Chapter 1

1.5K 33 0
                                    

Pumasok ako sa school ng inaantok, pano ba naman kasi at nagpapatulong tong kaibigan kong si Gia sa assignment niya. Umagang umaga hindi tuloy nagffunction ang utak ko.

"Hoy gaga nagawa mo na ba yung pinapagawa ni Sir Alfred sa FABM1?" Tanong bigla ng kaibigan kong si Daphne na ABM student rin.

Ako'y nagising sa realidad at naalalang may pinagawa ang teacher namin, sobrang strict pa naman non.

"Oo nga pala hindi ko nagawa yon, si Gia kasi eh. Tulungan mo nalang ako mamaya pleasee." sambit ko na nagmamakaawa kay Daphne.

Binigyan ako bigla ng masamang tingin ng kaibigan ko as if hahayaan niya kong walang gawa.

"Ever since nakilala mo yang si Gia noong Grade 10 tayo napakalandi mo na, inuuna mo na siya kesa sa acads mo! You're not the Serenity that I know."

Itong babaeng to kung ano anong pinagsasasabi straight nga ako at hindi ako interesado sa babae pero mahal ko pa rin yon kahit puro katarantaduhan ang nasa isip niya.

"Anong pinagsasasabi mo diyan eh alam mo namang hindi at never akong magkakaron ng feelings sa babae, tsaka if ever man na mangyare yon alam mo naman na homophobic ang mga relatives ko."

My family are full of homophobic people, especially my Dad he can't imagine two same genders falling inlove with each other lalo na ang babae sa babae dahil sa kaniya hindi nila kayang tustusan ang isa't isa pagdating sa financial which I disagree. Even though hindi ako part ng LGBTQ+ community i still support them cause love is love, you only live once so enjoy your life before it's too late.

I snap out of my thoughts ng magsalita si Daphne.

"Maniwala, alam kong feminine at mahinhin ka pero that doesn't mean na straight ka! Malay mo sa susunod na araw bading ka na."

Nang matapos na ang first half ng class namin ay napagisipan kong pumunta sa cafeteria upang bumili ng inumin.

Habang naglalakad ako ng mapayapa ay may bumulabog sa akin ng may mabigat na sumandal sa balikat ko.

"Pucha kanina pa kita hinahanap, pumunta na ko sa kung saan saan na pwede kang tumambay pati na sa room niyo pero wala ka don."

Sabi ng kaibigan kong si Gia na naghahabol ng hininga sa tabi ko, boses at pananalita pa lang ay alam kong siya na agad iyon kaya hindi ko na siya tinignan.

Ang boring ng paligid kaya pinagtripan ko muna tong kaibigan ko.

"Wag mo kong kausapin, wala ako sa mood ngayon dahil wala akong gawa sa FABM1 alam mo ba kung bakit? Dahil yon sayo."

Napatigil siya at biglang pumunta sa harapan ko na nagpatigil sakin sa paglalakad.

"Ako nanaman?! Ampucha eh ikaw nga itong nagoffer na tulungan ako gago ka ba?" Sabi niya na halatang pinaninindigan na may punto siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng makarating kami sa pilahan ng cafeteria.

Masyadong madaldal tong si Gia at laging may chika.

"Hoy alam mo tangina may umamin kaya sakin syempre babae tapos binigyan ako ng confession letter ayoko naman na paasahin yung babae pero siya tong umaasa. Di porket bading ako wala na kong standards huy ano siya swineswerte?"

Tumawa si Gia habang nagkkwento tungkol sa lovelife niya. Marami talagang mga babae ang nagkakagusto ron porket laging nakapolo at may pogandang hairstyle pa, plus pogi points na ang pagiging matangkad niya na nagdudulot ng kaululan lalo ng mga babae sa kaniya palibhasa mga ulol sa poganda.

"Sana pinabillboard mo." iyon lang ang sagot ko dahil wala naman akong pake sa kalandian at kaharutan niya sa buhay.

Natapos ang araw ko ng pigang piga, sinong hindi mapapagod eh kung ano anong pinapagawa samin. Minsan pinagiisipan ko na rin kung bakit pinili ko tong strand na to eh mahina naman ako sa math.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now