko

Hindi nila pinansin ang sinabi ko't tumawa at tumawa lamang sila. Pagkatapos ng masamang pangyayari 'yun ay kinain na namin ang mga pagkaing pinamili ng mga ugok

Sinusubuan ko si aushin habang sinusubuan naman ako ni keanu. Nagsusubuan po kami.

Baka iba isipin niyo sa subuan ah.

"Keanu, papasok kana ba sa next quarter?" Tanong ko kay keanu na busy sa pagsubo ng pagkain sa'kin

"Oo, magaling naman na ako saka wala na rin yung mga sugat ko." Nakangiting saad nito saka sinubuan ako

Nginuya ko ang pagkain saka nilunok. Kinuha ko ang water bottle saka binuksan ito para uminom.

"Nakapag exam kaba?" Tanong ko ulit

Napatingin ako kay dion nang may pinahid siya sa gilid ng labi ko at napataas ako ng kilay ng dilaan niya ito

"Naman! Baka wala akong grade kapag hindi ako nag exam." Natatawang saad nito

Binaling ko ulit ang tingin ko kay keanu saka ngumiti. "Masaya ako dahil maayos na ang pakiramdam mo. Excited na rin akong makasama kang pumasok sa school." Nakangiting saad ko

Nakita ko ang paglaki ng ngiti nito saka tumango. Kita ko ang pagpula ng leeg at tenga nito saka umiwas ng tingin na ikinatawa ko ng mahina

Binaling ko naman ang tingin ko kay dion. "At ikaw naman, dion. Kamusta ang training mo?" Tanong ko

Ngumiti ito saka hinawakan ang dalawang kamay ko. "Magandang balita, alesxia. Masaya akong sabihin na nakapasa ako para maging personal butler mo! Maaari na kitang maprotektahan at makasama!" Masayang saad nito na ikinangiti ko lalo

"Talaga? Masaya akong malaman 'yan! Masaya akong ikaw ang magiging personal butler ko, dion! Ipinagmamalaki kita!" Masayang sabi ko saka tinap ang ulo niya't hinaplos ang pisnge niya

Ipinikit niya naman ang mga mata niya saka hinayaan akong haplosin ang pisnge niya na parang pusang nagpapalambing sa amo niya

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay kius ng lumapit ito sa'kin. "Alesxia, nagp-plano akong magpatayo ng hospital sa lugar ng vudia. Maraming mga taong naghihirap  doon na makapunta dito sa syudad para magpacheck up kaya naisip kong magpatayo roon ng hospital. Gusto ko sanang malaman ang opinyon mo para dun." Nakangiting saad ni kius

Namangha ako saka napathumbs up. "Ang ganda ng naisip mo, kius! Marami kang matutulungan d'yan sa naiisip mo! Basta nandidito lang ako para suportahan ka sa ideya mong 'yan!" Nakangiting saad ko saka marahang hinaplos ang buhok ni kius na ikinangiti nito lalo

Ramdam ko ang pagyakap sa'kin  ni aushin na nakaupo sa lap ko. Tumingin naman ako kay aiden na nakatingin sa amin

"Aiden, nalaman ko mula kay baby shin na ikaw daw ang magiging taga pagmana ng kompanya ng lolo't lola niyo." Nakangiting saad ko

Nagulat naman ito pero kalaunan ay kinamot nito ang kaniyang ulo saka namumulang umiwas ng tingin. "Hindi pa sigurado. Namimili pa lang sila lola at lolo pero nagp-plano silang piliin ako." 

"Sa pagkakaalam ko, sikat ang kompanya ng lolo't lola mo. Saka siguradong ikaw ang magmamana niyan dahil nakikita ko namang karapatdapat ka d'yan. Galing mo kaya." Nakangiting saad ko na ikinangiti nito

"Thank you." Parang nahihiyang saad nito na ikinakindat ko sa kaniya saka tumawa

Tumingin naman ako kay aushin ng halik halikan nito ang pisngi ko na para bang kinukuha nito ang atensyon na ikinatawa ko naman

"At ikaw naman bulilit ko, balita ko ikaw daw ang top one sa klase niyo? Totoo ba 'yun?" Nakangiting saad ko habang nakatingin kay aushin

Tumango ito ng paulit ulit na ikinangiti ko lalo kaya hinalik halikan ko ang pisngi niya. "Napakagaling naman ng baby ko na 'yan!" Natatawang saad ko

Nakakaproud 'tong mga lalaking kasama ko. Halata talagang pinaghihirapan nilang makuha ang mga gusto nila at masaya akong malaman 'yun.

~~~

Dahil nangako ako, tutuparin ko. Isang boring at maikling chapter para sa inyo! Salamat sa pagbabasa mga mahal ko!

Scarlet.

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon